Extraordinary

8.4K 147 7
                                    


Extraordinary

Seymour's POV

"Sir, ito na po ang lahat ng information na kailangan niyo tungkol kay Marionette Cosias." sabi ng private investigator na inupahan ko. "Meron pa po ba kayong kailangan?"

"Wala na, you may go now. The money will be deposited at your bank account."

Umalis na yung P.I. tinignan ko yung laman ng envelop na binigay niya sa akin. Psh, mas nauna ko pang makita kanina si Marionette bago pa dumating yung P.I na yun eh. ang bagal!

Natawa ako bigla doon sa tatlong picture na nasa loob ng envelop na inilabas ko. Sino ba kasing hindi matatawa, yung isang picture niya nakaduster tapos nakaturo dun sa bata, may inuutos ata, nakanganga kasi eh. the next one is naka pedal pusher na short at nakatank top may kasamg babae, yung pangatlong picture naman ay nasa labas ng bahay na gulo gulo pa ang buhok na halatang bagong gising lang, pero kahit ganoon, maganda pa rin siya. Binasa ko yung information, taga squatter pala siya. Ahh!! now I get it, kung bakit ganoon ugali niya. Humanda ka Marionette Cosias, sa totoo lang ang pangit ng pangalan mo.

Ynette's POV

Pinakilala sa akin ni Shyne(ayaw niyang patawag ng ma'am eh) lahat ng mga kasambahay. Lima lang naman sila eh plus me eh di six! oha ang galing kong magplus. Hahaha sabog na naman utak ko.

Si Norma, ang mayordoma na laging nagtataray sa akin.

Si Tinay, na mukhang mataray at talagang mataray.

Si Lita, na maldita.

Si Keith na mabait.

Si Roy ang boy.

At ako na magandang katulong. Wag na kayong magreklamo, kailangan nating tanggapin ang katotohanan.

"Hoy sabi ni Sir Seymour, dalhan mo daw siya ng kape." Sabi ni Lita sabay irap.

"Anong iniirap irap mo diyan? baka gusto mong pektusan kita diyan sa pantog, sabihin mo lang at gagawin ko yun. " sabay irap din at walkout, nagtimpla na ako ng kape.

Grabe yung Seymour na yun ah. kanina pa ako pinahihirapan. kanina pa utos ng utos. Tsk! dumiretso na ako sa library, daladala yung kape.

Malakas akong kumatok.

"Come in!" Sabi niya.

Seymour's POV

"Come in!" sigaw ko, pumasok siya sa loob dala yung kape na pinagawa ko. Natatawa ako sa itsura niya, nakabusangot kasi akala mo ibinagsak ng langit. Kanina ko pa kasi siya inuutusan kasi gusto ko siyang pahirapan. Wala lang, gusto ko lang talaga siyang asarin, gusto ko lang pagtripan.

Padabog niyang inilapag yung baso ng kape sa desk ko. "May iuutos ka pa?" paangil niyang tanong.

"Meron,dalhan mo ako ng cake." nakasimangot siyang naglakad. tapos nagbubulong bulong pa. nung malapit na siya sa pintuan bigla ko siyang tinawag, nakasimangot siyang humarap. "Palitan mo itong kape, malamig na."

What the fuck! alam niyo kung ano sinagot niya? she just raised her middle finger and mouthed fuck you at umalis.

Woman! kakaiba ka talaga Marionette, parang yung pangalan mo. I smirked at my thoughts.

His And Her Circumstances (To Be Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon