Chapter 22 |Bomb|

3.7K 87 4
                                    

Chapter 22 |Bomb|

"Bansa" I flinched my eyes but I kept them close. Hindi ko pinansin ang boses at nanatili akong nakapikit.

I felt a shrug on my shoulder and I squinted my eyes to keep them shut.

"Bansa" he said again and I groaned. Gumalaw ako para talikuran sya at nagtalukbong ako ng kumot. Pero sadyang makulit talaga ang Impaktong 'to dahil marahas nyang iginalaw ang katawan ko para mapaharap ulit ako sa kanya.

"Venice gising na. It's Monday today" He said again at napahinga ako nang malalim. I slowly opened my eyes at napapagod syang tinignan.

Nakapagilid ang katawan nya at nakabalandra sa mukha ang mapaglarong ngiti ng labi nyang gustong-gusto ko nang lapirutin ngayon. Nakakainis na ganito ang bubungad sa'yo sa umaga! Dito kasi sa bahay natulog si papa kagabi kaya naman ginamit nya ang kwarto ng Impakto. Ito namang isa, imbes na tumabi sa ama ay mas piniling dito sa kwarto ko natulog kagabi!

Inabot ko ang Cell phone kong nasa ilalim ng unan ko at tinignan ko ang oras. Halos mapamura naman ako nang malutong nang makita kong wala pang alas-singko! Nakatiim-bagang akong tumingin kay Cedrick na ngayon ay ngingiti-ngiti pa rin! Paano nya nagagawang ngumiti?!

"Impaks naman! 4:45 palang! Please! I still have 15 minutes!" Nagmamaka-awang sabi ko pero naka-ngisi pa rin sya!

Ano ba ang nagawa kong kasalanan at pinagdaraanan ko ang mga nangyayari ngayon?!

"Gumising ka na. Ayos lang yan. Monday ngayon at may Morning Assembly tayo" Sabi nito tapos ay umupo mula sa pagkakahiga.

"Antok pa ako Cedrick" Seryosong sabi ko sa kanya tinignan nya lang ako na para bang wala syang narinig.

"Mauna ka nang maligo" Kaswal na sabi nanaman nya sa'kin at napa-hugot ako ng hininga at napapikit.

Lord. Pahingi po ng maraming-maraming pasensya. Utang na loob po. Baka po kasi masuntok ko ang Impaktong nasa harap ko ngayon at madala nanaman sya sa hospital!

Iminulat ko ang mga mata ko at heto nanaman ang ngisi nya! Napa-upo ako.

"Hindi mo ko pinatulog nang maayos kagabi and now you have the audacity to torture me?!" Inis na singhal ko sa Impakto!

Bumalik nanaman sa isip ko ang mga pinaggagagawa ng Impaktong ito kagabi at parang gusto ko nanamang makapanakit! Hindi ko alam kung ano ang trip nito kagabi at sinabi nyang dapat ay sabay kaming makatulog! For God's sake, I was so tired last night from Jane's birthday party! Nagdrive pa ako papunta at pauwi! All I want last night was to sleep very peacefully pero itong Impaktong 'to na hindi ko malaman kung ano ang nasinghot ay napaka-hyper kagabi! Mag-aalas-dose na ata nang tumigil sya sa pangungulit at pangingiliti nya kaya ay nakatulog na kami pareho! Tapos ngayon ay gigisingin nya ako nang napaka-aga! Ang sarap talagang makapanakit!

Heto nanaman ang mapaglarong ngisi ni Cedrick kaya kinunotan ko sya ng noo.

"I like the sound of that. Na hindi kita pinatulog nang maayos kagabi" Sabi nito at tinignan ko sya ng ilang Segundo bago ko nakuha ng ibig nyang sabihin!

Pakiramdam ko ay namula nanaman ang buong mukha ko!

Susuntukin ko na dapat sya pero ay nasalo ng kanang kamay nya ang kamay ko tapos ay tinawanan nya lang ako! Sinamaan ko sya ng tingin! Kung nakamamatay lang ang tingin ngayon, kanina pa sya napaglamayan!

"Oh ano na bansa?" tanong nito at binawi ko ang kamay ko mula sa kapit nya at napapagod na humigang muli at saka pumikit.

"For the last time, stop calling me bansa utang na loob!" I shrieked at ipinatong ko ang kamay ko sa mata ko.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon