Chapter 7 |Meet-Up|

5.5K 105 5
                                    

Chapter 7 |Meet-Up|

From: Sky ❤️

"Jen I heard from Zey. Where are you right now?"

Received: 10:33 AM

I read Sky's text message as I enter my car. Napa-buntong hininga nanaman ako. Hindi lang kasi iyan ang text nya. May anim na missed calls lang naman sya at 10 text messages. Iyong totoo, I decided I'll let go of him tapos ganito pa sya kung umasta

Charot! Anong let go-let go pa akong nalalaman? Kala mo naman akin talaga si Sky.

Napa-iling ako sa sarili ko. I started the car's engine at saka ako nag-drive papunta sa hospital. The whole ride papunta sa hospital ay vibrate nang vibrate ang cell phone ko. Si Sky kasi ay patuloy na nagte-text, at natatawa nalang talaga ako.

Ano ba? Am I very lucky because I have a best-friend like Sky? I mean, yung super concerned na tinalo pa ang tatay ko? Or malas ako kasi kaya lang naman ginagawa ito ni Sky ay dahil nga best-friend ko sya, nothing more. Nakakainis! I mean, I want to imagine na kaya nya to ginagawa ay dahil he feels something for me, like, more than a best-friend. That he doesn't support this scheme because he likes me in a romantic way, the same way I feel for him. Kasi yung mga messages nya sakin, he's discouraging me about this scheme, telling me that our parents can go through this problem nang wala itong arrange marriage. He sent a message telling me he'll do everything para makabawi kami. I mean, bakit nya ba ginagawa to? Hindi sya tanga! For all our lives, I know he already have some clues as to how I feel for him! I know that he knows! That is why sometimes, he's drawing some line! To put a limit! Tapos ngayon ganito sya?! Alam naman nyang marupok ako, konting sabi lang nya gagawin ko eh. Pero ito, my family is involve. Tinanggihan ko na 'to sa umpisa because of him, because of what I feel towards him. And now that I already made up my mind, bigla syang ganito.

Biglang nag-ring ang cell phone ko at Nakita kong tumatawag si Zeya. I pressed the answer button at bumungad saakin ang sigaw nya na syang nakapagpa-pikit sa isang mata ko.

Langya talaga to si Zeya!

"WHAT THE HELL JENNICA VENICE RHEE?!" She screamed at kung pwede lang na ipikit ko ang both eyes ko ay gagawin ko dahil sa sakit sa tenga nitong boses ni Zeya. Pero dahil nagda-drive ako ay hindi ko ginawa.

"Ano ba Zeya?! Kanina ka pa sigaw nang sigaw! Hindi pa ba napuputol yang litid mo?!" I said back. Mas Malala pa kasi naka-loud speaker ang phone ko dahil nga nagda-drive ako.

"HINDI!" She screamed again at napa-irap nalang ako "Anyway, bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ni Sky? Hindi ka rin daw nagrereply!" sabi nya and I felt something inside me na hindi ko mawari. I mean, I suddenly felt down at napa-frown ako bigla. I don't know why!

Napa-buntong nalang ako.

"I'm driving" Ang tanging nasagot ko.

"Really? But you answered mine" sabi ni Zeya at hindi ako nagsalita. Bahala sya dyan kung anong gusto nyang isipin. Then suddenly, I heard her sigh

"You know he's against this from the beginning" Sabi ni Zeya na nakakagulat, gamit ang calm voice.

"yeah" ang tanging nasagot ko

"You know he's willing to do everything to save your family because we're best-friends, right?" Sabi ni Zeya at may tumusok sa puso ko na matalim. Para akong sinaksak ng kutsilyo na diretso sa puso. Kahit na iniisip ko na 'to kanina, hearing from other people makes it worse. Mas masakit. And for some reason, bigla nalang nagtubig ang mata ko but I refrained myself...because I'm driving.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon