Halos buong araw akong lutang. Hindi maalis sa isip ko iyong text message na nakuha ko kaninang umaga. Sinubukan kong tawagan iyong number kanina pagkabasa ko pero subscriber cannot be reached. Dalawang beses kong ginawa 'yon pero cannot be reached pa rin. Sinubukan ko ulit itong tawagan kaninang vacant time pero cannot be reached talaga. Siguro ay pagka-send na pagkasend ng text message na 'yon ay pinatay na agad ang phone.
Hindi ko alam kung kanino galing 'yon. I'm pretty sure that's a threat. Hindi ko alam kung na-wrong send lang ba ang nagsend non. Tinext ko kasi ito nang hindi ko ma-contact pero wala namang reply. Ang sabi ko sa message ko ay baka na-wrong sent kung sino man iyong sender. Pero ayon, wala ngang reply.
Kahit na iniisip kong wrong sent 'yon, hindi pa rin 'yon maalis sa isip ko. Literal na buong araw lang iyon na paikot-ikot sa isip ko.
See you in hell soon.
Ano ang ibig sabihin ng message na 'yon? Isa pa, wala naman akong kaaway. Bakit naman ako makakatanggap ng threat? Alam kong may pagka-bitchesa ako pero wala naman akong inaaway. Mabait na bata naman ako rito sa school. Wala rin naman akong matandaan na sinimangutan ko.
Halos mabaliw na naman ako kaiisip! Akala ko pa naman ay tapos na kahapon itong mga kabaliwan sa buhay ko, pero parang mas lumala pa!
Hindi ko magawang i-share 'to maski kay Zeya. Ayaw ko kasi syang guluhin. Halos buong araw kasi ang training nila ngayon dahil nga sa Monday na ang first game nila. Hindi ko naman alam kung bakit hindi ko rin ito masabi kay Sky. Parang hindi ko lang feel sabihin. Mas lalo naman kay Impaks.
Buong araw rin akong praning. Pakiramdam ko ay may nakamasid na naman sa'kin kahit wala naman. Sa totoo lang napansin 'to ni Russell kanina at tinanong nya ako kung may problema raw ba ako. Hindi ko rin namang magawang sabihin sa kanya ang tungkol do'n.
Sa totoo lang ay natatakot ako ngayon. Malakas kasi talaga ang kutob ko na para sa'kin iyon. Ang tanging nagpapakalma lang sa'kin ngayon ay una, nasa loob ako ng school. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa'kin, 'diba? Pangalawa, halos buong araw kong kasama si Sky at Russell. Absent kasi si Alexa dahil may lagnat pa yata ito. Si Impaks, ayon, as always, nasa room at natutulog. Inisip ko nalang na dahil may kasama ako ay wala naman sigurong mangyayari sa'kin. At pangatlo, may pepper spray ako na binigay ni Zeya. Isinabit ko ito sa I.D ko para madali kong makukuha.
Siguro nga ay praning na ako. Naisip ko rin kasi na baka may kinalaman iyong gang na tinutukoy ni Sky. Pero harmless naman iyong gang na 'yon. Nasaksihan ko 'yon kahapon. Now there's only one question circling in my head.
Nagsisinungaling ba si Sky tungkol kahapon?
Baka lang kasi hindi totoo iyong mga pinakita nya sa'kin kahapon. Pero imposible naman 'yon 'diba? May tiwala ako kay Sky. Hindi nya naman ako kayang lokohin nang ganon. We're still best-friends after all.
Para akong napabalik sa ulirat nang makita ko ang daliri ni Lanie na nag-snap sa harap ko. Agad akong napatingin sa kanya.
"Hello! Earth to Jen!" Sabi ni Lanie at nahihiya ako biglang tumingin sa kanya.
"Sorry. Ano nga ulit 'yon?" nahihiyang tanong ko kay Lanie tapos ay nakita ko syang bumuntong-hininga.
"Okay ka lang ba Jen? Parang buong araw kang wala sa wisyo." Sabi nito tapos ay bahagyang isinara ang laptop nya para matignan ako nang buo. Nahihiya naman akong napa-iwas ng tingin.
Nandito kami ngayon ni Lanie sa room kasama ang iba naming classmates. Pinag-uusapan namin ang group project namin sa AP at wala manlang akong ambag sa kanya ngayon. Si Zeya kasi ay nasa training pa rin.
"Pasensya na. May iniisip lang ako." Sabi ko tapos ay napahinga na naman sya. Tumingin sya sa relo nyang nasa pala-pulsuan nya tapos ay tuluyan na nyang isinara ang laptop nya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...