"Russell! Ano ba yan?! Party-party ngayon tapos seryosong-seryoso ka?!" Zeya said at the top of her lungs while holding a glass of vodka.
Guess what? Christmas Party na ng seniors and yeah, our class officers rented a bar to celebrate it. May permission naman to ng admin ng school kaya heto kami, nagpa-party. At oo, sa dami ng tao ngayong nagpa-party ay si Russell lang mukhang hindi masaya. Si Cedrick? Nandito sya sa tabi ko okay? Bantay-sarado haha!
"I should not be here" bulalas naman ni Russell at nag-frown si Zeya
"Edi lumayas ka na! Leche!" Sigaw ni Zeya at tinungga ang vodka nya.
"Woooooh! Lasing na si Ice!" Sabi bigla ni Lanie sabay humalakhak. Napatawa naman ako ng kaunti.
"Ano?! Ako?! Lasing?! Hahahahaha! Nakaka-apat na shot palang ako Lanie!" Sabi ni Zeya at tumawa ulit. Totoo yun. Kung may kakilala man ako na sobrang taas ng alcohol temperance, si Zeya yun. She can drink a bottle of Martini alone.
"Pang-ilan mo na yan?" Bigla namang tanong sakin ni Impaks
"Pangalawa palang" sagot ko naman at tumango lang sya.
I'm drinking Martini okay? Kaya naghihinay-hinay ako. Hindi naman sing-lakas ni Zeya ang sikmura ko.
"Toast para kay Cedrick at Jen!" Biglang saad ni Black kaya halos nagulat ako. Nag-taost naman bigla ang lahat kaya naki-toast narin ako at si Cedrick. Hindi naman nila alam na ikakasal na kami. I mean, sila Russell, Abby and the rest na nandito ay hindi alam.
"Grabe! Sino maga-aakala na kayo na pala!" Sabi naman bigla ni Abby at nagtawanan ang lahat.
Dumaan ang exchange gift at matapos ay nagsiuwian na ang iba. Naka-dalawang bote naman ng vodka si Zeya kaya iniuwi ni Black nang lasing sya. While Russell left the bar quietly na parang may hinahabol na oras. Ang iba naman ay mga lasing narin pero may mga sundo naman.
While me? I'm tipsy! Pero tahimik lang ako dahil ganito ako malasing! Naka-isang bote rin ako ng Martini no! Wahahaha!
"Venice, let's go" sabi ni Cedrick pero dahil nahihilo ako ay hindi ako tumayo. Hindi naman tinamaan ng kalasingan ang isang to! Madaya!
"Ced" usal ko at natigil sya sa paghila sakin. Kami nalang actually ang naiwan sa table namin.
"Venice, lasing ka na ba?" He asked and I looked at him. I smiled widely at saka natawa.
I spread my arms in front of him
"Buhat" I childishly said and I saw how his eyebrows collide.
"Tss" he said at sa gulat ko, binuhat nya ako in bridal style. Napa-pout naman ako. Ang ine-expect ko ay piggy-back! Anu beyen! Hang corny naman nito ni Impaks! >3<
But even so, hindi nalang ako umimik. Naglakad na sya papunta sa sasakyan at maingat nya akong ibinaba sa passenger's seat. Umikot naman na sya at sumakay sa driver's seat at saka pinaandar na ang kotse
"Cedrick" I called. He did not replied so I pouted my lips "sungit" I retorted and I heard him sighed
"What?" He asked
"Sure ka ba?" I asked at nakita ko nanaman ang pagsalubong ng kilay nya.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong nya habang hindi tinatanggal ang paningin sa kalsada.
"Sure ka na ba talaga?" Ulit ko
"Venice, just sleep" sabi nya and a sly smile plastered on my lips.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...