Chapter 44 |The Cornelle's|

3.6K 42 4
                                    

|Sky's P.O.V|

Isang malakas na hampas sa ulo ang nakapagpabalik sa'kin sa ulirat at naging dahilan ng agaran kong pagtapak sa break pedal. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan si Zeyanna dahil sa biglaan nyang pagtampal sa'kin. Sya naman ay inis na nakatingin sa'kin sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Hoy Langit ano ba?! May balak ka bang pumunta na sa impyerno?! Aba huwag ka namang mandamay! Mahal ko pa ang buhay ko!" Agad na singhal nito sa'kin at napa-scoff na lang ako. I pulled the safety break first before I look at her again.

"Ano bang sinasabi mo?! Ikaw nga 'tong bigla-bigla na lang nananakit!" Singhal ko sa kanya pabalik at inirapan nya naman ako.

The usual Zeya 'pag naiirita.

"Tumabi ka nga dyan! Ako na ang magda-drive!" Inis pa ring sabi nito at tatanggalin na sana ang suot na seat belt nang pitikin ko ang noo nya kaya ay napabalikwas sya at napasigaw sa sakit. Galit na naman nya akong tinignan.

"Pumirmi ka nga! Ano bang problema mo?" Sabi ko at inihilamos nya ang palad sa mukha nya.

"Dude, wala ka sa focus! Naka-reverse ka nga oh! Kung hindi kita binatukan edi naibangga mo na 'tong sasakyan ko!" Gigil pa rin na sabi nito na gigil ding tinuro ang kambyo kaya naman ay napatingin ako rito.

Napatitig ako sa kambyo at napakurap.

Tama nga si Zeya. Nasa reverse nga ang gear ng sasakyan at hindi ko alam bakit naka-reverse. Napatingin naman ako sa rearview mirror at nakita kong napakalapit na ng sasakyan sa posteng nasa likod.

Agad akong napasandal, napahugot ng hininga, at napapikit nang mariin.

I am not usually like this. Bakit ba hinayaan ko ang sarili ko na maging distracted nang ganito? Nilagay ko pa sa bingit ang safety ni Zeya, at ng sasakyan. Kung natuloy na naibangga ko 'to, makakatikim ako ng sermon kay mommy at kay tita Joanna. Tapos panigurado ay ilang buwan akong pepestehin ni Zeya.

I heard Zeya sigh.

"Dude seryoso, ako na lang ang magda-drive. Ako na lang ang maghahatid sa'yo. You seem distracted too much." Sabi ni Zeya at narinig ko ang pag-unbuckle ng seatbelt nya.

Napamulat naman ako at napatingin sa kanya. Nanatili lang naman syang naka-upo habang hinihintay nya akong kumilos.

"I'm sorry. I really have to snap out of it." I apologetically said and Zeya just chuckled.

"Okay lang, ano ka ba. Matatapos din ito lahat." She reassured.

I unbuckled my own seatbelt and got out of the car. Umikot ako para makapunta sa passenger's seat, habang si Zeya naman ay humakbang lang papunta sa Driver's seat. I settled myself in the passenger's seat while Zeya is re-adjusting her seat and the mirror to drive.

We are already on our way home. I don't have my car dahil ang ginamit kong sasakyan papunta rito ay sasakyan ni Alexa, sabay kasi kaming pumunta rito. But Alexa has to stay in the HQ together with ate Heather. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang sasakyan ng girlfriend ko dahil wala naman silang gagamitin mamaya ni ate Heather pauwi. Hindi ko rin naman sila mahintay dahil pinapauwi na ako ni Air. She said dad is looking for me and I still don't know the reason for the sudden summon.

The plan was for me to drive home, then Zeya would take over pag naka-uwi na ako and she would drive herself home. Pero wala ako sa ulirat magdrive ngayon at hindi ako makapaniwala sa sarili ko. I should have just taken Jen's car, but the fact that it's hers would get me into an accident.

Wala namang nagsasalita sa'ming dalawa ni Zeya, which is new. Dapat ngayon ay kinukulit na ako ng babaeng ito sa kung ano man ang nangyari at biglang hindi kami nagkibuan ni Jen. Hindi ko rin sigurado kung alam na ba nya kaya hindi sya nagtatanong, or hindi nya pa alam pero hindi sya nagtatanong. Hindi ko rin alam kung better ba itong hindi nagtatanong si Zeya.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon