DodongYnette's POV
"Nasabi na ba sayo ni Shem?" Tanong ni Seymour sakin. Kakagaling lang namin sa modista upang pagawan ako ng wedding gown para sa kasal namin. Andito na kami ngayon sa crossing, naglilibot at pinabibili niya ako ng damit ko.
"Ang alin?"
"Na lilipat siya."
Tumango ako. Bawal kasi sa school nila na nakatira sa iisang bahay ang estudyanteng lalaki at babae kahit wala namang malicious intent chorva. Ang arte naman ng school, as if naman mabubuntis kapatid ko. Saming dalawa yun ang mas matalino. Hanggang sa pagaaral at bola lang umiikot ang buhay nun, tho not that kind of ball na gusto ko. Hahaha.
"Thankyou." Sabi ko kay Seymour, tutulungan niya kasi ang kapatid ko.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "What was that for?"
"Kasi tutulungan mo ang kapatid ko."
Umiling siya. "Because we're going to marry and you're pregnant with my child."
Tumango tango ako, but still I owe him everything. "Ilang taon ka na nga?"
"Thirty four."
Nanlaki mata ko. Shet? Thirty four?! Seriously?! Nineteen pa lang ako no!
"Ang tanda mo na pala..." Wala sa loob na sabi ko.
"What did you say??"
"Ah!" Nakakita ako ng damit yung sale. Nilapitan ko iyon. Dibale ng kuripot kaysa sa magastos. Tsaka parang sa pagibig lang yan, dibaleng kuripot sa pagibig wag lang masyadong mapagbigay. Diba?
"I think, the ones over there are better." Bulong niya sakin sabay turo doon sa isang boutique.
"Mahal doon, gusto ko ng mura."
"Do you want me to curse you?" Tanong niya.
-_- geh, subukan mo lang. "It's none of your business kung ano yung gusto kong bilhin."
"It is my business. I am your soon-to-be husband."
"Katulad ng sinabi mo, soon-to-be pa lang." Inangt ko yung nakita kong magandang damit. Gusto ko nito.
"Okay, bibilhin ko yan."
Ha?! "W-Wag na! Tara na nga." Binitawan ko yung damit at hinila na siya.
"Akala ko ba bibili tayo ng damit mo?"
"Nagbago na isip ko." Ewan, hindi ko alam kung bakit. Basta ang gwapo niya kasi, yung matres ko nangangamib, baka mamaya dambahan ko siya at paghahalikan. Mauubos nan alindog ko.
"Gusto mo bang kumain tayo?"
Tumango ako at tinuro yung MCDO, ito lang alam ko na mura eh. Pumunta na kami doon at pumila.
"Gusto ko ng chicken sandwich at mcfloat." Sabi ko kay Seymour. "Sayo?"
"Kung ano sayo, yun na lang akin."
Mukhang first time niya pa lang kumain dito. Puro kasi mamahaling resto kinakainan, ganun siguro kapag mayaman talaga.
"Pa-order ng cheeseburger, large fries at cokefloat." Sabi nung malaking customer sa unahan namin. Mukha siyang pamilyar. I mean, yung likod.
Nag-punch yung cashier. "Dito niyo po ba kakainin, sir?"
"Hindi ba pwedeng sa table? Nakakahiya dito madami pang nakapila." Pambabara niya.
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomanceShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...