Chapter 4 |Cookies|
It's been two weeks since mom and I had the talk. Kinabukasan din ng gabing iyon ay sinabi sakin ni mama thru text na wala na raw akong dapat ipag-alala dahil tinanggihan na nila ang offer ng investor na iyon. Pero alam ko, kasabay ng pagtangging iyon ay ang hindi pag-invest kaya naman more problem.
"Yo JV"
I know I'm lucky enough dahil madaling kausap ang mga magulang ko. I said no and they obligued. Hindi nila pinush pa. I know they love me that much. Nasaakin ang desisyon about sa bagay na iyon. They didn't sell me. Iyon kasi ang dating saakin ng fixed marriage, it's like selling your child to a stranger.
"JV?"
Pero ayun nga, kasabay ng aking NO ay ang NO rin ng investor. Kaya naman, in that two weeks, ramdam ko na ang hirap na pinagdaraanan nila mama at daddy.
Nasabi ko nang hindi kami ganoong kayaman. Compared to other students here in Pure Dove Academy na mga anak/apo ng isang napakalaking kumpanya, kami ay hindi.
"Jennica Venice Rhee!"
We just own a five star hotel. One in Manila then one in Cagayan Valley. Though, the heart of our business is in South Korea kung saan pinamumunuan ito ng lolo ko at mga tito ko on my father's side.
You see, we are not really that rich. Kaya nga para saakin ay wala akong karapatang magpaka-brat. At isa pa, pinalaki kami ng parents namin na maging humble.
Kaya naman sa tingin ko, even though we have this kind of crisis in the company ay mabubuhay kami. I told you, we have a lot of back up. Meron sa Korea at sa Cagayan. Even I have my own business and it's going pretty well. Pero everytime I look at my father, I see dark circle under his eyes, hindi ko maiwasang hindi maguilty.
In those two weeks, naramdaman ko ang consequences ng desisyon ko. Dad always comes home late. Si mama naman ay kabi-kabila ang cell phone na gamit at kausap ang kung sino-sino. We barely eat breakfast together. It's always just me, Vince and mamang. Everything has changed, everything.
Suddenly, I felt presence behind me kaya napatingin ako sa likod. Napatili naman ako sa gulat nang makita ko si Zeya na nakatayo at naka-taas ang isang kilay saakin.
"Great. Just great" sabi ni Zeya at nanlalaki ang mata ko nang tignan sya.
My goodness! Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong tray ng cookies!
Inilapag ko ang tray na hawak ko sa table at tinanggal ang earphones kong nakasalpak sa tenga ko.
"Dapat ba talagang nandyan ka lang?! Hindi ka manlang nagparamdam!" I shrieked at binuka nya ang bibig nya.
Parang may gusto sanang sabihin si Zeya pero napabuga lang sya ng hangin. Napakunot naman ang noo ko sa inakto nya.
"Huwaaaaw" sabi nya tonong hindi naman enthusiastic. "FYI babae, makatatlong beses ko nang tinawag yang pangalan mo pero wapakels ka sa beauty ko!" Dagdag ni Zeya at napa-ismid ako bigla.
Tinanggal ko ang pot gloves na nakasuot sa kamay ko at ipinatong lang ito sa table. Ipinatong naman ni Zeya ang dalawang siko nya sa table kung saan ako gumagawa. Tinignan ko naman sya.
"So? What are you doing here?" I asked at kumuha sya ng isang piraso sa binake kong cookies. Rumehistro naman sa mukha nya ang sarap ng ginawa ko.
Akala ko ay umuwi na itong babaeng to. Well, si Sky kasi ay may Basketball practice at mamaya pa sya makakauwi. Pero itong si Zeya ay wala namang other business, I think gusto nya lang akong samahan. How sweet? Nah! It's just what friends do.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...