Chapter 31 |Cedrick's Question|

3.7K 74 4
                                    

Cedrick is looking at us very coldly. His eyes are as cold as they can be. His face doesn't have any expression at all. He's looking at me with those cold eyes and I can feel its coldness through my bone marrow.

Shit! I'm scared?!

'Yung awra nya ngayon, parang 'yung awra nya no'ng dinala nya ako sa gym! Shet! Anong gagawin ko ngayon?! Bakit sya galit?! Bakit ganito nanaman sya kagalit?! Bakit ganito sya tumingin?!!

I gulped.

Sinamaan ko bigla ng tingin si Russell pero ang loko, aba naka-ngisi lang! Halos pigil naman ang hininga ko nang makita kong naglakad si Cedrick. Parang slow motion sa paningin ko ang bawat pagtapak nya ng paa sa sahig! Sobrang itim ng awra nya ngayon at para syang leon na sasakmalin ang hayop na nasa harapan nya! Napaka-cold ng mata nya pero halata mo na ngayong galit na galit ang istura nya.

Ano bang ginawa 'ko?! Bakit ba sa'kin sya naka-tingin nang masama?!

Agad namang nag-lean forward si Russell sa'kin tapos ay narinig ko syang bumulong.

"Run" bulong ni Russell at bago pa man ako makapag react, naramdaman ko ang malakas na pwersa na humila sa kamay ko kaya ay napalayo ako bigla kay Russell. In a snap, biglang nasa likod na ako ni Cedrick tapos ay ang higpit ng hawak nya sa pala-pulsuan ko!

Aray! Ang sakit ng kapit nya!

"Leave my fiancé alone, Monasterio." Mariin at mabigat na sabi ni Cedrick na may pagbabanta. Ang hayop na Russell naman ay tumawa pa! Umakma akong sasapakin ko si Russell and I mouth at him na tumigil na. Pero ang mokong, naka-ngisi pa rin! Napakahayop din naman kasi ng Russell na'to! Pakakulit!

"Why? Are you jealous?" Malokong tanong ni Russell at napahilamos ko ang free hand ko sa mukha ko.

Talaga bang aasarin nya pa ang Impaktong 'to?! At sa lahat ng pwede nyang i-asar, iyon pa talaga?! As if namang nagseselos 'to! Eh for sure ang nasa isip nya lang ngayon ay ang babaeng nandon sa picture frame.

Hayan. Sige. Isipin mo ulit!

"Ako lang ba? Bakit parang may Lion at tiger na nag-aaway?" Rinig kong tanong bigla ng isang babaeng nasa gilid namin. May kasama iyon na dalawa pang babae at nakatingin silang tatlo sa'min.

"Teh puyat ka nanaman. Tara na." Sabi naman nung isa tapos ay hinila na nya ang dalawa nyang kasama paalis.

Bakit parang narinig ko na 'yon? Bakit parang naitanong na rin 'yon dati? At parang sa ganitong sitwasyon din?

"Hindi. Wala akong dapat ika-selos." Narinig ko naman bigla ang boses ni Impaks kaya ay sa kanya napunta ang atensyon ko. Pero nang tumingin ako sa kanya ay sakto namang naglakad na sya paalis at dahil hawak nya ang kamay ko, nahila ako sa pag-alis nya.

Naiwan don si Russell na natatawa at nakangisi pa rin. Nag-motion pa ito sa'kin na tatawagan nya nalang daw ako. Gusto ko sana syang sampalin pero dahil medyo malayo na kami, inirapan ko nalang sya.

Nagpatianod ako kay Cedrick na lakad lang nang lakad habang hawak ang kamay ko. Bigla namang pumasok sa isip ko iyong tanong kanina nung babae. Kung hindi talaga ako nagkakamali ay si Cedrick at Russell din ang nasa sitwasyon nang marinig ko ang tanong na 'yon. Lion at tiger, huh? Is it possible that they are referring to Impaks and Russell?

Between the Lion and the tiger, I'm pretty sure Impaks is the Lion. I mean, sa sobrang pagka-bossy ng Impaktong 'to, may tatalo pa ba? Like the lion, he makes himself as the king of the jungle. He's not aftaid to roar, kahit sino pa ang kaharap nya.

Si Russell naman ang Tiger. Kaya nyang mabuhay mag-isa at kaya nya ring makapag-adapt nang mabilis sa paligid nya. He attacks when it is needed and he makes himself equal againts the Lion.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon