Chapter 20 |Lingering Question|
|Jennica's POV|
"Impaks ano ba?! Umayos ka nga!" Singhal ko kay Impaks habang inaalalayan ko syang umakyat ng hagdan.
Kaka-discharge nya lang ngayon sa hospital at ngayon ay sabado. Tatlong araw rin syang hindi nakapasok kaya naman ay todo kinig ako sa mga lesson noong thursday at friday, at todo kopya rin ako para may notes itong si Impaks. Mabuti na nga lang at nandito si papa dahil sya ang nagbantay kay Impaks sa mga panahong naka-confine sya. tuwing gabi naman ay ako ang nagbabantay sa kanya sa hospital.
Heto kami ngayon at inaalalayan ko syang umakyat ng hagdan. Hindi ko alam kung anong drama ng impaktong 'to dahil gusto pang magpa-alalay! FYI maayos ang dalawang paa nya at mukhang hindi naman na sumasakit ang balakang nya! Ang tanging dahilan nya sa'kin ay masakit pa rin daw ang ribs nya. Napaka-arte!
Sinamaan ko sya ng tingin nang magpabigat sya bigla
"Ihuhulog kita, 'tamo" pagbabanta ko sa kanya at ang loko, ngumisi lang sa'kin pero kalaunan ay umayos na rin ng tayo. Nakasukbit pa rin naman sa'kin ang braso nya dahil sabi nga nya, hindi nya pa kayang maglakad on his own. gusto ko na talagang umirap sa Impaktong 'to dahil baka mamaya, nagkukunwari lang sya.
Hindi ko alam kung gaano katagal kaming umakyat sa hagdan. Basta ang alam ko ay tagaktak na ang pawis ko sa buong mukha ko nang marating namin ang harap ng pintuan ng kwarto nya. I opened the door of his room at bumungad sa'min ang lamig ng hangin mula sa aircon niyang bukas. Pinahanda ko na kasi kanina pa itong kwarto nya kay mamang para okay na ang pagpapahinga nya. Inihiga ko sya nang dahan-dahan sa kama nya at nang makahiga na sya nang tuluyan ay sya namang dating ni papa para ilagay rito sa kwarto nya ang mga gamit nya mula sa hospital. Lumapit naman si papa sa'ming dalawa tapos ay tinignan kami habang naka-ngiti
"Oh paano? I need to go. I have a lunch meeting with the Alpha Company. Babalik nalang ako mamaya" Paalam ni papa sa'min at pareho lang kaming tumango ni Impaks
"Sure pa. Ingat po kayo" Sabi ko naman at binigyan ako ng isang napakatamis na ngiti ni papa. Iyong tipo ng ngiti sa sobrang sayang-saya syang makita ako. Hinawakan naman nya ako sa balikat
"Maraming salamat Jen. Pagpasensyahan mo na ang katigasan ng ulo na 'yan ni Cedrick. Ampon kasi 'yan kaya hindi nya namana ang kabaitan ko" Pagbibiro naman ni papa kaya ay natawa ako rito. Suminghal naman ang Impakto at tinangka pang hampasin ng unan ang ama. Hindi nya lang ito maihagis dahil sumakit nanaman ata ang abdomen nya kaya naman napahalakhak itong si papa.
"Alis na nga pa!" Singhal nalang ng Impakto na mas lalo pang ikinatawa ni papa. Napa-iling nalang ako. Kahit kailan talaga, itong impaktong 'to, napaka!
"Osya paano, aalis na ako" sabi ni papa tapos ay tinapik nya lang ang paa ni Cedrick tapos ay tumango lang sya sa'kin at saka na lumabas ng kwarto ni Impaks.
I then heard Impaks clucked his tongue tapos ay pinilit nyang umupo mula sa pagkakahiga. Agad naman akong lumapit sa kanya para tulungan sya kahit na hindi ko alam bakit uupo ito.
"You know, you should express your love to your father more" Sabi ko sa kanya nang maka-upo na sya nang maayos. Kinunotan naman nya ako ng noo at parang nandidiri syang tumingin sa'kin.
"Iisipin ko palang na lalambigin ko ang tatay ko ay nasusuka na ako" Sabi nya sa'kin habang hinahawakan nya ang braso nyang may benda pa rin hanggang ngayon. naghilom naman na ang sugat nya rito. May benda lang para raw maiwasang maimpeksyon.
Napahinga naman ako nang malalim dahil sa sinabi nya
"Baka pagsisihan mo 'yan soon. Bahala ka. Ikaw rin" Sabi ko tapos ay tinanggal ko ang naka-pulupot na kumot sa isang paa nya dahil oarang sinusubukan nyang bumaba
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...