Chapter 39 |Why though?|

2.5K 60 2
                                    

Chapter 39

"Yo!" Umangat ang tingin ko mula sa ginagawa ko papunta sa direksyon ng pinto. Nakita ko naman si Zeya, Sky, at Alexa na naglalakad papasok. The three of them sat at the long sofa and I put down the pen I'm holding at saka sumandal sa sandalan ng swivel chair.

"Ginagawa nyo rito?" I asked them at tinaasan ako ng kilay ni Zeya.

"Wala kang balak umuwi?" Tanong ni Zeya kaya napa-tingin ako agad sa relos ko at napatitig ako rito dahil ngayon ko lang napagtanto na maga-alas singko na pala.

"Wala pa naman si Impaks." Sabi ko sa kanila and I was about to stand up nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Impaks.

Ah. Speaking of the devil.

"Well, now he's here." Sabi naman ni Alexa at saka sila tumayong tatlo.

"We'll go first. Babush!" Sabi ni Zeya as Impaks walked towards me and sat at the chair across mine. Tinanguan ko lang naman sila at sinabihan ko sila ng ingat.

"'Di ka pa tapos?" Impaks asked the moment the three of them left the room. Napatingin naman ako sa mga folders na nakabukas sa ibabaw ng desk ko.

"Not yet pero pwede ko namang gawin bukas." Sabi ko at saka sinimulang imisin ang mga gamit na nagkalat sa table ko.

"Tara na. Maggo-grocery pa tayo." Sabi nito at hindi ko na lang sya pinansin.

Inimis ko na lang nang mabilisan ang mga gamit ko. Inilagay ko sa drawer ang mga kailangang nakatago at inayos ko ang pagkapatong-patong ng folders sa mesa ko. Matapos ay tinanggal ko ang pagkatali ng buhok ko at medyo ibinuhaghag ang pagkalugay ng buhok ko. Inayos ko rin ang damit ko at saka na ako tumayo. Tumayo na rin naman si Impaks at sabay na kaming naglakad palabas.

Nandito kami ngayon sa HQ. It's been almost three weeks and I was exposed more to what they've been doing in this organization. Tinuturuan na rin ako ni mama kung ano-ano ang mga kailangan kong gawin at matutunan. In those three weeks, Cedrick and I did our best to manage our life balancing school and this job. The two of us have been working on the merging of Ice Cream and Black Star Org. Kahit kasi pumayag na ang Ice Cream na makipag-merge sa Black Star Org., dahil na rin kay Impaks at papa, may ilan sa kanila na hindi pabor dito. Isa pa, they will have to let go of the name Ice Cream dahil mananatili lang ang pangalang Black Star Org. Ang magiging labas nito, in-acquire ng BSO ang Ice Cream, at ito ang hindi gusto ng iba. Pag nagkataon kasi, marami ang aalis and in worst case scenario, baka may magplano pa ng vendetta. Until now, Cedrick is still negotiating with his people. As for me, I'm still working on how to get the trust of my people.

Cedrick and I drove going to the Grocery Store. Kailangan naming mamili ngayon dahil Death Anniversary ng mommy ni Cedrick bukas. We'll be going to the Cemetery and we have to prepare foods.

Pag dating namin sa Grocery Store, the two of us walked hand in hands. In those three weeks, Cedrick and I became...I don't know...more of a couple? I mean, we're treating each other more as boyfriend and girlfriend leading to husband and wife. I've already probably accepted the fact that I'll be wedded to this man whether I like it or not. Besides, mas dumami lang talaga ang alone time namin since we've been sparring almost every day after work or school. Sometimes we'd spar with Zeya, Sky, Alexa, and Flavior, but most of the times, it's just us.

In those three weeks, I've found out I might have killed someone in the past. Mom said it happened when I was five. I didn't know about it because I had selective amnesia. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. 'Yon lang din ang sinabi ni mom. She did not give me any more details. Sabi nya kung maaalala ko raw, edi maaalala. Kung hindi, edi hindi. And honestly, I'm still trying to digest all of these. I'm trying to expose nyself in this Mafia world hoping I could get used to it, hoping I could remember something, hoping my mind can rationalize everything that's been going on. But sadly, it seems like it's very hard for me to do it. Since then, para bang nilulunok ko na lang ang lahat nang ito dahil wala akong choice. Everytime I'll go in a mission as part of the organization, hindi ko magawang sikmurain ang lahat ng dapat kong gawin-whereas Zeya and Alexa can finish theirs in seconds. Pakiramdam ko, nasa loob ako ng isang panaginip at wala nang pag-asang magising pa ako.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon