"Mabuti at naisipan mo pang umuwi." Ito ang bungad sa'kin ni Impaks the moment na makapasok ako sa bahay. Naka-upo sya sa sofa at napansin kong nakasuot na sya ng pantulog. May baso sa tapat nyang nakapatong sa mesa habang hawak-hawak nya ang cell phone nya.
"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya habang nakasandal sa pinto. Kumunot ang noo nya sa'kin at umayos sya ng upo.
"Bakit sa tingin mo? Ni hindi ka manlang marunong sumagot ng cell phone mo! I've been calling you a lot of times!" Singhal nito sa'kin tapos ay sumilip sya sa wall clock namin kaya pati ako ay napatingin doon.
10:25 PM
"Marunong ka bang tumingin ng oras Venice? Alam mo ba kung anong na? Alam mo ba kung anong oras mo?! Nalalaman mo bang gabing-gabi na?! Bakit ba ngayon ka lang?!" sunod-sunod na tanong nito sa'kin, at base sa mukha at tono ng boses nya, alam kong galit sya.
Napahilamos ko ang dalawang kamay ko pataas sa mukha ko at ipinadiretso ito sa buhok ko. Napahinga ako nang malalim. Gusto ko sana syang sagutin ngayon pero wala akong energy makipag-sagutan sa kanya ngayon.
"Do I really have to explain myself?" Napapagod na tanong ko sa kanya. Hindi ba puwedeng itanong nya muna ako kung pagod ba ako, kung kumain na ba ako, o kung ayos lang ba ako? Napaka-impakto talaga ng taong ito. Kung makapagtanong sya sa'kin ay kala mo naman nakipag-affair ako sa kung sino.
He scoffed.
"Just save it. Tss" Sabi nito tapos ay kinuha ang baso at naglakad papunta sa kusina, leaving me here in the living room.
Napabuntong-hininga akong muli at napamasahe ko ang nosebridge ko. Naiintindihan ko naman kung bakit galit ngayon si Impaks. It is already late and I know he's just concerned that something happened. I really get that. Pero sana naman ay tinanong nya nalang ako nang mahinahon. Okay naman kami bago kami umalis kanina ni Sky 'diba? Yes, I know na nagkasagutan kami kanina over the phone pero okay naman na kami kanina eh. Bakit ngayon ganito na naman? Hindi ba puwedeng dumaan ang araw na hindi kami nagkakagalitan?
I sighed.
Naglakad nalang ako papunta sa kwarto ko dahil wala akong balak tumayo buong magdamag sa harap ng pinto namin. Hindi ko narin pa binalak na mag-dinner dahil wala narin akong gana. Besides, pagod na talaga ako and the only thing I want to do is go to my beloved room.
The moment I entered my room ay dumiretso ako sa kama ako saka ibinagsak ang katawan ko rito.
Shit what a night! Grabe! I didn't expect that and I didn't expect it to end that way! Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng nasaksihan ko kanina but one thing for sure, it was one hell of experience.
For the love of God, hindi ako pinalaki, pinag-aral, binihisan, at pinakain ng mga magulang ko para lang mag-linis at magtanggal ng hasang ng isda! I really swear to God!
Parang gusto ko na kaninang si Sky ang tanggalan ko ng lungs at balatan nang buhay! Sobra ang kabog ng dibdib ko na akala ko ay mapapasabak kami sa away! Lalo pa at ang lalaking sumulpot sa harap namin kanina ay may dalang patalim! But it is not what I expected. Those two are indeed rival but not in a freaking bloody way. They are rival in terms of cleaning and deboning fishes and I really swear to God, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko!
Sky explained that the gang he's talking about is that gang. He told me that was the Red Soul Organization. They are called that because they are people whose business is aquaculture. According to him, Red Soul pertains to the blood of the fishes they've constantly killed in order to bring fish meat in people's tables. Honestly, hindi ko alam kung paniniwalaan ko sya that time, but I was there.The place where we went was not exactly the market. We went to a factory at bawat sulok yata ng factory ay may nakatatak na Red Soul Organization na katulad na katulad ng nasa panyong nakita ko.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...