How Cute Is My Wife?Seymour's POV
"Gusto kong bumili..." Ungot ni Ynette. Sinuklayan ko ang buhok ko at tinignan ang repleksyon niya sa salamin. Nasa gitna siya ng kama at nakadapa, may suot siyang mahabang night gown.
Fuck, I got hard down there.
Umiwas ako ng tingin, nahagilap ng mga mata ko yung orasan.
"Nine pm na."
"Bukas sgjlohdagbn gftipkyreq yoppl weuilbdawtop..."
"Ha?" Frowning, I turned around to face her. Wala akong naintindihan sa sinabi niya.
Tumihaya siya kaya medyo nalilis ang suot niyang night gown, kita ko tuloy yung legs niyang makinis.
Fuck. I'm doomed.
"Ang sabi ko bukas pa ang mercury drugs, at gusto kong bumili ng makakain."
"Hindi ba dapat natutulog ka na?"
Bigla siyang umupo sa kama kaya bumaba yung isang strap ng night gown niya, exposing the flesh on her left breast.
Fuck. Fuck. Fuck. I'm so fucking doomed.
Ynette rolled her eyes. "Duh? I'm pregnant."
I tsked. Tinuro ko siya. "Mag..." I gulped then, "Magbihis ka."
"Yes!" She screamed while standing up on the top of the bed. Tapos tumakbo siya, mabilis akong lumapit sa kama kaya nung tumalon siya ay nasalo ko siya saking mga bisig. Ynette giggled, "Thank you, Seymour." Hinalikan niya ako sa pisngi, pagkatapos ay tinulak ako ng bahagya at pumasok sa walk-in closet.
"Don't ever do that, again."
"Ang alin?" Sigaw niya mula sa loob.
"Yung pagtalon, but the kiss...you can do it anytime."
•••••
Nakatambay kami ngayon sa labas ng mercury drugs, nakaupo sa isang pavement. I never thought I would do this.
Seymour Montecillo, the man of the world—leaping forward into the world of economic—is sitting on the pavement. How was that? Gusto ko tuloy matawa, tanging si Ynette makakapagpagawa sakin nito.
Tumingin ako sa kanya, nakasuot siya ng blue t-shirt na napapatungan ng jacket na kulay pink at blue pants tapos nakablue na doll shoes. Hell, she's cute as fuck.
Binuksan niya ang plastic ng milk twists at sinimulang kainin.
"Puro chocolate ang binili mo?" Tinignan ko yung laman ng paper bag ng mercury drugs at tumambad sakin ang sandamakmak na chocolates. Cadburry, Kitkat, Twixx, Snickers, Hersheys and many more.
Ganito ba talaga ang mga buntis? I better need to ask my mom about this.
"Oo." Inabot niya sakin yung twists. "Gusto mo?"
Umiling ako. "Not a fan of sweets."
"Kaya pala di ka sweet." She mumbled at inilayo yung twists.
Okay? What the hell? Kailangan ko na talagang makausap si Mom.
"Alis tayo." Aniya pagkatapos kainin yung twists tapos itinapon na lang sa kung saan yung plastic. "Sorry, mother nature." Hinging paumanhin pa niya.
Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako sa ginawa niya o ano.
"Saan tayo?"
Tumayo siya at pinagpagan ang pwetan. "Sa Aplaya."
"Ha? Where to?"
She rolled her eyes. "Sa aplaya nga."
Nakakunot noong tumayo ako at pinagpagan din ang dumi sa pwetan. "Saan 'yon?"
"Basta." Hinawakan niya ang braso ko at hinila doon sa mga tricycle na nakaparada. Pumasok siya sa loob at sumunod ako.
"Saan kayo?" Tanong nung driver at pinaandar yung tricycle.
"Crossing, manong." Sagot ni Ynette.
"Anong gagawin natin dun?"
Sumandal siya sa balikat ko na ikinadahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. "Wala lang. Masarap magpahangin doon ngayong gabi."
Saglit lang byahe namin at nakarating na rin kami sa crossing. Si Ynette ulit nangunguna sa paglakad dahil siya naman ang may alam kung saan iyon, but of course I'm holding her hand baka kasi kung mapaano siya. Sumakay ulit kami ng tricycle, ang kaso puno na kaya ang ginawa ay doon kami sa taas ng bubong. Nagreklamo naman ako kasi baka kung mapaano yung baby at ang alam ko ay illegal iyon. Pero sabi ni Ynette ay no choice daw kami at wala na kaming masasakyan. Kaya inalalayan ko na lang siya.
"First time mong makaupo sa taas ng bubong ng tricycle?" Tanong niya na nakakapit ang isang kamay sakin at ang isa naman ay sa bubong. Nakahawak naman ang isang kamay ko sa bewang niya at ang isa ay sa paper bag. Hindi naman siguro ako mahuhulog, right?
"Yeah. And this is my first time riding a tricycle."
Humalakhak siya. "Typical rich guy."
Ngumiti ako at pinagmasdan yung nadadaanan naming establishments. "Yeah." Sang-ayon ko.
"So marami ka palang matututunan sakin."
I grinned back at her. "Like what?"
"Hmm." Nagisip siya. "Tulad nito, first time mo. Ano pa ba? Pagiisipan ko muna. Nagka-amnesia ako eh."
Napabulalas ako ng tawa. Damn. This woman, never fail to amuse me.
"Kuya, baywalk po kami." Sabi niya doon sa tricycle driver.
"Baywalk? So Aplaya is a bay?"
Tumango siya. "Oh! Ito pala first time mong pupunta sa aplaya."
I chuckled. "First time ko ding tumawa ng marami."
Umismid siya. "Ha! Don't me." Aniya na natatawa pa.
First time ko ding mainlove. At mangbuntis ng babaeng mahal ko. Gusto kong sabihin iyon pero minabuting ngumiti na lang.
Nakarating na kami sa aplaya. Magkahawak kamay pa kaming naglakad doon sa gravel road patungo sa baywalk.
"Sobrang lakas pala ng hangin dito?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya kasabay ng pagzipper ng jacket niya. "Masarap din ang simoy ng hangin."
Nakita ko na yung parang lake o dagat pero semento yung inaapakan namin hindi buhangin. Kakaiba. Medyo marami-raming tao dito kahit gabi na, puro couples nga lang. Ynette sat on a pavement and I followed her.
Gusto ko na talagang matawa. The great Seymour Montecillo is sitting on a pavement with his wife. Tho, I like the wife part. I like thinking about it and I like hearing it too.
Kinuha niya sakin yung paperbag at binuklat. Kinuha niya yung Kitkat. "Ay wala tayong inumin?"
"Teka, bibili ako." Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ang braso ko.
"Hindi, wait." Tumingin siya sa paligid tas tinawag yung batang nakatambay doon. Lumapit yun samin. "Bilhan mo kami ng tubig." Walang sabi-sabing dumukot siya sa bulsa ng pantalon ko, tapos ay inabutan ng one hundred yung bata. "Dalawa ha, sayo na ang sukli." Ngumisi yung bata saka tumakbo.
What the hell?
"Okay lang yun dun basta may bigay." Aniya at nung tinignan ko ay kumakain na ng kitkat.
Baliw talaga 'tong si Marionette Cosias Montecillo. Oh well, how cute is my wife? Cute as a fuck.
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomanceShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...