Chapter 40 |Red|

2.4K 57 0
                                    

"Hoy babae!" Rinig kong biglang tawag ni Zeya kaya naman ay napalingon ako sa kanya. Pag lingon ko naman ay saktong nakita kong may hinagis sya kaya mabuti na lang ay nasalo ko agad!

Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ibinato nya sa'kin.

What the?!

"Lagi mo nang ipulupot 'yan sa hita mo." Sabi ni Zeya sa'kin nang tignan ko syang hindi makapaniwala.

She just tossed me a gun! A small gun! A Ruger LC9s 9mm hand gun and she just tossed it! Na para bang hindi baril ang ibinato nya, na para bang isang candy lang ang ibinato nya sa'kin!

"Why?" Ang tanging lumabas sa bibig ko and she gave me a deadpan look.

"Better safe than sorry, bespren." Sabad naman ni Sky na ngayon ay nagpupunas ng pawis. Napa-iling na lang ako at inilapag ang baril sa upuan, katabi ng bag ko.

"Lagi ko naman kayong kasama. Kung hindi kayo, si Impaks. Pati andyan naman lagi si Flavior. Aanhin ko 'yan?" Sabi ko habang nagpupunas din ng pawis. Narinig ko namang bumuntong-hininga si Zeya.

"Tulad nga ng sinabi ni Langit, better safe than sorry." Sabi ni Zeya as she remove her polo pero bago nya pa man matanggal nang tuluyan ang polo nya ay ipinulupot na agad ni Sky ang malaking tuwalya sa katawan nya, na syang ikinatawa nya naman. Umirap lang naman sa ere si Sky.

"Zeyanna alam mong hindi babae ang tingin ko sa'yo pero kailangan mo na talagang baguhin ang ugali mong 'yan." Sabi ni Sky sa kanya sa mababang tono habang naka-ngisi lang si Zeya.

"Sumbong kita sa jowa mo, makita mo." Pang-aasar naman na sabi rin ni Zeya at nagsalubong lang ang kilay ni Sky.

"Ikaw ang isusumbong ko sa jowa mo. Naghuhubad ka sa harap ng ibang lalaki." Sabi naman ni Sky at umirap lang si Zeya.

Nandito kaming tatlo ngayon sa Gym. Katatapos lang naming mag-warm up--kung warm-up bang matatawag iyong paghahabulan lang namin dito. Dapat ay kanina pa kami nakapagbihis pero itong dalawang kasama ko ay hindi ko maintindihan kung bakit napaka-isip bata at naisipang maglaro ng habulan. Hindi ko rin alam bakit pumayag ako. Minsan din talaga hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kaya heto kami, naka-uniform pa at pawis na pawis na, na akala mo ay nakapag-sparring na.

Kaming tatlo lang ang nandito dahil may inaasikaso pa rin si Impaks, at kung ano man iyon, nakakainis na kasama nya si Devie ron. Si Alexa naman ay may kailangan ding gawin mag-isa.

"Speaking," sabi ko kaya ay napatingin silang pareho sa'kin. "Alam ba ni Jack ang tungkol sa Organization?" Tanong ko sa kanilang dalawa at agad na napatingin si Sky kay Zeya. Now the two of us is looking at Zeya.

"No." Agad na sagot ni Zeya. "Well, not yet." Habol naman nito at ibinigay ang tuwalya kay Sky.

"Tumalikod ka, magbibihis ako." Agad na sabi nito kay Sky kaya naman ay agad na lang tumalikod si Sky sa kanya.

"So, kailan mo sasabihin?" Tanong naman ni Sky habang nakatalikod sya kay Zeya at nagbibihis na rin. Dahil nakatalikod na si Sky, ginamit ko na ring opurtunidad iyon para makapagbihis na rin.

"Pag handa na sya." Tipid lang na sagot ni Zeya habang nagsusuot sya ng trackpants at ganon din naman ako.

"At kailan naman 'yun?" I asked and Zeya shrugged.

"Ewan ko. Hindi ko pa rin alam eh. Sa ngayon pinag-iisipan ko pa talaga kung paano ko sasabihin, or kung sasabihin ko pa ba." Sabi nito at humarap na sa amin si Sky dahil tinapik ko na sya, senyales na tapos na kaming magbihis. Nagkatinginan pa kami ni Sky saglit dahil sa huling sinabi ni Zeya. Alam ko, pareho kaming hindi sang-ayon don.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon