The Handsome Guy Again

16.4K 239 17
                                    

The Handsome Guy Again

Ynette's POV

"Hays!" ako iyan.

Maggagala kami, manlilibre ang lukaret kong kaibigan na si Merly. Nasa mall kami ngayon.

"Merly Bog! Wala talaga akong mahanap na trabaho. Kainis!" naiiritang wika ko sa kanya na sinabayan ng gulo ng buhok.

"Huwag mo ngang banggitin apelyido ko. Kainis ah."

"Maganda kaya, Merly name mo tapos Bog apelyido mo. Kaya Merly Bog." Parang malibog.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Trabaho? Sama ka na lang sa racket ko."

"Racket mo? Hindi ko alam na may iba ka pang trabaho."

Pumasok kami sa isang fast food chain. Sa Jolibee para bida ang saya.

"Kabobohan kasi, basta bukas—" bigla siyang napahinto sa pagsasalita at parang natulala.

"Huy!" kinalbit ko siya. Tinignan ko yung tinititigan niya.

Kaya naman pala, sa isang mesa ay nandoon ang talimpadas na boyfriend niya na si Bryan.

At hindi ito nagiisa. Kasama nito ang kaibigan namin na si Fritz the bitch na parang tuko kung kumapit sa braso ng binata. At hinahalik halikan ang mga labi ni Bryan, na akala mo wala ng bukas.

Sa sobrang ka-sweetan ng dalawa ay kulang na lang ay lagyan sila ng karatulang nagsasabing ANTS PRONE AREA.

"Hay, naku! So, the rumors are true, after all..." nailing na sabi ko.

"Sa..bi niya magkaibigan lang daw sila." Sabi ni Merly na parang naiiyak.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Nakikipagyakapan ka rin ba sa mga friends mong lalaki? At nakikipaghalikan ba ng ganyan. My god, Merly. Look. That was torrid kissing." Sabay turo doon sa dalawa. "I can't take this anymore. Tutol na ako ng sagutin mo ang lalaking iyon eh. "

"Anong...gagawin mo?" nanlalaki ang mga mata niya sa kaba. "Kilala kita."

"Ipapamukha ko lang naman sa lalaking iyon ang panloloko niya sa iyo. Tsaka huwag ka ngang martir matagal ng pinatay ang mga martir sa Luneta. Pero ikaw, hindi kita papagawan ng monument sa ginagawa mong katangahan dahil wala akong pera." Naiinis na ratatat ko.

"Ynette, pwede bang kalimutan na lang muna natin silang dalawa. Kumain na lang tayo sa iba." Pagmamakaawa niya.

"It's not okay, Merly. Kailangan na nating tanggalan ng kaligayahan ay este kailangan ng maputol ang kalokohan ni Bryan. Dinaig mo pa si Maria Clara eh."

Hinila ko na siya. "Wait, pengeng pera, umorder muna pala tayo." Binigyan niya ako ng pera at umorder ako ng isang spaghetti at pineapple juice. Nang maibigay ang order ko ay nagbayad ako sa cashier.

Binuhat ko ang tray ng order at lumapit sa mesa nila Bryan.

"Hi, Bryan!" kaswal na bati ko. "Pwede bang maki-upo sa tabi girlfriend mo?"

Nagulat si Bryan ngunit saglit lang at nahalinhan ng inis ang kaninang masayang expression niya.

"Sure, go ahead." Sagot niya sakin.

"Excuse me, ha?" sabi ko kay Fritz ng matigilan ng makita kami.

Pero bago pa ako makapwesto ay sinadya kong itagilid ang tray at natapon sa dibdib ni Fritz. Napatili siya. Si Merly naman ay napasinghap. Lahat ng tao sa fast food chain ay nagulat. Lahat ng atensyon ay nasa amin na.

Pagkatapos ay binuhos ko ang juice sa ulo ni Bryan.

"Iyan ang bagay sa inyo sa panloloko niyo sa best friend ko." Buong tapang kong sabi sa kanila.

"Shit! Wala kang pakialam. Kung hindi ka lang babae nasuntok na kita!" nanggigil na wika ni Bryan.

"Shit ka, ipanagpalit mo ang best friend ko sa gremlin pa! You're nothing, Bryan. Isa ka lang lalaki na walang maipagmamayabang kundi ang bayag mo! At hindi ako makakapayag na ikaw ang magpapaiyak sa kaibigan ko dahil ako lamang ang pwede!" singhal ko sa kanya. Kitang kita ko na nagtalsikan yung laway ko sa pagmumukha niya. "At ikaw.." hinarap ko si Fritz at dinuro. ".. huwag kang magsasalita. Lalo kang papanget."

At lumabas na ako ng fast food chain na hila sa Merly.

Imbyerna! Ang init ng ulo ko ngayon katulad ng kahapon. Nakakabwisit talaga yung mga taong ganyan, ang lakas mangtwotime akala mo naman ang gwapo eh pinaglihi lang naman sa unggoy!

"Ouch!" daing ko ng may mabunggo ako at napa-upo ako sa sahig.

"Tsk! Mga tao ngayon. Tatanga tanga." Naiiritang wika nung nakabunggo ko.

Familiar yung boses niya. Tinignan ko kung sino iyon.

"Ikaw!" siya yan

Siya yung lalaking napagkamalang magnanakaw ang beauty ko. Ang gwapo niya sa suot niya.

Nakakalaway!

"Oh natameme ka na diyan? Alam kong gwapo ako." He said a matter of factly. "May itatanong ako. Sinusundan mo ba ako?"

"Puta ang kapal ng mukha mo!" tumayo ako at lumapit sa akin si Merly. "Tara na nga. Huwag ka ng manlibre. Nawalan ako ng gana. Nakakita kasi ako ng unggoy!"

Habang naglalakad kami palabas ng mall ay nakatingin pa rin si Merly doon sa lalaki.

"Impernes ang gwapo niya." Kinikilig na saad niya.

"Batukan kita diyan, parang hindi ka naiiyak kanina ah."

"Psh!"

"Bukas yung racket mo sasama ako."

"Oo na."

Tapos sumakay na kami ng jeep pauwi. Sayang ang libre.! =_=

His And Her Circumstances (To Be Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon