Chapter 17 |Gunshot Wound|
|Jennica's POV|
I looked at the clock and it says that it's already 9pm. It's already late pero wala pa ring Impaktong dumarating dito sa bahay. Si Vince naman ay nagtext kanina na mago-overnight daw sya sa bahay nila Sky kaya hindi raw sya makaka-uwi. Hindi sana ako papayag pero sabi nya ay uuwi rin daw sya bukas ng madaling araw para maligo at magbihis. Napapadalas na ang pagpunta ni Vince sa bahay nila Sky dahil kay Air. Hindi naman ito bago pero pakiramdam ko ay kada linggo, nags-stay sila kila Sky.
I sighed.
Bigla namang pumasok si mamang sa sala kaya napatingin ako sa kanya
"Hindi ka pa ba nagugutom anak?" Tanong nya sa'kin at napatayo ako nang maayos at naglakad palapit kay mamang.
"Hindi po ba nagpa-alam sa inyo kung saan nagpunta si Cedrick mamang?" Tanong ko nang makalapit ako kay mamang at napasulyap nanaman ako sa orasan
9:04 PM
Umiling naman si mamang sa'kin kaya napakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ako mapakali ngayon. Para akong kinakabahan na hindi ko mawari. Kanina ko pa sinusubukang tawagan ang number ni Impaks pero cannot be reached. Nakapatay ata. Hindi ko alam bakit ako balisa rito ngayon. Alam ko namang magka-away kami pero saan naman sya nagpunta??
Napabuntong-hininga ako nang pumasok nanaman sa isip ko si Russell.
Napakawalanghiya ng Russell na 'yon! Sobrang kinabahan talaga ako sa kanya kanina! 'Yon pala ay prank lang! Nakakainis! Akala ko kung saan ako dadalhin, iyon pala ay ihahatid ako pauwi! Nakakabad trip talaga! Halos sirain ko na ang camera nya kanina! Tapos ang lakas ng loob na sabihing ihahatid ako pauwi eh hindi nga nya alam kung saan ang bahay ko! Humingi naman sya ng tawad at nagpahatid nalang ako sa labas ng subdivision namin. Halos gusto ko na talaga syang batukan kanina! Pagtapos naming magtalo ni Impaks kaninang umaga dahil sa kanya, ipa-prank nya pa ko! Tsk!
"Kumain ka na Jen. Uuwi rin naman iyong si Cedrick" sabi ni mamang tapos ay nakita kong naghain na sya.
Naglakad nalang ako papunta sa dining area. Ipinatong ni mamang ang adobong niluto ko sa mesa tapos ay bumalik sa kusina para siguro kumuha ng mga plato, kutsara't tinidor. Napatingin ako sa ulam namin ngayon. Amoy palang ng adobo ay masarap na. Titignan mo palang ang karne ay maglalaway ka na. Nagluto talaga ako ngayon para sana pang peace offering sa Impakto pero wala naman sya ngayon! Tsk! Sayang lang ang effort ko kainis!
Napagnilay-nilayan ko kasi kanina na may mali rin naman ako. Napagnilayan ko rin naman na maraming beses na syang hindi nagpaka-impakto sa'kin at gusto ko sanang mag-sorry sa kanya dahil hindi maalis-alis sa isip ko ang itsura nya kanina. Potek naman kasi! Mukha talagang nasaktan sya kanina nang malaman nyang ang alam ni Russell ay boyfriend ko sya. In which hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong masama ron! Like, hello?! Maniniwala ba sya kung sasabihin kong fiancé ko sya, ha?! Like, we're just freaking teenagers! I'm sixteen and he's seventeen! Sinong maniniwala ron?! Pero ayon nga, dahil ako ang may malawak na pang-unawa, ako nalang ang hihingi sana ng tawad. Eh kaso nadagdagan nanaman ang kasalanan nya sa'kin dahil hanggang ngayon, wala pa rin sya.
Bahala na talaga sya sa buhay nya! I'm done!
And again, sya nanaman iniisip ko!
Napa-hinga ako nang malalim.
Si Sky pa rin diba? Si Sky pa rin.
Kumain nalang kaming dalawa ni mamang. Sabi naman ni mamang ay masarap ang luto ko at tuwang-tuwa sya dahil paborito raw nya ang mga luto ko. Ngumiti naman ako kay mamang at nagkwentuhan nalang kami habang kumakain. Halos hindi ko ma-enjoy ang pagkain ko ngayon sa kadahilanang bad trip talaga ako kay Impaks, but I'm trying to get him off my head kaya nakipag-kwentuhan nalang ako kay mamang.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceOn going reconstruction. Author at work. Sorry for the Inconvenience. All my life, I thought everything is perfect. I thought my family is perfect. I thought my friends are perfect. Well, I know there's nothing perfect in this world, but then, every...