Pregnancy BluesYnette's POV
"So ang lalaking humabol satin kanina ay si Dodong?" Tanong ni Seymour sakin. Andito kami ngayon sa burger king at kumakain ng malaking burger.
Mesherep. Pati na rin si Seymour. Charot!
Kakagaling lang namin sa bahay ng kaibigan niya at nakiligo siya pagkatapos ay dahil ginutom ako at bale tatlo kaming kakain ay pumunta kami dito.
Kinagat ko yung burger at nginuya. "Oo, siya yung inutangan ni...N—Nanay ng wanhandred tawsan."
He gave me a death glare. "Bakit?""Ubusin mo muna yung laman na nasa bibig mo bago ka magsalita."
Tch. Arte. Ganun din yun, bakit kailangan pang tapusin muna ang pagkain bago magsalita eh pwede namang habang nagsasalita nanguya? Oh diba, nakatipid ka pa sa oras.
Inirapan ko siya tapos kumagat ulit ng burger. "Arte mo."
"Don't talk when your mouth is full, it's rude."
See? Arte talaga nakakainis tuloy, daig pa ako eh para tuloy siya yung buntis at naglilihi hindi ako. Come to think of it, buntis ako pero bakit ganoon parang wala akong pinaglilihan? And worse! Tatlong panget na nakasalubong ko sa araw na 'to—si Dodong, yung dalawang jejemon—pano kung maging kamukha sila ng anak ko?! Oh no!
"Stop! What the hell are you doing?"
Napaigtad ako at tumingin sa kanya. Tapos nagpeace-sign. Bwisit, sinasabunutan ko na pala ang sarili ko.
Umirap siya. Luh, feeling girl 'tong si Seymour. Kundi lang talaga lalaking lalaki ang katawan ay baka pagkamalan 'tong bakla. Hahaha oh well, buti na lang nakita ko na katawan nito. Nahawakan na rin at natikman. Parang gusto ko ulit gawin.
Oh shit! Anong pinagiisip ko!
"I said, stop that!" Seymour hissed. Napabitaw ulit ako sa buhok ko. Pasensya na. Kumagat siya sa burger niya tapos pagkatapos nguyain at lunukin ay nagsalita ulit. "Bakit umutang?"
"Ha? Anong umutang?" Nagtatakang tanong ko. Uminom ako ng coke sa baso. Bigla niya akong kinotongan kaya tuloy napabuga ako nung coke, tapos yung iba lumabas sa ilong ko. Tangina! "Asdfghjkl! Hayop." Nagtitigan kami, parehong masama ang tingin tapos bigla siyang bumulalas ng tawa. Anak ng asawa ni puto oh!
"Punasan mo ilong mo." Natatawa pa niyang sabi at inabutan ako ng tissue.
Padarag kong kinuha iyon at pinunasan yung ilong at bibig ko. Ang bastos eh, siya naman may kasalanan nito.
"Like what I've asked earlier, bakit umutang ang Nanay mo kay Dodong."
Ah. Ayun naman pala. "Kasi sugalera sila ni Arman. Kapag di ko nabayaran yon ay magpapakasal ako kay Dodong. Kadiri! Disgusting! Gross!"
Tumango siya. "Babayaran ko."
"Weh?" Tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasabi sakin na 'mukha ba akong nagbibiro' look. "Okay, go! Pera mo naman 'yon hindi sakin." Saka wala namang mawawala sakin at tulong na rin yon, tatanggihan ko pa ba?
He gave me a sexy half smirk. And what I mean sexy is that kind of panty-dropping sexy smile. Shit. I'm so doomed.
Napalunok ako. May pakiramdam akong kapag di siya tumigil sa pagngiti ng ganoon ay susunggaban ko siya at mauubusan ako ng alindog.
"Paunahan maubos ang burger, kapag nahuli may punishment." I dare and the he smiled again.
Oh Lord.
•••••
"Fuck, woman!" Iritang sabi ni Seymour.
Napabungisngis ako. "Kita mo yung guard kanina? Hindi alam kung kakapkapan ka."
Tinignan niya ako ng masama. Tumawa ulit ako, kanina pa nga napapatingin samin yung nga tao dito sa mall eh. Pumunta kasi kaming mall kinagabihan, wala talaga 'to sa punishment ko kasi nauna akong nakaubos ng burger kanina ang kaso bigla akong ginutom at gusto kong kumain ng ice cream.
"Isa pang tawa." Sabi niya pero natatawa na rin siya. Tumawa talaga ulit ako kasi sabi niya tumawa ako eh. Paano ba naman naka-boxer, sando at tsinelas na pambahay lang siya. Hahaha! Wala talaga 'to sa plano ko, hinila ko lang siya.
"Cute ng boxer mo, angry bird. Nyahahaha!"
Napahilamos siya sa mukha at parang natatawa na rin. "Pasalamat ka..."
"Okay lang yan. Sabihin ko sanang gwapo ka pa rin kaso baka lumaki ulo mo."
He smirked. "Kahit pa hindi mo pa sabihin, lumalaki madalas ang ulo ko."
Natawa ako at hinampas siya sa maskels niyang braso. "Ang bastos ng iniisip mo."
"Paano mo nasabing bastos kung hindi rin bastos ang iniisip mo?" Sabagay may punto siya. Hahaha. "Tsaka nakita mo na naman lahat eh, kahit yung dalawang dragon balls ko na pinangangalagaan ng ibong adarna."
Hinampas ko ulit siya sa braso tapos nagtatawa. Daming alam nito. Pinunasan ko yung gilid ng mata ko, naluha ako sa kakatawa. Wooh! "Yung punishment."
"Hindi ka na kakain ng icecream?"
"Maya na, tinatamad ako. Kita mo yung babae." Tinuro ko yung babae na tumitingin doon sa labas ng g-shock. Tumango si Seymour. "Lapitan mo tapos hingan mo ng piso sabihin mo pandagdag lang pambiling celphone." Binigyan niya ako ng look na nagsasabing, nababaliw na ba ako. Napanguso ako. "Sige na." Pamimilit ko.
"No. I'm the most handsome and eligible bachelor in this country tapos papagawan mo ako ng kahihiyan?"
Yung pagnguso ko ay naging simangot na tapos tinignan ko siya ng masama.
"Tara na, bili na tayong icecream." Sinubukan niyang hawakan yung kamay ko pero winaksi ko iyon at inirapan siya. Tapos naglakad ako palayo. "Saan ka pupunta?" Habol niya sakin.
"Che! Uuwi na ako."dire-diresto ako hanggang sa makalabas sa mall. At yung anak ng tupa! Hindi man lang ako sinundan. Nakakainis! Naiiyak tuloy ako sa bwisit.
Suminghot ako. Kabwisit talaga. Naiiyak talaga ako pero pinipigilan ko lang. Nung di pa siya lumalabas umuwi na lang ako. Ang sarap niyang murahin!!! Nakakagigil!!
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomanceShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...