Chapter 15 |Pusa|
I can see a pair of glowing eyes floating in mid air. Sobrang dilim dito sa paligid at ang tanging nakikita ko lang ay ang lumulutang na mata.
"Venice!"
Suddenly. I heard Impak's voice at napa-isip naman ako. Did I die? Nasa impyerno ba ako at naririnig ko ang boses ni Impaks?
"Venice! The fvck wake up!" I heard Impak's voice again at naramdaman kong umaalog ang katawan ko.
I squint my eyes at unti-unti ko itong binuksan. At first, my vision is blurry pero unti-unti rin naman itong nag-adjust and the first thing I saw is Impak's face. His face is very close and he seems in distress. Hindi ko ma-explain nang maayos ang facial expresion nya. Para syang naiiyak na nag-aalala. Suddenly, biglang dumating si Vince na halos katulad ng kay Impaks ang itsura.
I looked around at nakita kong naka-upo ako sa sahig at nakasandal sa pinto. What the hell happened?
"H-hoy? W-what happened" nag-aalala pa ring tanong ni Impaks. Lumapit naman si Vince
"Ate?! Anong nangyari?" Tanong agad ni Vince nang makalapit sya sa'kin at umupo. Naramdaman ko namang pinisil-pisil ni Impaks ang braso ko
"Nasaktan ka ba? Ano bang nangyari?" Impaks asked again, still worried. Tinanggal ko naman ang pagka-kapit nya sa braso ko.
Napahawak ako sa noo ko.
Suddenly, napatingin ako sa labas ng bahay at nakita ko ang sandok namin na nasa lapag. Sa tabi nito ay isang kulay itim na pusa na naka-higa. Bigla namang nag-flash sa isip ko ang picture ng lumulutang na pares na mata
"Pusa" I said as I stared at the cat, and in almost a whisper. Napatingin din naman agad si Impaks at Vince sa pusa...well, kuting to be exact.
"Huh?" I heard Vince.
Napahugot ako biglang ng hininga at napahawak nalang ako sa dibdib ko.
Shit. So it was a cat. Shit talaga. Akala ko kung ano. It was probably a running cat at dahil nga kulay itim ang pusa at madilim dito ay hindi ko ito agad napansin. I was so scared! Natakot ako sa mata nya dahil nakita ko itong papalapit sa akin! Pero bakit nando'n ang sandok? Naihagis ko ba 'yon?
"Venice" pagtawag nanaman sa akin ni Impaks at napatingin ako sa kanya na hindi ko mawari kung bakit ako naiiyak. Shet. Sobrang natakot lang talaga ako. At siguro, dahil na rin sa pagod
"It was a cat" parang batang sabi ko at nakita kong kumunot ang noo nya. Humugot nanaman ako ng hininga
"Mukha bang aso 'yan? Malamang pusa 'yan" sabi bigla ni Impaks and just when I am about to hug him dahil kailangan ko ng emotional support ngayon, parang gusto ko nalang syang suntukin!
Tama bang magpaka-sarkastiko ngayon?! Sa mga oras na ito ha?! Dapat bang paganahin ang pagiging impakto ha?!
Wala na talagang pag-asa ang Impaktong 'to! Myghad!
I scoffed. Inirapan ko sya at saka tumayo. Tumambad naman ang mukha ni Vince na hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin. Pinagpagan ko ang katawan ko, tumayo na rin naman si Impaks.
"Ano bang nangyari ate?" Tanong ni Vince at lumapit sakin saka ako hinawakan sa siko tapos ay tinignan ang katawan ko "may masakit ba sa'yo? Bakit ka sumigaw?" Tanong nanaman nya at halatang-halata mo ang concern sa mukha ng kapatid ko
"Nagulat lang ako sa pusa" sabi ko at saka bumitaw sa kapit nya.
"Pusa lang, nagulat ka pa?" Hindi makapaniwalang tanong ni Impaks sa'kin at tinignan ko sya, napapagod na
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...