Chapter 18 |Heartbeat|
"Nandito sa hospital si Vince ate Jen. I'm so sorry"
Parang biglang nag-iba ang ikot ng mundo ko matapos kong marinig ang sinabi ni Air. Para akong nabingi at naramdaman kong namanhid ang buong katawan ko. Napabitiw ako agad sa kamay nya at napakapit sa pader bigla para makakuha ng suporta at manatiling nakatayo. Napalagay ko naman ang isang kamay ko sa noo ko dahil para na akong hihimatayin ngayon.
"Ano?" Tanong kong muli kay Air na nakatayo lang sa harap ko at nakatungo. I saw her pursed her lips
"I-I don't know what exactly happened ate Jen. Trust me. He just called me in the middle of the night and told me he's here. That's why I'm here" sabi nya at napapikit nalang ako nang mariin
What the fvck is with men calling women in the middle of night, in the middle of their sleep and breaking a news to them like these?! Kung hindi sila ang papatay sa'kin ay ako ang papatay sa kanilang dalawa!
"Then where is he?" Tanong ko sa kanya saka lang sya nag-angat ng tingin
"Nasa ER po" parang batang pinapagalitan na sabi ni Air at agad akong naglakad papunta sa E.R. Sumunod lang naman si Air
Kung ano-ano nang tumatakbo sa isip ko ngayon. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil siguro sa suot ko pero wala akong paki. Nararamdaman kong kumukulo ang dugo ko dahil naiinis ako kay Vince! Nagsinungaling sya sa'kin at dinamay nya pa si Air! At bakit si Air pa ang tinawagan nyang magpunta sa kanya at hindi ako?! Dahil alam nyang magagalit ako, 'yun ba?! Well I have all the rights to be angry! Sinong matinong tao ang magsisinungaling at gagamit pa ng ibang tao, tapos malalaman mo nalang ay nasa hospital na sya?! at hindi ko sya napansin kanina! Kailan pa sya nakarating dito?!
Air lead the way at pagpasok namin sa E.R ay tinuro nya ang isang cubicle na sarado ang kurtina. I marched my way there at agad ko itong binuksan. Tumambad naman ang gulat na tingin ni Vince sa'kin. I saw him sitting on his bed, he has bandages on his face and arm and just like Cedrick, he has a cast on his hand that runs up to his elbow.
"A-ate" gulat na sabi nito habang nanlalaki pa rin ang mga mata. Napatingin naman sya sa itsura ko at agad syang napahawak sa braso ko para tignan ang katawan ko. Gulat pa rin syang tumingin sa'kin
"A-ate anong nangyari sa'yo?!" Parang hindi makapaniwalang sabi nya. Tinanggal ko naman ang pagkakahawak nya sa braso ko and I stared at him coldly
"Wae iriniya? (Why are you here?)" I asked my brother coldly at nakita ko syang napalunok tapos ay umiwas ng tingin
"Ang sabi mo sa'kin kagabi, mago-overnight ka kila Air. Ang sabi mo sa'kin kagabi, may importante kayong gagawin. Ang paalam mo sa'kin kagabi ay uuwi ka rin nang maaga para maligo at mag-ayos sa bahay" panimula ko kay Vince
"Tapos ngayon mababalitaan ko na nandito ka sa hospital! Na walang kaalam-alam si Air sa nangyari sa'yo! Balak mo ba akong patayin, ha Vince?!" Singhal ko sa kapatid ko at tinignan nya ako na parang nasasaktan sya para sa'kin
"I'm sorry" mahinang sabi nya at napalagay ko ang kamay ko sa mukha ko nang magsimula nanaman akong umiyak.
Bwisit na mga luha naman 'to!
"Ate please don't cry" sabi ni Vince at hinawakan ang siko ko "I'm sorry. I'm really really sorry" sabi nyang muli at saka ko pinunasan ang mukha ko at hinarap sya
"If you're sorry then explain. Anong nangyari sa inyo ni Cedrick?" Matalim na tanong ko sa kanya. Napayuko naman bigla ang kapatid ko
Naramdaman ko naman ang hawak ni Air sa balikat ko
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...