Chapter 42 |Choose|

2.2K 55 0
                                    

I stared at Alexa as she's sitting down the couch and having a conversation with Zeya. Like usual, nag-uusap lang sila ni Zeya about random stuffs habang nakikinig sa kanila si Sky. Paminsan-minsan ay nagkokomento si Sky sa usapan nila, but most of the time ay nakikinig lang ito. Napaggigitnaan sya ni Zeya at ni Sky, and as I look at her, her words earlier kept on ringing in my ear. Her conversation with her sister, Heather, keeps on replaying on my head like it's a broken casette.

"That would be all." Ang sabi ni Devie at napunta sa kanya ang atensyon ko.

She's currently filling me in with all the reports and happenings from Impaks's negotiation with his people. Hanggang ngayon kasi ay problema pa rin namin ang pag-merge ng Ice Cream at Black Star. Sure, it has many benefits for both parties, and the one who'll gain a lot is Ice Cream, but they would also lose a lot, as they will have to let go of their identity.

Hindi ko talaga naintindihan ang mga sinabi ni Devie. Halos wala na rin akong naalala sa mga sinabi nya sa'kin kanina. Masyado kasi akong nakatutok kay Alexa at paulit-ulit ko lang na inaalala ang narinig kong usapan nila kanina ng ate nya.

"Thank you." Ang sabi ko na lang kay Devie tapos ay tumango sya saka tumalikod at naglakad papunta roon sa single sofa at naupo, then did her business, whatever it is.

Bumalik ang atensyon ko kila Zeya, Alexa, at Sky nang marinig ko silang magtawanan.

They look so happy. Na para bang wala silang iniisip sa mundo.

Ano ba talaga ang totoo?

Napisil ko agad ang nosebridge ko as I heaved a sigh.

I need to think this through. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos sa gagawin ko at sa iisipin ko. I need to think clearly.

I cleared my throat at saka lumunok.

"Will everybody leave the room for a moment? I just need some alone time." Sabi ko nang makuha ko ang atensyon nilang lahat.

Walang sabi-sabing tumayo naman si Devie at saka lumabas agad ng opisina ko. Napatingin naman ako sa tatlo nang hindi sila kumibo at umimik. Nakatingin lang si Zeya, Sky, at Alexa sa'kin.

"Why would you need an alone time?" Zeya asked and I shrugged.

"Just...I need to sort out my head." Sabi ko sa kanila at tumango nang isang beses si Alexa saka tumayo.

"Owki boss, sa playroom lang kami." Sabi ni Alexa saka nya hinila si Sky patayo. Sumunod namang tumayo si Zeya nang may pag-aalinlangan.

"Pag nagugutom ka na, punta ka na lang sa Playroom, or tawag ka." Bilin naman ni Sky at tumango lang ako sa kanila.

Alexa and Sky left the room. Nanatili si Zeya na nakatayo habang nakatingin lang sa'kin.

I sighed again.

Wala talagang nakakatas sa intuition ng babaeng 'to. I have to assure her I'm okay.

"Zeya, okay lang ako. Kailangan ko lang talaga ng tahimik na lugar para makapag-isip ako nang maayos." Sabi ko sa kanya and he sighed and nodded in defeat.

"Fine. But, I'll drag your ass down pag past 12 na at hindi ka pa bumababa." Sabi nito and that actually made me chuckle.

"Roger. And lock the door please. No one's allowed to come in for the meantime." Sabi ko sa kanya.

"Arte nito." Komento nya at saka sya tumalikod at naglakad na palabas. Napatawa at nailing na lang ako sa kanya.

When I heard the door closed, agad akong napasandal sa swivel chair ko at pumikit.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon