Chapter 5 |Heart Attack|

5.9K 98 5
                                    

Chapter 5 |Heart Attack|

Unti-unting namulat ang mata ko matapos kong marinig ang pagsara ng pinto. Naramdaman kong medyo mabigat ang mata ko at medyo mahapdi pa ito. Wala akong ganang tumayo. Ayaw kong bumangon kaya naman pinikit kong muli ang mata ko para ipagpatuloy ang tulog ko.

Pero alam nyo yung gising na 'yung diwa mo? Yung kahit anong gusto at pilit mong matulog ulit ay wala na, hindi ka na makatulog dahil gising ka na. Hayy. Kinapa ko nalang kung nasaan ang cell phone ko. Nang mahanap ko na ito ay tinignan ko ang oras.

It's already 9 in the morning. Mabuti nalang at sabado ngayon, wala kaming pasok. Well, kaya siguro ay hindi na rin ako ginising.

Ibinalik ko sa bedside table ko ang phone ko at saka tumitig lang sa kisame.

Ano bang gagawin ko ngayong araw? Panigurado ay namumugto ang mata ko. Sa hapdi palang nito ay pakiramdam ko, isang linggo akong umiyak. Napahinga nalang ako nang malalim at parang nasasapiang tumayo sa kama ko. Dumeretso ako sa banyo para maghilamos pero halos matakot ako sa itsura ko.

Ang pangit ko.

Literal.

Ang pangit-pangit ko.

Hindi na ako mukhang tao.

Naghilamos nalang ako ng maligamgam na tubig. Sobrang calming naman ang epekto ng tubig sa mukha at mata ko. Pakiramdam ko ay bawat dampi ng maligamgam na tubig sa mukha ko ay kinukuha nito ang bigat ng pakiramdam ko.

After my morning rituals ay lumabas na ako ng kwarto ko. Wala akong naabutang tao sa sala kaya naman dumeretso ako sa dining area. Nakita ko naman doon si mamang na tinatakpan ang mga pagkain na sa tingin ko ay natira mula sa kinain nilang breakfast.

"Good morning mamang" sabi ko at bahagya pa yatang nagulat si mamang sa pagsasalita ko. Ngumiti naman saakin si mamang.

"Magandang umaga rin anak. Kumain ka na ng agahan" sabi ni mamang at muling tinanggal ang mga nakatakip sa pagkain.

Umupo na ako sa usual spot ko habang kumuha si mamang ng plato, kutsara't tinidor.

"Kumain na ba kayo mamang? Si Vince po nasaan?" Tanong ko naman habang naglalakad na si mamang palapit saakin.

Inilapag muna ni mamang ang plato, kusara't tinidor sa mesa at sa harap ko bago ako sinagot nang may kunot pa sa noo.

"Halos kaaalis lang ng kapatid mo. May kailangan lang daw silang gawin ng batang Cornelle" sabi ni mamang kaya naman napakibit balikat nalang ako.

Kumain nalang ako nang matiwasay. Wala naman akong dapat gawin ngayon. Walang assignments na dapat alalahanin since may policy ang PDA na bawal magpa-assignment every friday and that policy is the main reason why TGIF or thanks God it's Friday.

Matapos kong kumain ay pumunta ako sa sala para manood nalang ng T.V pero dahil nga sabado ay walang magandang mapanood. Kinuha ko ang phone ko at nag-open nalang ng facebook para magpalipas oras. Meron naman akong notification sa friend request. I opened it and a guy named as Jack Hush sent a friend request.

Oh! So this is Black.

I immediately confirmed his request. I decided na iistalk nang kaunti ang facebook nya. Pero, parang hindi mahilig mag-facebook itong taong ito. Walang masyadong status and whatsoever. Kakaunti lang din ang pictures nya, mostly ay naka-tag lang sya. Well, he is a guy after all. Hindi ko nga mahanap ang babaeng tinutukoy nya. Nagkibit balikat nalang ako at hindi na sya inistalk dahil wala ngang makikita sa facebook nya.

Napa-inat ako. Tumayo nalang ako mula sa sofa at dumeretso sa kusina. Lumabas si mamang dahil mamamalengke raw sya. So, basically, mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. Okay lang din naman. Parang feel ko rin mapag isa.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon