A/N: This chapter has a lot of angst at sa mga susunod na chapter pa. Hindi na siya tulad ng dati na super kwela. Na puro kabalastugan si Ynette.😂 At malapit na rin siyang matapos, hindi ko lang alam kung ilang chapters pa. Enjoy reading po.😘~•~
For The Sake Of My Daughter
Ynette's POV
Nang magising ako ay umaga na, lumalandas na ang sinag ng araw sa bintana. Naramdaman ko agad ang pananakit ng katawan ko lalo na sa ibabang bahagi.
Nanlaki bigla ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. I looked around nervously and found myself that I was the only one on the bed. I felt relieved for a moment.
Then I groaned and started hitting my head. Shit! Pakshit! Hindi ako makapaniwalang andito si Seymour. Hindi ako makapaniwalang makikita niya ako—kami ni Yana.
Pero hindi niya alam na anak niya iyon, iyon lang ang pinagpapasalamat ko. Dahil kung sakaling nalaman niya ay kukunin niya si Yana sa'kin. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayaning mahiwalay sa anak ko. She's my treasure. The only treasure that I have of him.
Napahagulgol na ako sa kaisipang makukuha si Morgiana sa'kin. Ang akala kong naging mas matapang pa pala ako ay ilusyon lang pala. Naguho ito dahil kay Seymour.
Pinunasan ko ang mga luhang nakatakas sa mga mata ko. Tumayo ako, tinakpan ang sarili gamit ang bedsheet at nagtungo sa banyo. Nakita ko agad ang sarili ko sa salamin. Tousled hair, with only a white bed sheet around me, while my exposed shoulder and collarbone were covered with his marks. My face was slightly pale, swollen red lips that had clearly been kissed and bloodshot eyes.
I started doing my business there. Mabilis lang at puno ng pagmamadali dahil ayokong makita pa si Seymour. Gusto ko ng tumakas, parang katulad lang noong unang may mangyari sa amin.
Pagkatapos ay lumabas ako at hinanap ang mga damit ko pero tangina! Minalas ata ako ngayon at sinumpa ng sampung dwende dahil nawawala ang mga damit ko.
Ano ngayon ang susuotin ko?! Alangang umuwi akong bed sheet lang ang nakatakip sa buong katawan ko?! Nakakainis naman! Malas talaga sa buhay ko si Seymour!
Naputol ang daloy ng iniisip ko dahil sa pagpihit ng seradura. Nagpa-linga linga ako, naghahanap ng matataguan. Nang makita ang ilalim ng kamay ay agad akong nagtago doon. Maya maya pa'y nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at pagsarang muli niyon. Tapos 'yung mga yabag niya.
My nose picked up a masculine scent aside from the dust that's tickling my nose. Alam ko na tuloy agad kung sino ang pumasok sa loob ng kwarto. Tapos nakita ko ang leather shoes niya naglakad palagpas sa kama. Napabuga ako ng hangin dahil doon.
Pero saglit lang ang naramdaman kong relief dahil bigla niyang hinila 'yung bed sheet na nakatakip sa'kin!
Nagtitili ako. Paano ba naman nakahubad na ako sa ilalim ng kama! Natanggal niya 'yung kumot. Bumungad sa'kin ang seryoso at gwapo niyang mukha.
"Get out of there." Kalmadong sabi niya.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero sumunod din naman. Niyakap ko ang sarili ko pagkalabas ko. Nakatayo siya sa harapan ko, nakapameywang pa at seryosong nakatunghay sa'kin. Fuck! I have never felt this so small and humiliated.
But damn! Why is he so handsome in the morning?! Why is he so handsome even if two years have passed?
"Magbihis ka na." Tinuro niya ang paper bag na nasa ibabaw ng kama. "Uuwi na tayo ng Pilipinas."
Natigagal ako sa narinig ko. "H—Ha?"
"Uuwi tayo ng Pilipinas." Ulit niya.
"Ano?!" Pasigaw na tanong ko. "Hindi pwede 'yan! Paano na lang si Y—Yana?!"
His expressionless face scowled. The muscle in his jaw flexed and his lips pressed in a tight line.
"I don't care about that kid! Kay Nathaniel naman 'yon! Pero iuuwi kita sa Pilipinas!" Singhal niya.
"Are you out of your mind?!" I shouted back at him. "That's my fucking daughter you are talking about! Hindi ko siya kayang iwan dito sa Japan."
"Fuck!" Tumalikod siya at napasabunot sa buhok niya. Pagkatapos ay humarap na muli sa'kin. "Putangina, Ynette! Hindi mo kayang iwan ang anak ni Nathaniel pero nakaya mong iwan ako?!"
Umiwas ako ng tingin atsaka napalunok. Bumulong ako pero alam kong rinig na rinig niya. "Magkapatid tayo, Seymour."
"Wala akong pakialam!" Dinakma niya ang balikat ko at inangat ako. Napatingin ako sa kaniya, kitang kita ko tuloy ang pamumula ng mga mata niya, ang tinitimping galit doon. Kahit ganun ang gwapo niya pa rin. Bakit?
"Wala akong pakialam! Shit! I don't fucking care! All I care is you! Ako! Tayong dalawa, Ynette! Wala akong pake kung magkapatid tayo!"
"Seymour, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Don't be so selfish!"
"Selfish?!" Tumawa siya ng nakakaloko. "Anong masama sa pagiging makasarili?! Anong masama sa pagiging makasarili para sa taong ma—" hindi niya tinuloy ang sasabihin niya, binitawan niya ako. He scrubbed his face angrily.
"Uuwi tayong Pilipinas, whether you like it or not. Kahit pa kaladkadin kita patungo sa private jet ay gagawin ko para lang malayo ka kay Nathaniel." Tumalikod na siya, "Pero kapag hindi ka pumayag pwede ko naman tanggalin ang pagiging vice president ni Nathaniel sa kompanya at iba-bankrupt ko siya."
Maglalakad na sana siya palayo pero pinigilan agad ko siya. Hinawakan ko ang mga binti niya, niyakap ko. Nakaluhod ako sa likuran niya at hindi ko na napigilan ang paghikbi ko.
"N—No! Seymour, no please." Pagmamakaawa ko sa kaniya. "H—Hindi ko kayang...iwan si Yana." Humagulgol na ako. "H—Hindi ko...kayang mawalay—sa kaniya."
"Ynette, mahal mo ba ang tatay ni Yana?" He asked in a cold voice.
"Oo, Seymour! Mahal na mahal ko ang tatay niya!"
He let out a hysterical laugh. 'Yung tawang parang nababaliw na parang may kasamang hikbi. "Bullshit." Sunod sunod siyang nagmura.
Totoo naman! Totoo namang mahal ko ang tatay ni Yana. Totoo namang mahal ko si Seymour. Kahit pa kapatid ko siya. Kahit bawal. Kahit alam kong kasalanan 'to sa mata ng Diyos.
"Gagawin ko—ang lahat! Parang awa mo na, Seymour." Pagsusumamo ko. Halos hindi ko na marinig ang boses ko dahil paos na paos na 'yon sa kakaiyak.
"Gagawin mo ang lahat?" I nodded my head frantically. "Uuwi tayo ng Pilipinas, isama mo ang bata. And I want you...your body on top of my bed. Everytime." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya palayo, palabas ng kwartong 'yon.
Naiwan ako doong nakaluhod at umiiyak. Suminghap ako ng suminghap. Hagulgol ko lang talaga ang maririnig sa buong kwarto ng hotel. Ang lakas...sobrang lakas. Ibinuhos ko kasi lahat ng sakit at sama ng loob na naipon ko nitong dalawang taon.
I'll do it. I'll do everything just for the sake of my daughter.
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomanceShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...