"Sissy!"
Ate Liel's voice echoed over the E.R kaya naman ay napatingin kami ni Zeya sa pinto. Agad naman kaming tumayo para salubungin sya, at agad din syang tumakbo palapit sa'min.
"What on Earth happened?!" Agad na tanong nito nang makalapit sya sa'min ni Zeya. She looks panicky--if there's such a word. Well, sino ba namang hindi?
"Nasaan si Lanie?" Nagpa-panick pa rin na tanong nito at nahihiya akong tumingin sa kanya.
Tinuro naman ni Zeya ang isang cubicle kung saan nakasara ang kurtina. Agad-agad na naglakad si ate Liel papunta rito at hinawi ang kurtina. Napalingon naman agad sa kanya ang isang nurse, habang hawak-hawak ang gunting, at ang doctor na ngayon ay tinatahi ang sugat ni Lanie.
"Sissy!" Sabing muli ni Ate Liel at napalapit na rin kami ni Zeya.
"What the hell?! Anong nangyari?!" Tanong pa rin nito at agad syang pinakalma ng nurse at sinabing kung pwede ay huwag muna syang pumasok.
"A-ate, calm down. I'll tell you everything later. I'm okay." Sabi naman ni Lanie at para bang gusto ko nang lamunin ng lupa ngayon, or maglaho na lang na parang bula. Sobrang nahihiya ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Pinagsuspetyahan ko pa si Lanie ng ilang linggo, ngayon ay heto sya ngayon sa hospital. Sya pa ang napuruhan!
Agad na umatras si ate Liel nang bahagya syang itinulak ng nurse, tapos ay isinarang muli ang kurtina. Agad naman syang humarap sa'min ni Zeya. Hindi ako makatingin, sobrang nahihiya ako.
Agad na lumapit sa amin si ate Liel at tinignan kaming mabuti.
"Kayo ba, hindi nasaktan?" Tanong ni ate Liel sa mahinahong boses at agad akong napa-angat ng tingin.
I can see concern in ate Liel's face. Dahil dito, mas lalo akong nahihiya. Sobrang nahihiya ako at kinakain na ako ng konsensya ko. Honestly, mas okay sa'kin kung hindi nya kami tatanungin nang ganito. Kami--ako ang dahilan kung bakit nalagay sa bingit ngayon ang kapatid nya. Mabuti na lang at sa braso lang sya tinamaan. Sobrang hindi ko kakayanin kung sakaling napuruhan talaga nang tuluyan si Lanie. Ako talaga ang may pakay nila, nadawit lang si Lanie na wala namang ka-malay-malay.
What happened today is not just a simple death threat. It's a warning. And I don't even know what is the warning for!
"Okay lang po kami." Sagot naman ni Zeya and relieve was in ate Liel's eyes and face.
God, I don't deserve this!
"What exactly happened? May umaway ba kay Lanie? Is she being bullied?" Tanong na naman ni ate Liel at parang gusto ko na lang talagang lamunin ng lupa. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari.
Sobrang mali na hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo. She deserve to know what really happened, especially that the safety of her sister was copromised. Pero, paano ko sasabihin sa kanya 'yon? Eh ang safety ko naman, at ni Impaks, at ni Zeya, at Sky, and the other BSO people ang malalagay sa bingit.
"W-We really don't know what exactly happened po. Everything was just too fast." Sagot ni Zeya at napabuntong-hininga si Ate Liel at naipahilamos nya ang dalawang palad nya sa mukha nya.
I looked at Zeya and she shook her head in a subtle way.
"Sige na. You guys must be in shock. Umuwi na muna kayo at gabi na. Baka kung ano pa ang mangyari sa inyo. Ako na ang bahala sa kapatid ko." Sabi ni ate Liel and I was about to open my mouth to confess everything, bahala na kung magreport man sya sa pulis, when Zeya held and gripped my hand so tight.
Ngayon lang ako hinawakan ni Zeya nang ganito. Ang sakit. Ang higpit sobra ng kapit nya sa pala-pusuhan ko.
"Thank you, ate Liel." Sabing muli ni Zeya at napalunok na lang uli ako.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...