Epilogue:
Gaano ba kagaling ang memorya ng tao? Gaano ba kabilis magkabisa ang utak ng tao? Sa araw-araw na pag-alis mo ng bahay mo papunta sa eskwela, trabaho o kung saan man, naaalala mo ba ang mga taong nakakasalamuha mo? Ang mga taong nakakasabay mo sa jeep? Sa bus? Pati narin ang mga nakakasama mo sa pag-tawid.
Sabi nga, your half might be the one beside you
Sa mga katagang ito nagsimula ang istoryang ito.
It was winter on South Korea when a girl named Jennica Venice Rhee decided to eat some street food. Alam naman nyang bawal silang kumain ng mga street food dahil ayon sa mama nya ay nakaka-cancer ang mga ito. Pero, nang mga panahong iyon, hindi nya alam kung bakit matindi ang pagka-gusto nyang kumain ng street food. So, tumakas sya sa bahay nila at tumakbo papunta sa pinaka-malapit na park kung saan marami ang mga street vendor.
On the other hand, mainit naman ang ulo ng isang lalaking nagngangalang John Cedrick Song sa kadahilanang nag-away nanaman sila ng papa nya. Wala namang bago roon. Simula nang mamatay kasi ang kanyang ina ay hindi na sila kailanman nagkasundo ng ama. At para palamigin ang kanyang ulo, napagdesisyonan nyang mag-dinner nalang mag-isa sa isa sa mga restaurant sa paligid ng bahay nila.
Ngunit, may kung ano sa kanya na nagdala sa isang food stall lang sa isang park malayo sa bahay nila.
"seriously?! After a long fight, this is what I get?!" tanong ni Cedrick sa kanyang sarili habang nakatingin sa isang stick na may nakatusok na pagkain na hawak nya.
"waaaa! Abashta! (delicious)" Napalingon si Cedrick sa gilid nya nang marinig nya ang isang babae. Nakita naman nya itong ngumunguya habang pinapaypayan ang kanyang bibig kada Segundo.
Maputi, payat, medyo maliit, mahaba at itim ang buhok na hanggang bewang ang haba at higit sa lahat, maganda.
Sunod na napa-tingin naman sya ay sa kinakain ng babae. Nakita naman nyang enjoy na enjoy ang babae sap ag-nguya kaya napa-kunot ang noo nya.
"masarap ba 'to?" Napa-bulalas ni Cedrick at napa-lingon sa kanya ang babae
"oo, masarap yan!" at halos mapatalon naman sa gulat si Cedrick nang marinig nyang magsalita ang babae sa gilid.
Napa-tingin sya rito at halos matulala sya nang Makita na nya ang kabuuan ng mukha nito.
She's more than beautiful
"a-ah..h-ha?" nakaka-tangang tanong ng lalaki sa babae
"sabi ko masarap yan" sabi muli ng babae at ngumiti ng pagka-tamis tamis. Napatulala saglit si Cedrick sa labi nito bago sya mapa-ngiti.
"pag ito hindi masarap, ililibre mo ako sa iba" sabi ng lalaki at napa-tawa ang babae. Parang nahawa naman si Cedrick sa tawa ng babae dahil napa-tawa narin sya
"osige ba. Challenge accepted" sabi ng babae at ngumisi ito.
Cedrick took a one big bite at napa-tigil sya nang makagat nya ito. Naghihintay naman ang babae sa sunod na gagawin nya pero naka-ganon lang sya. Naka-stay lang ang pagkain sa kanyang bibig.
"huy!" sabi ng babae at nagulat sya ng bumagsak nalang ang pagkain sa lupa habang naka-nganga parin ang lalaki.
"shit" mura ng lalaki at dahan-dahan nyang itinikom ang bibig nya
"oh, anong nangyari sayo?" tanong ng babae at napalayo sya bigla nang apuridong pinaypayan ng lalaki ang kanyang bibig.
"shit! Shit!" sabi muli ng lalaki at naguguluhan nang tumingin sa kanya ang babae
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...