Chapter 12 |Change of House|

4.5K 99 3
                                    

Chapter 12 |Change of House|

|Cedrick's POV|

"Any questions?" Tanong ng adviser namin at sumagot ang mga kaklase ko ng 'none'

"Clarifications" tanong muli ng adviser namin at sumagot muli ng 'none' ang mga classmate ko

"Violent reactions?" Huling tanong ng adviser namin at muli, sumagot ng 'none' ang mga classmates ko

"Okay, that would be all. Class dismissed" sabi ng adviser namin at nag-goodbye naman kaming lahat.

As soon as lumabas ang adviser namin ay isinabrag ko lang sa bag ko lahat ng gamit ko at saka naglakad na ako palabas ng room. Dumiretso ako sa parking lot kung saan naka-park ang kotse ko at hindi pinansin ang mga matang naka-tingin lang sa akin.

Pumasok ako sa kotse ko at saka ito in-on. Kumapit ako sa steering wheel at napatingin ako sa kamao kong may sugat. Napatitig ako rito. Isinarado ko ang kamao ko pero muli ko itong nabuka nang makaramdam ako ng kirot. Mula kaninang after morning recess subject, hanggang kaninang mag-uwian ay hindi ako nakapag-sulat nang maayos dahil dito. Na-late pa ako sa English. Nakaka-inis talaga.

I shook my head and started driving home. Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilang maisip ang nangyari kanina. Hindi ko inakalang darating sya rito. Hindi ko inakalang mapupunta sya rito sa school na pinag-aaralan ko. Hindi ito maganda. Kailangan kong magdoble-ingat kung ganon.

Napahigpit ang kapit ko sa manibela

Ang tanga ko kanina dahil nagpadala ako sa emosyon ko. Panandalian kong nalimutan na may mga tao sa paligid ko. Wala naman akong paki sa iniisip nila, pero alam ko, nakita ni Andrei na may sugat itong kamay ko at alam kong alam nya ang dahilan ng sugat na ito.

Nalaro ko naman ang dila ko sa loob ng bibig ko para pakiramdaman ang gilid ng pisngi ko sa loob. Napa-winced naman ako nang makaramdam nanaman ako ng kirot dahil sa sugat na nadampian ng dila ko. Mabuti nalamang ay wala akong sugat sa labas ng katawan ko. Isa pa, mabuti nalang at hindi ito lumala.

Mabilis akong nakarating sa bahay at saka ako nagpark agad. Binati ako ni Manong Ernesto, ang hardinero namin at bumati lang ako pabalik saka ako pumasok. Dumiretso ako sa kwarto ko at pagbukas ko palang, alam ko nang may nabago sa kwarto ko.

Nawala ang mga gamit kong nakalagay sa ibabaw ng bedside table ko. Mula sa lamp, alarm clock, at mga picture na inilagay ko rito. Nawala rin ang mga action figures na nakalagay sa ibaba ng cabinet ko. Lahat iyon ay napunta sa loob ng cabinet na salamin ang pinto nito. Napaka-maayos din ng kama na akala mo ay ilang taong hindi nahigaan. Kumunot ang noo ko. Ibinaba ko ang bag ko sa sahig at saka pumasok sa walk-in closet ko at nakita kong kakaunting mga damit nalang ang naandito. Ang karamihan pa sa mga ito ay mga damit na hindi ko na malimit gamitin. Ultimo mga sapatos ko ay halos wala na rin. Wala na ring natirang ni isang uniporme ko na nakasabit dito.

Anong nangyayari? Bakit nawala lahat ng gamit ko?

Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at bumaba, padiretsong kusina

"Manang!" Sigaw ko at nakita ko si manang na nagulat habang nagpupunas ng mga hinugasang plato

"Haru diyos ko! Ano ba iyan Cedie?! Bakit ka nakasigaw?!" Gulat namang usal ni manang na halos maibagsak ang plato dahil siguro sa gulat. Napangiti naman ako nang alanganin at saka nag-sorry.

"Manang, ano'ng nangyari sa kwarto ko? Bakit nawala lahat ng gamit ko?" Tanong ko naman kay manang. Maingat naman muna nyang inilapag ang plato sa lababo bago ako tignan

"Ipina-ayos 'yan kanina ng papa mo tapos ay ipinakuha ang mga mahahalagang gamit mo" paliwanag naman ni manang at kumunot nanaman ang noo ko

"At bakit daw po?" Tanong kong muli. Nagkibit balikat naman sya

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon