Visitor

7.2K 110 15
                                    


Visitor

Present

Ynette's POV

Andito ako ngayon sa bahay namin, kasi day off ko....

Wahahaha!

Day off ko!

Nyahahaha!

Day off ko!

Wahahaha! Okay tama na...Ang sarap lang kasing tumawa.

"Hoy Marianong Garapon!"si nanay yon na nagbabalat ng sibuyas.

"Ho?!"

"Galit ka?"

"Hindi ho, tuwang tuwa nga ho."kahit putanginang hindi.....Sumandal ako sa sandalan ng matigas na sofa.

"Nasaan na naman ang kapatid mo?"

"Sino hong kapatid?"

"Si Shem malamang, bakit may iba ka pa bang kapatid bukod sa kanya?"

"Ahh~Andun ho sa basketball-an. As usual nakikipaglaro na naman sa mga kalaro niyang lalaki ng basketball. Naku kapag pinapili yun kung ikaw nanay or yung basketball. For sure yung basketball pipiliin nun. Ang hilig talaga nun sa bola."

"Pareho lang naman kayo ng kapatid mo eh."

"Excuse me ho, nanay. Ibang bola ang gusto ko yung natigas."

"Taknidong ito!" mura ni nanay sabay bato ng tsinelas niya. Buti nakailag ako. Haha! "ALam mo, parehas lang kayo, kasi nung baby ka pa, puro bola nilalaro mo. Anak may lovelife ka na ba?"

"SINO KA? ASAN NA SI NANAY? ANONG GINAWA MO SA KANYA?"

"Tarantado! Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Nay, kaw ba talaga yan?"

"Tinatanong kita."

"Wew! Muntik na kong magpatawag ng pari akala ko kasi nasapian ka na ng maligno."

Nagpokerface siya, impernes maalam siya noon.

"Nay naman, wag niyo na hong tanungin." Tumayo na ako at lumabas.

"Saan ka pupunta?"

"Kanila Merly ho!"

"Merly ka ng Merly, magkamukha na kayo ni Merly."

Pake? Hoho! Makikikain ako.

Shem's POV

"Pasa mo sa akin dito! Bilis! Shoot!" Sigaw ko.

"Yes! Panalo tayo!"sigaw din ni Derwin, isa sa mga kateam mate ko.

Nag-apiran kami ng mga kateam mate ko tapos binigay na nung kalaban namin yung pera kasi may pustahan. Magaling talaga ako pagdating sa mga sports na may bola. Pero hindi ako tomboy noh.

Oh Shit! Natatae ako. "Yah! Uuwi na ko. Itago niyo muna yung parte ko sa pera."

"Uuwi ka na?" Parang tangang tanong ni Dennis

"Dre,baka magmamall, sinabi na ngang uuwi na daw. Psh!" Sarcastic na sabi ni Dodong

"Sige na. bye bye! Hoho!" mabilis akong tumakbo paalis dun sa basketball court malapit lang naman yun sa amin eh,so sure akong hindi ako lalabasan ng tae. Pasensya na talaga, pasintabi sa lahat, dadaan pa nga pala ako sa eskinita tapos kaboom malapit nasa bahay namin.

Nakarating na ako sa bahay,

"Nyeta kang bata ka! Takbo ka ng takbo." Singhal agad ni nanay na nagbabalat ng sibuyas.

Ehhh! Taeng tae na kaya ako alangang mag lakad ako na parang nasa buwan, diba? Psh! Pumunta ko sa banyo. Aish! May chlorine.

"Bakit may chlorine? Nubayan!" kanila ate Merly na nga lang. tumakbo ulit ako.

"sinabi nang huwag tumakbo at magigiba yung bahay. Hoy san ka pupunta?!"

Nung nasa labas ako may nakita akong lalaking gwapo na nagaantay sa tapat ng bahay namin. Kamukha niya si ano...

Si...

Yung kaaway ko lagi sa school namin. Yung student council president namin. Psh! Weak naman yun.

I faked a cough. "Anu pong kailangan nila?" Bigla ata akong hindi natae ah.

"Dito ba nakatira si Marionette Cosias?"

"Opo! Bakit niyo po kilala ate ko? Ano pong name niyo?"

"Ahh! I need to talk to her. Pakisabi hinahanap siya ni Seymour." What a name? parang say what? Say more! Hahaha.

"Owkay...? Wait lang po."

Mabilis akong pumunta kanila ate Merly at nandoon nga si Ate Ynette at lumalamon na naman. Ang takaw.

"HOY ATE!" Sigaw ko.

"Pfft—" nabuga niya yung iniinom niyang tubig. Buti nga ang takaw eh. "Bwisit! Bakit?" pinunasan niya yung bibig niya.

"Wait! Ate Mer, pakain ah." Pumunta na akong kusina nila. Parang apartment lang tong bahay ni ate Merly, kasi divider lang ang naghahati sa sala at kusina nila. Kumuha ako ng pinggan at kutsara saka sumandok ng pagkain. Bumalik ako sa sala kung saan nandoon sila ate. "Ate, may naghahanap sayong gwapo."

"Gwapo? Sino sino?" duet na sabi nila ate at Ate Merly.

"Chill lang." Sumubo muna ako ng pagkain bago nagsalitang muli. "...ano bang name nun...save more? ayun say more! Anu bang pangalan yun. Hahahaha! Parang say what? Say More! Lang eh. Puntahan mo na at baka pagkaguluhan dun."

*Boogsh*

"Oh Ate, Anyare sayo? Nahulog ka?" tanong ko kasi natumba yung upuan na inuupuan niya tapos nasa lapag siya.

"Hindi, inatake ko yung lupa. Nangaasar kasi eh." Tapos tumayo na siya at lumabas. Anung meron?

His And Her Circumstances (To Be Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon