Chapter 3 |The News|

6.6K 117 6
                                    

Chapter 3 |The News|

"Susunduin ka ni Tita Jessica diba?" Tanong saakin ni Zeya habang nag-aayos kami ng gamit namin.

Dismissal na namin. Saktong katatapos lang ng klase at kalalabas lang ng teacher namin. Gumalaw naman ang upuan na naka-pwesto sa likuran ng upuan ko kaya napatingin ako rito. Ang Impakto? Ayun na, naglalakad na palabas habang nakasukbit ang isang strap ng bag nya sa isang balikat.

Nang dumaan si Impaks sa window ay pinilit kong silipin ang braso nya pero walang kwenta pala ang pagsilip ko. Hindi ko rin kasi nakita.

"Huy!" napa-pitlag ako nang inisnap ni Zeya ang daliri nya sa tapat ng mata ko. Napa-tingin naman ako sa kanya.

"O-oo. Bakit?" sagot at tanong ko naman pabalik. Nasa gilid ko na si Sky at simula kaninang tapos ng Culinary arts ay hindi pa sya nagtatanong sa akin. Parang wala lang sa kanya ang inakto ko kanina. In short, walang impact sa kanya ang agarang pag-sigaw ko sa culinary arts namin.

"Well, syempre para alam ko" sabi ni Zeya.

Isinuot na namin ang mga bag namin at naglakad na kaming tatlo palabas ng room.

Totoong susunduin ako ni mama ngayon sa school. Si Vince naman ay nauna nang umuwi gamit ang sasakyan ko. Hindi ko nga alam kung bakit susunduin pa ako ni mama. Oo, napaka-unusual nito dahil busy sila ni papa sa mga ganitong oras. Though, baka naisipan lang ni mama na sunduin ako. It's not like bawal nya ako sunduin.

"I'll escort you girls outside. Though, mauuna ako sa inyo. May lakad pa kasi ako" biglang sabi naman ni Sky na hindi talaga nagbago ang pakikitungo saakin. Hindi rin sya nagtanong. Well, nagtanong pala sya kanina. Tinanong nya ako kung nasaktan ba ako. Nang sagutin ko sya ng hindi ay kumalma na sya at tinanguan lang ako. Iyon na yun.

"Saan ka pupunta?" tanong ko naman at nginitian nya ako nang malapad--his usual smile.

"Secret~" he said in a singsong voice at bahagya akong natawa rito.

"Korny mo uy!" Singhal naman ni Zeya na mas lalong ikinatawa ni Sky.

Nasa ganoong sitwasyon kaming tatlo nang mapatigil kami sa paglalakad dahil may dumaan sa harap namin. Napatigil ako at parang slow motion na pinanood kong dumaan sa harap namin si Impaks na diretso lang ang tingin at hindi manlang kami pinasadahan ng tingin. Lumabas sya mula sa Men's comfort room na parallel sa hallway palabas ng PDA. Napa-pitlag naman ako nang hawakan ni Sky ang braso ni Impaks kaya napatigil sya sa paglalakad. Naka-salubong ang kilay ni Impaks nang tignan nya si Sky.

"Salamat pare" sabi ni Sky at pakiramdam ko ay nawala bigla ang oxygen sa Earth. Napatigil ako sa paghinga.

Bakit sya nagpapasalamat kay Impaks? Dahil ba sa nangyari kanina?

"Para saan?" tanong naman ni Impaks at tinanggal nya ang pagkapit ni Sky sa braso nya.

"Para sa nangyari kanina sa Culinary arts. Sa pagsalo mo kay Jen at sa pagsalo ng natapon na minatamis nyong saging" sabi ni Sky at napakagat ako bigla sa ibabang labi ko. Tinignan ako ng Impakto pero nakay Sky lang ang tingin ko.

Seryoso ang mga mata ni Sky. Sa bawat salitang sinasabi nya ay ramdam na ramdam mo ang sincerity. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Nao-overwhelm ako na hindi ko mawari. Kinikilig ako, natutuwa, at natata-touch.

Sky, why u do this to mah heart?!

Sino bang hindi mai-inlove sa ganitong tao? Aber?!

Kinikilig na sana ako pero naudlot ang kilig ko nang makita kong ngumiti nang pang-demonyo ang Impakto.

"It's not for free kaya huwag mo 'kong pasalamatan" sabi ni Impaks at naglakad na ulit palabas na ng PDA.

My smile froze.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon