Chapter 13 |Russell Monasterio|
|Jennica's POV|
"Wow. Tumutunog na't laha't lahat ang alarm nya, hindi pa rin sya nagigising"
Nakarinig ako bigla ng boses kaya medyo nagsalubong ang kilay ko. Kanino bang boses 'yon? Ang bastos ha, kitang natutulog 'yung tao eh.
Nagbago ako ng posisyon ko ng paghiga. Mas ipinulupot ko sa katawan ko ang kumot ko tapos ay niyakap ko nang mahigpit ang unan kong ginagawa kong dantayan.
"Grabeng tulog mantika" rinig ko nanamang sabi ng boses pero hindi ko pinansin. Nanatili akong nakapikit habang yakap-yakap ang unan ko. Mabuti nalang ay biglang tumigil na sa kasasalita iyong kung sino man ang istorbo.
"HOYY!!"
Napamulat bigla ang dalawang mata ko nang biglang may sumigaw sa kaliwang tenga ko, at sa sobrang gulat ko ay agad na napalayo ko ang katawan ko. Hindi ko naman inaasahan na halos nasa dulo na pala ako ng kama ko kaya naman ay nang lumayo ako ay sya namang paghulog ng katwan ko sa kama ko! Tumama ang kaliwang braso at siko ko sa sahig!
"Aray! Aray! Aray ko po!" Sigaw ko habang nakaplakda sa sahig at habang hawak-hawak ang nasaktan kong siko't braso. Halos mangiyak-ngiyak ako sa sakit!
"Gising na mahal na prinsesa! Tanghali na!" Inis akong tumingala sa impakto na ngayon ay naka-look down sa akin mula sa kama ko. Itinungkod ko ang Kanang kamay ko sa sahig para maka-upo ako at inis pa rin akong tumingin sa Impakto!
Bakit ba nandito ang hayop na'to sa kwarto ko?!
"I swear to God babalatan kita ng buhay Impakto ka!" Sigaw ko sa kanya at saka sya lumayo mula sa kama ko kaya naman ay napatayo na ako. Nasa magkabilaang side kami ng kama ko at kung pwede ko lang pahabain ang mga kamay ko ay kanina ko pa ginawa para lang masuntok ko ang hinayupak na ito!
"Ganon ba dapat manggising ha?!" Singhal ko ulit sa kanya at kinuha ang tsinelas ko at ibinato ito sa kanya. Mas lalo lang akong nanggalaiti nang masalo nya ito gamit lang ang isang kamay!
Aaarrghhh!!! Hoy paisa lang naman! Pambawi ko lang sa pagkahulog ko sa kama!
Bigla naman syang naglakad papunta rito sa side ko at ang sama pa rin ng tingin ko sa kanya. Ibinaba nya ang tsinelas na hinagis ko sa kanya tapos ay nagulat ako nang bigla nyang higitin ang kaliwang kamay ko. Tinwist nya naman ito para tignan ang siko ko. Kumunot naman bigla ang noo ko. Ginagawa ng Impakto na'to?
Napansin ko naman na nakasuot na sya ng uniform. Medyo buhaghag din ang buhok nya na basa pa. Tipong pinadaan nya lang ang twalya sa buhok nya nang mga ilang beses just like what some men do. Ganon din kasi ang gawain ni Vince na minsan kinaiinis ko kasi pag shine-shake nya ang ulo nya ay tumatalsik ang ibang mga tubig na galing pa sa buhok nya! Kadiri!
"Hoy!" Singhal ko naman sa kanya nang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Napatingin naman sya sa akin at medyo napalayo ko ang ulo ko dahil para bang biglang nag-slow motion sa paningin ko ang paggalaw ng ulo nya para tumingin sa'kin. Hindi ko mawari pero agad yata akong kinabahan kasi biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Binitawan naman na nya ang kamay ko at napakahawak ako agad sa pala-pulsuan ko kung saan nya hinawakan. Shet? Naramdaman nya ba 'yon?!
"Kung may ganyan ka nang energy, gamitin mo na yan para mag-ayos na" sabi nya at saka lumayo "bilisan mo na at baka ma-late pa tayo" sabi nyang muli na halos dinaig ang tatay ko kung mag-utos. Napa-irap naman ako sa kanya
"Fine lumayas ka na rito sa kwarto ko" sabi ko sa kanya at agad na naglakad patungo sa kabilang side ng kama ko para kunin ang phone ko. Naga-alarm pa kasi ito. Pagtingin ko naman sa orasan ay nakita kong 5:25 am palang kaya napatingin ako agad sa kanya
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...