|Jennica's POV|
There was a loud roar of audiences as the ball float in midair and just before the buzzer ring, the ball entered the basket.
3 points!
Everybody got up from their seats as everyone shouted—cheering as Sky made a 3-point shot that made them the winner of their first game against King's Cross Academy. Lamang ang school namin ng 12 points! Sobra-sobra naman ang tili ni Alexa na nasa gilid ko at pakiramdam ko ay matatanggal na ang ulo ko sa sobrang pagka-alog nya rito!
"Jowa ko 'yan hoy! Omayghad! Jowa ko 'yan!" Sigaw ni Alexa sa gilid ko na patuloy pa rin ang pag-tili. Natatawa nalang ako sa kanya dahil kanina pa sya sobrang todo-bigay sa pagsigaw at pagtili kada nakaka-shoot ang team ni Sky, lalo na pag si Sky ang nakakapag-shoot ng bola. Hindi ko alam kung ayos pa ba ang lalamunan ng babaeng 'to pag tapos nitong game.
"Bespren ko 'yan! Omayghad! Sky aylabyu!" Tili naman ni Zeya sa kabilang gilid ko na kulang nalang ay ihampas iyong empty water bottle doon sa railing!
Parang gusto ko nalang pumutok na parang bula. Kanina pa ako naaawa sa tenga ko dahil pinapaggitnaan ako ni Zeya at Alexa na tinalo pa ang Cheering squad sa sobrang cheer. Nakikisigaw rin naman ako sa kanila kanina pero tinigilan ko nang maging intense ang laban. Grabe kasi makakapit sa'kin si Alexa, parang pupunitin na ang damit ko!
Nagmamadali kaming bumaba, lalo na si Alexa. Napatawa nalang ako as I watched her run towards Sky tapos ay nagpabuhat ito na sya namang binuhat ni Sky nang walang kaproble-problema. Umikot pa ito habang karga-karga nya si Alexa.
He really loves her so much.
Nang ibaba nya si Alexa ay hinalikan nya ito sa ulo while he's looking at her with pure adoration, happiness, and love.
Sana all ganon ang tingin pag hahalikan ka sa ulo.
Napa-iling nalang ako.
Suddenly, hinila ni Zeya ang kamay ko tapos ay kami naman ang tumakbo papunta kay Sky. Nagulat ako nang salubungin naman kami ni Sky at yakapin kaming dalawa ni Zeya.
Oh God how I miss Sky's hug! But unlike before, I don't know why I just purely miss him—Him as my childhood best-friend.
"You freaking did it captain!" Sabi naman ni Zeya nang magbitaw kaming tatlo. Hinampas pa nya ito sa braso at natawa nalang si Sky.
"I'm so proud of you!" Sabi ko naman sa kanya at lumabas din ang matamis na ngiti ni Sky na hindi ko alam na miss na miss ko na rin.
"Cornelle! Mamaya na muna 'yan. Dito ka muna!" Napatingin kami lahat sa boses nang may tumawag kay Sky. Pag-tingin namin ay ang coach nila na sobrang lapad ang ngiti. Bumati naman kami tapos ay nagpa-alam lang si Sky saka tumakbo palapit sa mga teammates nya.
Since parte si Alexa sa journalism ay tumakbo rin sya palapit sa team para picture-an ang mga ito. Nagpa-alam naman kami ni Zeya na lalabas nalang muna at hihintayin nalang namin sila sa canteen. Um-okay lang naman si Alexa at sinabing tatawag nalang pag hindi nya kami mahanap.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ni Zeya ng gym ng Montemegry University, kung saan ginanap ang laro nila Sky. Habang naglalakad, napatingin ako kay Zeya na ngayon ay medyo naka-ngiti habang naglalakad. Nag-enjoy sya sa game at makikita mo 'yon sa mukha nya.
Parang gusto kong bumuntong-hininga. Fresh pa sa isip ko ang ginawa nyang pag-iyak sa kwarto ko kamakailan lang. Nang araw na 'yon, hindi kami pumasok ni Zeya. Nag-stay lang kami pareho sa bahay. Napilitan tuloy mag-drive nang mga panahong iyon si Impaks para makapasok sila ni Vince.
Zeya and I stayed home that day. Kinwento nya lang lahat sa'kin about the things she saw and heard. Naalala ko pa kung paano sya humagulgol no'ng mga panahon na 'yon. Iyon ang pangalawang beses na makita ko syang ganong nasasaktan at ganon humagulgol. The first time is when their team lost in their very first game in volleyball. Volleyball is everything for Zeya kaya naman grabe nalang ang hagulgol nito nang matalo sila.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...