Chapter 38 |Her Message|

3K 60 0
                                    

Umalingawngaw ang tunog ng isang sampal sa loob ng dungeon ng HQ. Tumalsik din ang dugo na galing sa bibig ng isang palpak.

"Why are you so stupid?! It's just a simple instruction but then, hindi mo nagawa!!" Sigaw nya habang nag-ngangalit ang bagang nya. Sinapak naman nya ang kawawang nilalang at walang ibang nagawa ang palpak kundi tanggapin ang bawat sakit.

"You're a good for nothing low-life shit!" Nanggagalaiting sabi nyang muli at tinampal nya ito gamit ang isang arnis.

"Ang pinapagawa ko lang sa'yo ay maging joker! Is that a hard task to do?!" Sigaw nya at tinampal muli ang nilalang.

Nanood lang ako. Honestly, wala akong pakialam dito. Nabo-boring na nga ako. Talak lang sya nang talak na parang may patutunguhan naman ang pag-talak nya. Kahit naman tumalak sya nang tumalak all day eh hindi na mababago ang katotohanang pumalya ang tauhan nya. Nabisto pa sila. Tsk! Stupid!

"Sis." ani ng isang boses sa likuran ko at napatigil naman sya.

"Kill him already. Nagugutom na ako." sabi nya at wala pang isang segundo, dumanak na agad ang dugo sa dungeon ng HQ.

Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad palabas hanggang sa may makasalubong ako.

"Michelle!" Bati nya sa'kin nang nakangiti kaya nginitian ko rin sya.

"Anong nangyari sa loob?" Tanong nya at muli akong tumingin sa dungeon saka ko sya hinarap.

"He lost. Nalaman yata ng kabila na nagpapanggap lang sya na kasapi ng BSO. Kaya ayun, palpak. Resulta? Death penalty." I casually said at natawa lang sya.

Nga naman ano? Killing is not a big deal in this world. Nakakasuka. Pag nalamang may namatay dahil sa kapalpakan, tatawanan nalang. I can't wait to get out from this fkng world.

"I see. Bakit kasi sya pa ang pinili?" sabi nya habang iiling-iling at saka tumingin sakin gamit ang mga matang hindi ko mawari kung anong emosyon ang ipinapahayag.

"Pwede namang ikaw." sabi nya at napatigil ako pero hindi ko nalang ipinahalata. Tumawa ako at nagbunyi ako nang lumabas na natural ang tawa ko.

"Hindi ko kasi alam kung bakit hindi ako ang napili. Dapat pala nag-audition ako para ako na ang naging joker." I said at ngumiti sya but her smile didn't reach her eyes.

"Believe me, hindi mo na kailangang mag-audition. Ang galing mo na ngang umarte eh. Tanggap ka na." she said with a smug-smile on her face. Nagsmirk naman ako para ipakita na hindi ako naaapektuhan sa mga sinasabi nya. Halata naman kasing pinapatamaan nya ko.

"Why, thank you. Should I hire you as my apprentice now?" I sarcastically said at tumawa naman sya bigla.

"Why, thank you." Sabi nya na ginaya ako. "But no thanks. I'm no plastic." She said at mas tumawa ako nang bongga.

"Okay. Your choice." Sabi ko na tatawa-tawa at saka ako naglakad at nilampasan sya. I can still feel her stares at the back of my head na para bang binubutas nya ang bungo ko pero hindi ko na sya nilingon pa.

This woman should keep her mouth shut kung may alam man sya o suspetya. Pero bago pa man sya maka-kanta, I'll make sure she's already six feet under the ground.

|Jennica's P.O.V|

"Alam ko namang ako lang ang walang ka-relasyon sa'ting tatlo pero pwede bang huwag nyo naman iyong ipahalata?" Narinig kong sabi ni Russell kaya naman ay napa-angat ako agad sa kanya ng tingin. Nakabusangot sya sa'min ni Zeya habang naka-indian seat. Nakababa ang baunan nito sa mga hita nya at naka-krus ang kutsara't tinidor nito sa baunan nya.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon