Chapter 14 |Glowing Eyes|
|Jennica's POV|
Tumitig ako sa board at tinignan ko ang mga salitang nakasulat dito.
Write a persuasive essay. Create your own Title.
Ito ang nakasulat sa board. Wala ngayon ang English teacher namin dahil mayroon daw silang emergency meeting. Kaya naman ayan, nag-iwan nalang sya ng gagawin namin. Napatingin din naman ako sa papel kong pangalan, section, at date lang ang tanging naka-sulat. Hindi ko na alam kung anong isusulat ko rito. Ni hindi ko alam kung ano ba ang bagay na ipe-persuade ko sa tao.
"Stay away from him"
Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang boses ni Impaks sa isip ko. Simula kaninang umaga hanggang ngayon ay kala mo, nasa ibang dimension ang impaktong ito.
"Stay away from him"
Napasapo na ako sa noo ko nang marinig ko nanaman ang boses nya sa utak ko.
Kaninang recess time, nagulat nalang ako nang hilahin nya ako mula kay Zeya tapos ay bumulong sa akin ng mga katagang iyan. Stay away from him. At ang tinutukoy nya rito ay si Russell, ang bago naming classmate. Hindi ko alam ang dahilan nya kung bakit nya sinabi 'yon sa akin. Ang sabi nya lang ay sumunod nalang daw ako sa kanya. Like hell I would! Ni hindi nga nya ako mabigyan ng magandang rason sa gusto nyang mangyari! At sino ba sya para mag-utos sa akin? Sino rin ba sya para sundin ko?! Pati ang labo nyang kausap. Kakikilala palang namin sa tao, hinuhusgahan na nya agad! Like, literal na kakakilala palang namin! Hindi ko alam kung anong nakain neto at umaariba nanaman ang pagka-impakto nya.
Napatingin ako kay Zeya at halos mamilog ang mata ko nang makita kong naka-kalahati na sya ng papel! Hoy! Ang bilis naman ng babaeng 'to?! Sinilip ko ang papel nya at napakunot ang noo ko sa Title nya
Love is not blind. Ang title ng essay ni Zeya kaya nagsalubong ang kilay ko. Tumingin ako sa kanya at seryoso pa rin syang nagsusulat. Napatingin akong muli sa papel nya tapos ay sa kanya ulit.
"Bawal mangopya hoy" sabi nya na naka-tingin sa akin habang naka-poker face. Umirap naman ako sa kanya
"Hindi ako nangongopya. Tinitignan ko lang 'yang sinusulat mo" sabi ko at bigla syang natawa sa sinabi ko kaya naman nagsalubong nanaman ang kilay ko. Hindi naman na nya ako pinansin at bumalik na muli sa pagsusulat.
Tumingin akong muli sa papel ko. Ano bang isusulat ko? Ni topic ay wala akong maisip! Ayaw gumana ng utak ko ngayon! Bakit ba?! Ako nalang yata kamo ang wala pang naisusulat na maganda sa papel ko! Maski si Sky at Alexa na laging nagbabangayan ay parehong nagsusulat ngayon! Maski ang mga loko-loko kong mga kaklase na walang ibang ginawa kundi ang maglaro't magharutan sa klase ay mga naka-tungo ngayon at busy magsulat! Ultimo itong impakto sa gilid ko ay may naisusulat! Grrr! Ano ba Brain?! Kaya ba today?!
Suddenly, while I am in the middle of extracting my brains out...Or extracting whatever I could from my brain, I felt a light tap on my shoulder kaya naman ay napalingon ako sa likuran ko. And there goes our new classmate, Russell, leaning forward. Katabi nya si Black sa pinaka-dulong row. Dalawa lang sila.
"Excuse me" mahinang sabi nya at napataas ko ang dalawang kilay ko para itanong kung ano 'yon? "I'm sorry but do you have correction tape? May I borrow?" Pagpatuloy nya pa rin gamit ang mahinang boses. Nang sabihin nya naman ito ay kahit mahina ang boses nya, rinig na rinig mo ang kalaliman ng boses nya, pero ramdam mo naman na nahihiya sya.
Tumango naman ako sa kanya at kinuha ang correction tape ko mula sa pencil case at saka ito binigay sa kanya. Ngumiti naman sya and I blinked twice dahil ang ganda ng ngiti nya. I swear, napogi-an ako agad sa kanya nang ngumiti sya. Ginamit nya naman na ang correction tape ko nang sandali tapos ay inabot na nya itong muli sa'kin.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...