Mistaken
Ynette's POV
Mukha na akong bangag. Gulo gulo na ang aking magandang hair.
Damn! I need to find a job but I can't seem to find a job. Nakakaiyak. Huhu.
Anyway, highway, skyway, doorway, no way, sumesegway na pa sway sway.
Pumunta ako sa isang grocery na parang pangmayaman. Pano ko ba nasabi? Kasi malaki at puro mga kotseng mamahalin yung nakaparada so I therefore conclude na pangmayaman 'to.
Palinga linga lang ako dahil hinahanap ko yung hinahanap ko syempre.
Dadamputin ko na sana yung isang pack ng napkin ng may makisig na kamay ang pumigil sa magandang kamay ko. I gasped.
"Don't try to steal it." Mapanganib na saad ng lalaking drop dead gorgeous. Kung hindi lang malakas ang defence ko ay baka bumulagta na ako sa sahig ng wala ng buhay.
Halatang mayaman si kuya dahil sa suot niyang damit. Tapos ang ganda ng boses niya nanunuot sa matris ko. Kaloka! At yung amoy! Jusko! Pamatay sa bango! Nakacolgate lang ang peg.
Tapos the body, sexy, masculine, a hunk for that matter. Siguro kapag niyakap niya ako ay madudurog ang katawan ko at kapag hinalikan niya ako ay baka maubos naman ang alindog ko.
I shook my head mentally. Kung ano ano iniisip ko.
"What are you talking about?" nalilitong tanong ko sa kanya. Umi-english din ako para kunwari pasosyal.
Nag-galawan ang muscles niya sa panga dahil sa pinipigil na galit na hindi ko naman alam kung bakit siya nagagalit. Binitawan niya ang kamay kong hawak niya.
"We both know what am I talking about. Miss, alam kong snatcher ka dahil namumukhaan kita."
Anak ng tipaklong na sunog! Pagkamalan ba daw akong snatcher sa ganda kong ito? Ako talaga?! Seryoso ba siya?! Nakakapang-init 'to ng ulo ha!
"FUCK YOUUUUUU!" pinahaba haba ko pa ang nguso ko pwede na ngang pagsabitan ng kaldero eh. "Ako magnanakaw? The eff! Sa ganda kong ito." And then I flipped my hair back and forth.
"Miss, walang pinipiling mukha ang mga magnanakaw." Matigas na sabi niya.
"Mister, ayos pa ba ang turnilyo ng utak mo? Pakitingnan naman oh. Kakahiya sa akin eh." Mas matigas yung pagkakasabi ko na may halong sarkasmo ang tinig. Pinag-cross ko pa yung arms ko.
Gusto ata niya makatikim ng isang sako ng pagiging bayolente ko eh kahit na hindi naman talaga ako bayolenteng tao. Umiinit lalo tuloy ulo ko.
And tandaan meron ako ngayon kaya lalong nakakainis.
"This is not a comedy show, kaya huwag kang magpatawa."
"Hindi ako nagpapatawa...ohh! Alam ko na, are you... trying to pick me up? Ganyan mga style ng katulad mo eh."
"I don't need to pick you up. Every woman, in a drop of hut will jump into my bed." Nakalolokong wika niya na sinabayang ng hagod sa katawan kong sexy. "Pero hindi kita papatulan."
Gago 'to ah? Lakas mang-insulto, feeling gwapo kahit na infairness, gwapo talaga siya.
"Wala akong paki kahit babae o lalaki o aso pa patulan mo. Bwisit!" inabot ko yung isang pack ng napkin at ibinigay sa kanya. "Oh, isaksak mo sa baga mo. Kapag hindi mo iyan naisubo ako magsusubo sa iyo. Painit ka ng ulo!" sabay walkout.
Bumalik ulit ako. Nakatayo pa rin siya sa pwesto na iniwanan ko sa kanya.
"Fuck you nga pala ulit!" Hinablot ko yung isang pack ng napkin. "Akin na pala ito. Baka magdilim pa paningin ko at mabulag pa ako ng wala sa oras." Bubulong bulong kong sabi.
Naku! Kung hindi ka lang gwapo nahalikan na kita ay este nasapak na kita. Shet naman, puro kahalayan din nasa utak ko eh no.
Dumiretso na ako sa counter at nagbayad. Tapos umuwi na. walang magtatanong kung saan ako nakatira. Ipapamumog ko yung holy water!
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomanceShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...