Sassy
Ynette's POV
"Hala, akala ko si Shomba, ikaw lang pala." Asar ko sa kanya. Ano kayang ginagawa niya dito?
"Ganyan ka ba makipag-usap sa amo mo?" naiiritang wika niya.
I crossed my arms. "Excuse me? Mister, naghaharing uri, day off ko po ngayon."
"So?"
"Sontok, gusto mo?" inamba ko pa yung kamao ko.
Hindi niya yun pinansin, bagkus ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. And then back to my face. "Ano yang suot mo?"
"Sako na nilagyan ng tali tas binuhol." I said sarcastically.
He glared back at me.
"Damit, malamang! Short shorts at tank top. What's the problem with that?"
"Masyadong maikli and daring."
Pwede bang sapakin 'to? Makaasta parang tatay lang ah. "Siguro...naiinggit ka sa legs ko no?!"
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Tapos tumingin dun sa bahay ko. "Is that your house?"
"Oo, bakit? Anong ginagawa mo dito?" I tilted my head, parang naghahamon. Hindi siya sumagot at naglakad patungo sa bahay. Pinigilan ko siya. "Hep." Humarang ako sa dadaanan niya. "BAWAL LUMAMPAS, DEAD END, FINISH LINE, NAKAMAMATAY. Gets?"
"No, I don't get it."
Humalukipkip ako. "What in the word.." I lifted my hands and made quotation mark with my finger. "Bawal ang lumampas" at binaba ang kamay then crossed it again across my chest.. "that you don't get."
"Woman." he scowled at me. "I have to tell you something."
"Eh di sabihin mo na ngayon."
"Inside." Then nilagpasan niya ko, piniglan ko naman kamay niya.
"Ang kulit mo no? Di mo talaga ma-gets?" dumukot ako sa short ko. "Oh ito piso." Inabot ko sa kanya yung piso.
Tinignan niya lang yung piso. "Anong gagawin ko dyan?"
"Umarkila ka ng kausap mo. Then get a map, drive your car and go to hell and have a nice trip. Bye bye~" Nginitian ko pa siya ng pagkatamis tamis pagkatapos ay nilagpasan siya pero ako naman yung pinigilan niya. "What?"
"This is so fucking important."
"Excuse me, what did u say I can't hear you I have an ear disease called I don't fucking ca~re." I said in a sing-song.
His jaw flexed. Pikon na siguro.
Bago pa siya nakapagsalita bigla na lang sumulpot ang magaling kong Ina na may dalang sandok. "Sinong kausap mo?"
Shit.
Kumaripas ako ng takbo papunta kay Nanay at mabilis na tinakpan ang kanyang mga mata. "Nay! 'Wag kang lalabas! May bagyo daw sabi ng...ng... PAG-ASA! Signal number 8 daw, baka tangayin ka." Ngek? Signal number 8? Meron ba nun?
"Ano bang pinagsasabi mo? O.A ka na." sabay hampas ng sandok sakin.
"Aray naman!" napabitaw ako at nahimas dun sa noo kong tinamaan ng sandok. Ang sakit kaya. Psh. "Alam ko hong O.A ako. Over Attractive." Ngumiti pa ako.
(=___=)<<Nanay. Oha? Galing mag-poker face no?
Hindi niya ako pinansin at tinignan yung taong nasa likod ko na walang iba kundi ang boss kong naghaharing-uri na si Say what? Seymour, what a name. pfft! "At ikaw!" sabay turo nung sandok kay Seymour. "Anong ginagawa mo dito? Boyfriend ka ba ng anak ko?" Hala? Grabe siya? Boyfriend agad? Hindi ba pwedeng nagtatanong lang kunwari kung saan papuntang mall. Yeah, right. Sa isang squatter area? "Aber? Pano mo mapapakain anak ko?"
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomansShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...