Chapter 2 |Caramelized Banana|

11.5K 153 8
                                    

Chapter 2 |Caramelized Banana|

|Jennica's P.O.V|

"Zeya I can't believe this! Sya ba 'yung sinasabi ni Yagari-sensei na new classmate daw natin?!" Paghihimutok ko kay Zeya the moment na makapasok kami rito sa rooftop. Lunch break na kasi at dito kami kumakain ng lunch. May ginawa kaming silong dito para may lugar kami, kahit mainit dito sa rooftop, at least hindi ganon ka-init. And beside, the breeze here is superb.

Naghihimutok ako ngayon kay Zeya dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari! I mean, paanong nangyari na sya ang bagong classmate namin?! Pwede naman kasi na iba nalang 'yung bago naming classmate 'diba?! At the first place, bakit kasi nag-transfer pa 'yung Impaktong 'yon dito?!

"Calm down JV! Ano ba, kumalma ka nga! Naging classmate lang naman natin sya." Kalmadong sabi ni Zeya habang inilalabas ang lunch box nya. Uso sa amin ang lunch box.

"Well That's the point! Ayun na nga Zeya! Of all people, bakit 'yung Impaktong Unggoy pa?!" Himutok ko pa rin at nag-take na ng isang subo si Zeya sa pagkain nya samantalang ako ay ni Lunch box ko, hindi ko pa nailalabas sa lalagyan nito.

"Well you can't stop it from happening, can you?" Kalmado nya pa ring sabi. May laman ang bibig nya nang sabihin nya 'yan pero hindi naman kadiri dahil kahit may laman ang bibig nya na nagsalita ay wala namang tumalsik na kung ano.

Napa-irap naman ako sa sinabi nya at marahas na inilapag ang lunch box ko sa sementong inuupuan namin.

"Why are you acting like that?! It seems like you're not bothered by that Impaktong Unggoy!" Himutok ko. Magsasalita naman na sana si Zeya nang biglang may boses na sumulpot na ikinagulat naming pareho ni Zeya.

"Sinong Impaktong Unggoy?" Tanong ni Sky na sumulpot sa doorway ng rooftop.

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses nya. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. This time, it's not because kinikilig ako kundi dahil kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka kanina pa dyaan si Sky at narinig nya ang pag-uusap namin ni Zeya. Kinakabahan ako na baka nakita nya kung paano ako umakto. Kinakabahan ako na nakita nya akong naghihimutok. Kinakabahan ako na baka narinig nya ang lahat ng paghihimutok na ginawa ko. Kinakabahan ako na baka nakita nya akong gano'n.

"S-Sky! I-I thought you'll be having your lunch with your teammates." Sabi ni Zeya na katulad ko ay gulat din. Though, she managed to compose herself at itanong yan, to divert the topic.

Napalunok ako at tinignan ang lunch box ko. Napapikit ako nang mariin.

Shet! Ibinagsak ko pa mandin ang lunch box ko! Sumigaw-sigaw pa ako!

Sky shrugged and sat beside me. So napaggigitnaan ako ni Sky at Zeya.

Lumunok ako. Ibinaba ni Sky ang lunch box nya at tinignan nya ulit kami. His eyes are curious.

"Anong pinag-uusapan nyo? Anong Impaktong unggoy?" Tanong nya ulit at napa-pikit na talaga ako nang mariin pero sa isip ko lang. Huwag na kayong magtaka. Talent ko 'yan.

"Anong impaktong unggoy?" Pabalik namang tanong ni Zeya gamit ang tono ng boses na kapareho ng kay Sky. Napatingin naman ako agad sa kanya at minatahan nya ako. Nagets ko naman 'yon agad.

"A-Ah oonga, anong impaktong unggoy?" Tanong ko kay Sky at para mas effective ang acting, pinagsalubong ko ang kilay ko.

Tinignan naman kami ni Sky. Naguguluhan ang mga mata nya, nakikita ko 'yon. Maya-maya pa'y kumunot na rin ang noo nya.

"Huwag nyo ngang ibalik saakin ang tanong ko. Don't do a reverse psychology on me." Sabi nya at sumubo na ako ng pagkain ko. Marahan akong ngumuya at siniguro kong tama ang pagkakahawak ko ng Spoon and fork.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon