Chapter 24 |The Best-Friend|

3.1K 64 0
                                    

Chapter 24 |The Best-Friend|

|Zeyanna's POV|

"You guys aren't crazy. You're in love and that's normal"

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga katagang binitawan ni Alexa kaninang umaga. Para bang ayaw tantanan ng utak ko 'yung mga sinabi nya and honestly, sumasakit na ang ulo ko. I've been thinking about this since last week , but the more I think, the more na naguguluhan lang ako. Sa totoo lang ay umabot na ako sa punto na tinignan ko na ang nangyayari sa'kin sa internet, baka sakaling may mahanap akong sagot. Pero mas lalo lang talagang gumulo. One part of the internet says may sakit ako, cancer sa Respiratory system or sakit sa puso. Nakakaloka. Ang healthy-healthy ko tapos biglang cancer. Other part of it says that I have mental illness, like anxiety or depression. Hayyss. Siguro nga ay kailangan ko nang magpa-admit sa mental hospital.

Tumingin nalang ulit ako sa librong binabasa ko para ma-distract ang utak ko.

It affects your mind so that you cannot think clearly, or make rational decisions about your own well-being.

Agad kong naisara ang librong binabasa ko nang dahil sa nabasa ko. This passage is describing love! What the hell?! Bakit naman saktong iyong part pa ang nabasa ko?! Tumitig ako sa Book Cover ng libro.

Delirium.

Ugh! Parang gusto kong gilitan ng leeg si Alexa dahil sya ang nagpahiram sa'kin ng librong 'to! Maganda raw sabi nya. At ako naman, bilang dakilang pokpok sa mga libro ay tinanggap naman agad! Napaka-galing naman ng timing ng letcheng 'to!

Napahinga nalang ako nang malalim at napasandal sa pader tapos ay napa-pikit.

I've been thinking about my emotions these past few days towards Jack. Iniisip ko kasi na baka nga in love ako sa kanya. Sadyang gentleman kasi ang taong iyon, tapos ang hilig nyang mag-crack ng jokes na sobrang havey sa'kin lagi. But the more I think about it, the more I couldn't come up with an answer. Baka kasi mamaya ay sadyang pokpok lang ako na uhaw sa kalinga ng lalaki. Oh baka naman ay naga-assume lang ako na gusto ko sya kasi bago sa'kin 'tong mga pinaparamdam nya sa'kin. Habang lumalaki kasi kami ay si Sky lang naman ang ibang lalaking gumagawa non sa'kin dati. Kaya naman ngayong may bagong gumagawa ng mga dating ginagawa ni Sky ay baka nako-confuse lang ako. Baka nga kino-confuse ko lang ang sarili ko.

Narinig kong biglang bumukas ang pinto ng rooftop kaya naman ay napa-mulat ako at napatingin dito. Tumambad naman sa'kin si Russell na medyo nagulat pa nang makita ako. Agad naman akong napa-ayos ng upo at binati sya.

"Bakit nandito ka? 'Diba sa canteen na kayo nagla-lunch?" Tanong nito at naglakad palapit sa'kin. Medyo umusog naman ako para magbigay ng espasyo sa kanya tapos ay tumango ako.

"Oo. Pero kami pa rin naman ang naglagay ng silong dito. May karapatan pa rin akong tumambay rito" sabi ko at bahagya pa syang natawa as he sat down.

Nandito ako ngayon sa rooftop at mag-isa lang ako. Si JV kasi, after nilang lumabas ni Cedrick kanina sa canteen ay hindi na bumalik. Ewan ko kung saan na nagpunta ang babaeng 'yon. Si Sky naman ay kinakausap ng coach nila para yata sa gaganaping inter-high tournament. Si Alexa naman ay kausap ng adviser nila sa journalism dahil pa rin sa gaganaping inter-high tournament. Kaya heto ako, nandito ako sa rooftop para makatakas kay Jack.

"Ikaw? Bakit nandito ka?" Tanong ko naman kay Russell tapos ay nagshrug sya at kinuha ang libro ko.

"Matutulog. Binabasa mo?" Sagot at tanong nya sa'kin at tumango ako. Binuklat nya ang libro at waring binasa ito.

"You read novel books?" I asked him tapos tumango lang sya.

Wow. I didn't know Russell reads novel books. Parang bihira lang akong maka-encounter ng lalaking nagbabasa ng libro.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon