Author's note: This story is a work of fiction. Any resemblance of the names of characters and organizations/institutions in real life is a pure coincidence. Thank you and Happy Reading! :)
*****************Chapter 1 |The Start|
"Hey honey, wake up."
Naramdaman ko ang kamay ni mama na tumatapik sa tyan ko.
"Mmm mom, five minutes." Sabi ko naman at hinila ang kumot ko, itinalukbong ko pa ito sa katawan ko.
"Baby you'll be late for school." Sabing muli ni mama at hinila ang kumot kong nakatalukbong saakin.
"Ma just five minutes." Reklamo kong muli at kinuha ko ang unang nasa gilid ng kama ko at ipinatong ito sa mukha ko. I almost groaned nang hilahin ni mama ang kumot ko dahil inaantok pa talaga ako.
"But honey it's already 7:00 am." Sabing muli ni mama at kinuha ang unan sa mukha ko.
"Ma 7:00 palang naman—wait, what?!" Napabangon agad ako nang wala sa oras at tumingin sa bedside clock ko.
Shit! Anak ng tokwa! Late na nga ako!
Ibinagsak ko ang orasan sa table ko at hindi na inintindi ang mama kong naka-poker face sa akin. Dali-dali na akong nagpunta sa banyo to take a quick shower then after that ay dali-dali naman akong nagpalit ng uniform. Bakit kasi ang daming kaek-ekan ng uniform namin?! Ang dami mong kailangang suotin! May short na nga, may sando na, may polo pa, my palda pa at kahaba-haba pa ng medyas!
Matapos kong magbihis ay dali-dali akong bumaba ng hagdan. Itinakbo ko mula dulo ng hagdan hanggang dining room nang mapatigil ako. Nakita ko ang mama ko pati ang daddy ko and also my younger brother na kumakain na ng breakfast at...nagtatawanan?
Err... Anong meron? Anong nakakatawa?
I looked at them with confused expression.
"Can't you really wake up on your own, ate?" Tanong ng kapatid kong si Vince habang napaka-gwapo nya sa neatly ironed nyang uniform. He's grinning from ear to ear when he asked.
Na-speechless naman ako sa tanong nya pero tinaasan ko sya ng kilay.
"Feeling ko mas mapapadali ang buhay mo kung pag-aaralan mong gumising nang maaga." Sabing muli ni Vince na tumawa pa kaya pinaningkitan ko sya ng mata habang unti-unting naglalakad palapit sa kanila.
"And what do you mean?" I asked at naupo na sa usual seat ko nang makalapit ako.
"Next time, try to wake up early. Para naman hindi na baguhin ni mama ang oras sa orasan mo." Sabi ni Vince at bigla syang tumawa!
Natigilan naman ako bigla at parang hindi rumehistro ang sinabi ni Vince saakin. Narinig ko ang pag-chuckle ng daddy ko at unti-unti akong lumingon sa kanila.
"What?" tanong ko, my voice almost in a whisper. "Ma?!" I asked in almost pleading na parang sobra-sobra akong nasaktan. Pero alam nyo 'yung mas nakaka-hurt? 'Yung parang wala silang narinig at nagtawanan pa sila lalo.
Baliw na ba ang pamilya ko? Ay! Hindi pala, ako pala kasi ang source of entertainment nila. Note the sarcasm please!
Bigla namang itinaas ni mama ang mga kamay nya na para bang hino-hold up sya. Umiling-iling sya habang tumatawa.
"Don't blame me. I'm just taking orders." Sabi nya habang humahango sa tawa. Naningkit nanaman ang mga mata ko.
"Orders from whom?" I asked and as if on cue, tumahimik ang paligid. Naka-grin si mama na tumingin kay daddy. My dad then cleared his throat.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...