Chapter 23 |Hurt|
Hindi ako mapakali habang nasa tenga ko ang cell phone ko. Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng kwarto ko at kanina pa rin pabaling-baling ang ulo ni Midnight sa akin. Kanina pa rin sobrang bilis ng puso ko. Halos nababaliw na ako—literal. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Napapakagat na rin ako sa kuko ko.
"Honey calm down. Sasabihin ko naman talaga sa'yo. Naunahan lang ako ni Matthew" mahinahong sabi ni mama mula sa kabilang linya at hindi ko napigilan ang sarili ko na ihilamos ang kamay ko sa mukha ko.
"Ma bakit naman agad? Bakit naman ang bilis?" Kinakabahang sabi ko naman kay mama habang pabalik-balik pa rin ng lakad. Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako ngayon.
"Doon din naman ang punta nyo, anak" sabi ni mama and God knows I did everything to prevent myself from saying any bad words!
"Ma alam ko naman po 'yon. Alam ko naman po na doon din ang punta ng usapan namin pero bakit nga ang bilis ma? Pareho pa po kaming minors!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong medyo magtaas ng boses. Kanina pa ako napapadasal na sana ay prank lang ang sinabi sa'kin ni Impaks pero hindi! Mukhang seryoso talaga sila rito!
"Jen, may mga bagay talaga tayong hindi inaasahang mangyari. Pero nandyan naman na eh. Alam ko na malaki itong hinihingi ko sa'yo pero sana...sana ay pumayag ka nalang" sabi ng nanay ko at nakasapo na ako sa noo ko.
Mahal ko ang nanay ko. Mahal na mahal ko. Pero minsan, hindi ko lang talaga naiintindihan kung bakit may mga bagay syang ginagawa na pakiramdam ko ay para lang sa kanya. Minsan, pakiramdam ko, hindi nya iniisip kung anong mararamdaman ko. But that's just nonsense. My mom is my mom. I know she loves me pero hindi ko pa rin talaga mapigilang mag-isip.
"Ma, alam kong pong ako ang may kagagawan nito sa sarili ko. Pero hindi po ba puwedeng huwag naman pong ganito? Hindi pa ako handang makasal. Ma naman" nagmamakaawa at napapagod na sabi ko. Tumigil na rin ako kalalakad at ngayon ay napa-upo nalang ako sa kama ko. Nakalagay pa rin ang isang kamay ko sa noo ko. Pakiramdam ko ay sumasakit ang ulo ko. Halos hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari.
"Jen this is for your safety" biglang sabi ni mama kaya naman ay agad namulat ang mata ko. Narinig ko ang isang malakas na pagkabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay nabato ako sa kina-uupuan ko.
Tama ba ang narinig ko? For my safety? Safety? Bakit? Nasa panganib ba ako? Bakit ba ganito sila magsalita? Ano ba ang nangyayari? What's with my safety?
"Ma, am I danger? What is going on?" Kinakabahang tanong ko kay mama pero namutawi ang katahimikan sa kabilang linya. Hinihintay ko lang magsalita si mama at hinahanda ko ang sarili ko sa kung ano man ang sasabihin nya.
Parang bumabalik sa ala-ala ko ang mga narinig kong usapan ni Vince at Cedrick. Simula nang tumira rito si Impaks ay nakaramdam na ako na para bang may mali. Unang-una, sinong magulang ang gugustuhing makasama ang anak nya kasama ang isang lalaki? But still, dito na nakatira ang Impakto. And since then, a lot of things happened. And I am trusting my guts na ang injuries na natamo ni Cedrick ay hindi lang dahil sa basta-bastang nakipag-basag ulo sya. There is something going on and I can feel it.
Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko na syang bumasag ng katahimikan. Bumukas ito at sumilip si Vince tapos ay tuluyan nyang binuksan ang pinto.
"Ate, kakain na" sabi nito at tinanguan ko lang sya.
"Oh you were about eat? Okay! Kumain kayo nang marami! Huwag kayong magpapagutom okay? I love you Jen, please tell Vince I love him too. Let's talk again some other time. Bye-bye!" Sunod-sunod na sabi ni mama mula sa kabilang linya na para bang nagmamadali at may humahabol sa kanya. Sunod naman nang narinig ko ay ang tunog na naputol na ang tawag.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...