Badass with a Good HeartYnette's POV
"Get in the car." Boses iyon ni Seymour. It barely penetrated my thoughts. Somewhere in the back of my mind, I did hear it beyond the haze of my own grief.
Buntis ako. Wala na kaming matitirhan ni Shem. Paulit ulit iyon sa aking isipan. How I wished this was just a dream, o kaya ay bangungot. Atleast magigising ako at babalik sa normal.
Normal. Tumawa ako ng pagak. There's nothing normal in my life. I have to live and do everything just to survive. Ganoon naman talaga, para sa mga taong tulad kong mahirap. This world is cruel.
Tumingala ako at tinitigan ang kalangitan na nagsisimula ng magdilim. Uulan pa ata. Sakto pa sa nararamdaman ko ngayon.
Naninikip ang dibdib ko, hindi dahil sa masikip ang bra at lumalaki ang dibdib ko kundi dahil sa sakit.
At may biglang humawak sa braso ko. "Get in the car, I'll take care of the rest." Sumunod ako sa kanya.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Niyakap ko ang sarili. Nanghihina ako, nauubusan ng lakas. Nang makapasok si Seymour sa sasakyan at pinaandar na ito ng driver niya.
"Naisip mo na ba kung anong plano mo?" Tanong niya sakin but I kept my eyes averted to the road.
Umiling ako. Wala. Wala akong plano. Wala akong maisip.
"Marry me."
Bigla akong napatingin sa kanya, seryoso siya. You could have heard a pin drop. It felt like someone just dumped a bucket of warm water over my head, and I was left completely speechless. Para sakin, the offer was earth shaking sa sitwasyon ko ngayon. Sa sitwasyon namin ni Shem.
Gusto kong sumigaw ng, YES! YES! YES! but as much as I want to, it seemd wrong, kahit pa siya ang ama ng dinadala ko.
He leaned forward, placing his forearms on his knees. "Think about it, your financial troubles would be at an end. May matitirhan kayo ni Shem. Hindi niya kailangang tumigil. And it's for the baby too. Our baby to be exact."
Napakurap ako.
"Ynette?"
Bumuntunghininga ako. "Pwede bang pagusapan natin 'to sa ibang araw? I can't deal with this right now."
He leaned back on his seat. "Of course. Pero saan kayo titira?"
I stiffen. Oo nga pala, saan kami titira ni Shem.
"I'll take you home with me. Susundin ko kapatid mo mamaya, no argument." He continued. "You can take the next few days to decide what you need to do."
Wala akong choice. Bahagya akong tumango at ibinalik ang atensyon sa daan.
Seymour's POV
"Oh bakit may dugo yang ilong mo at may pasa ka?" I asked my younger brother, Seth.
Kakagaling lang nila ni Shem mula sa dating bahay nila Ynette. I told them to pack their things, dahil dito na sila titira sa mansyon.
Ibinaba ni Seth ang dalawang bag sa sofa, he stared back at Shem and narrowed his eyes. Hindi siya sumagot instead he asked, "Asan si Nanay Norma?" Ang tinutukoy niya ay ang mayordoma namin.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko sa tanong niya at nagtungo na sa likod ng mansyon kung nasaan ang swimming pool.
Tumingin ako kay Shem, she didn't look like seventeen years old, more on thirteen because of her height and her baby face. "Andoon ba ang Nanay mo? Sinaktan ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko.
Umiling siya. "May nakasalubong lang po kaming juvenile. Pero okay na naman po. Saan po ba si ate?"
"Nasa kwarto niya at nagpapahinga. Ihahatid na kita." Kinuha ko ang dalawang bag at hinatid siya sa kwarto ng ate niya. "sa katabing kwarto dito sa kanan ang iyo." Inabot ko sa kanya ang bag at binuksan ang pintuan. "By the way, welcome to my home."
She smiled back at me. "Thank you po."
Pagkapasok niya sa loob ay bumaba na ako at dumirecho sa study room. I need to make a call.
"Hello, Daniel." Tawag ko sa kabilang linya. "May papagawa ulit ako sayo."
["yes?"] sagot nito.
"Find everything and anything about Marionette's Mom, ang alam ko nasa report mo yun."
["okay."] he said, yun lang at binaba na nito ang tawag.
Nag-dial ako ng ibang number at ng sumagot ang lawyer ko ay sinabihan kong mag-file ng kaso kay Armando Cosias, yung tatay ni Ynette.
I gritted my teeth, that bastard won't get away with this. I'll make him pay for it. Ito lang ang maitutulong ko kay Ynette.
Napatingin ako sa kawalan. Ynette is a badass with a good heart, soft but strong. Unapologetic and honest. She's the type of women you go to war beside, the type of woman you marry. And I'll marry her no matter what the cost.
I closed my eyes and opened it again. Now what to do?
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomanceShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...