Chapter 6 |Meeting|
"Jen!" Malambing na tawag saakin ni daddy nang makapasok sya sa bahay.
I let go of the color pencil I'm holding and run towards my dad, currently standing on the doorway.
"Daddyyyyy!" I shrieked while running at saka ako tumalon. Sinalo naman ako ni daddy at diretso karga.
"How's your day my princess" Tanong ni daddy and I giggled
I cannot remember what happened next. Unti-unting nagfe-fade ang senaryo sa isip ko at unti-unti ring nagfe-fade ang mga naririning ko.
Until wala na akong marinig kundi ang malakas na kabog ng dib-dib ko.
"Mga bata ang papa ninyo! Inatake raw sa puso at isinugod sa ospital!"
Parang nag-echo ang boses ni mamang sa pandinig ko. Bata, papa, puso at ospital ang mga salitang nagri-ring sa tenga ko.
Halos magising ako nang makarinig ako ng tunog ng kutsara o tinidor na bumagsak sa babasaging plato. I looked at my hands at Nakita kong nanginginig ito. Nabitawan ko pala ang kutsara ko.
Vince instantly stood up.
"What?! Which hospital?!" pasigaw na tanong ni Vince.
Sinabi ni mamang ang pangalan ng hospital at dali-daling tumakbo si Vince papunta sa sala. He grabs the car keys tapos ay umakyat sya papunta sa kwarto nya.
Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko. Nananatiling nanginginig ang mga kamay ko. Nakatingin lang ako sa kanin ko na halos kulay brown dahil sa sabaw ng adobong ulam namin.
"Ate!" Halos magising nanaman ako nang marinig ko ang pasigaw na boses ni Vince. Nakita kong nakasuot na sya ng jacket na hindi pa maayos ang hood nito. Mabilis syang lumapit saakin.
"Ano pang ginagawa mo?!" Halos galit na tanong nito nang makalapit sya saakin. Napa-pikit ako nang mariin at napalunok.
Natayo naman ako bigla.
"Oo... Oo... Ano..." Sabi ko na parang nababaliw na habang nakahawak ang kanang kamay sa noo.
"Well come on!" Sabi ni Vince tapos ay tumalikod sya at umupo. Maguguluhan na sana ako pero agad syang nagsalita "ipapasan na kita" Sabi ng kapatid ko.
Gusto kong umangal. Sasabihin ko sana na kaya ko namang maglakad pero nararamdaman ko rin sa sarili ko na lutang ako kaya naman kahit umaangal ang kabilang isip ko ay pumasan nalang ako kay Vince. He can carry me anyway.
Agad syang tumakbo palabas ng bahay at papunta sa garahe. He unlocked his car na naka-stuck lang sa garahe. He opened the door of the passenger's seat tapos ay maingat akong pinaupo rito. He jogs around towards the driver's seat habang ako naman ay bina-buckle ang seatbelt ko. Mabilis syang nagmaniobra at nang makalabas na kami ng gate ay bumusina nalang sya kay mamang.
We arrived at the hospital in less than 25 minutes. Naunang bumaba si Vince at tumakbo papasok ng ER. I turned off the car and removed the key from the ignition. Tapos ay saka ako bumaba. Nang papasok na rin ako sa ER ay Nakita kong tumatakbo papalapit saakin si Vince.
"Dad is in the operating room" Sabi nya lang at inalalayan na nya akong maglakad.
Napapalunok nalang ako habang naglalakad. I can feel Vince's tense right now and I swear hindi ito nakakatulong. Mas lalo lang din kasi akong natataranta. I know! I know! Nakakataranta nga naman ang sitwasyon namin ngayon pero kailangan kong kumalma! Kung ano-ano nang mga bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Halos hindi ko na ma-contain ang sanity ko!
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...