Chapter 37 |The Talk|

2.3K 51 2
                                    

|Zeyanna's P.O.V|

Pag natalo kami, sasabihin ko kay Jack na titigilan na namin ang set-up naming dalawa. No more boyfriend-girlfriend relationship. Pero pag nanalo kami, I will confess.

Desidido ako rito sa sinabi kong 'to sa sarili ko kanina before the game. Bago kami maglaro, sinabi ko na sarili ko na kung ano man ang maging resulta ng game, gagawin ko.

Whatever happens, it is the will of the universe.

I heard my own heartbeat together with the sound of the whistle, along with the dribbling sound of the ball. I stared at the ball that's now rolling on the court's floor.

We lost.

We lost againts the Montemegry University. Alam ko naman na expected na ito. 'Diba nga, sabi ko nga, higit pa sa 100% ang chance na matatalo nila kami. Pero for a moment... I thought we'll win. I thought...I just thought—we'll win.

Siguro totoo nga 'yung pag undecided ka tapos humingi ka ng sign, bago mo pa man makita o mahanap 'yung sign, alam mo na sa loob mo kung anong gusto mong gawin. And this thing is true for me right now.

I know...I know I don't want to end whatever relationship I have with Jack. I know...I know deep down, I want to continue this. Kahit pa ang label namin ay kunwari. Kahit hindi kami official. I know...I know that I want this.

Pero baka nga hindi na ito ang gusto ng universe kaya naman kailangan nang matigil.

I felt a tap on my shoulder and I saw Rizza smiling at me.

"Yo! MVP!" Bati nito habang naka-ngiti nang malapad. Tumawa nalang ako sa kanya at umiling.

All of us went to our line at saka na kami naglakad para kamayan ang mga players ng M.U. Hindi ko nanaman alam kung ilang beses ko bang naulit ang salitang good game at thank you. Matapos nito ay nagbigay galang kami sa coach ng M.U at kasabay na nito ang pagbigay nila sa'min ng juice. Dahil alam naman namin 'to, may ipinrepare din kaming juice para sa kanila. Kaya naman as they give respect to our coach ay saka na rin sila binigyan ni coach ng Juice.

Lumapit naman sa'kin si Nicole at tinapik nang malakas ang braso ko kaya medyo napasigaw pa ako!

Walang-hiyang babae nanaman 'to!

"Hoy! Kelan ka pa natutong tumalon nang ganon kataas?! Dang girl! Kala ko lumipad ka na kanina!" Sabi nito sa'kin habang hinihinas ko ang braso kong pinalo nya!

Damn! Spiker 'tong bruhang 'to! Ang sakit!

"Ang OA mo teh! Mataas nga ang talon ko pero pangit pa rin mga palo ko! Nakakainis pa rin!" Sabi ko sa kanya at tumawa sya. Magsasalita pa naman na sana sya nang pareho kaming mapatigil dahil lumapit sa'min ang coach nila kaya agad akong napa-bow muli.

"Ms. Voler! Congratulations! Pupusta ako na ikaw ang magiging MVP this year." Sabi nito gamit ang mababang boses. Lalaki kasi ang coach ng M.U.

Pakiramdam ko naman ay namula ako sa sinabi nya! Hala ano ba?! To hear a compliment like that from a coach ay so damn super nakakakilig!

"Hala coach! Hindi po! Kulang pa po ako sa training." Sabi ko at hindi ko alam kung bakit napatawa sya pero tumango-tango naman.

"You Doves are indeed humble people! Sana ganyan ang naririnig ko sa team ko hindi puro yabang. Hay nako. Ang sarap nilang talian ng buhok lahat." Sabi ng coach nila na tatawa-tawa at ito namang si Nicole sa gilid ay nag-pout. Tumawa nalang ako nang alanganin at nagsabi iyong coach nila nakakausapin lang daw ang coach namin. Tumango nalang ako tapos ay naglakad na iyong coach nila paalis.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon