Infuriated

3K 70 3
                                    


Infuriated
Ynette's POV

Months have passed, pero kung ituring ako ni Seymour ay para akong isang bayarang babae. Walang araw na hindi niya ako gagalawin. Walang gabi na hindi siya magsasawang galawin ang katawan ko.

Himala nga ay walang nakakaalam sa sikreto namin ni Seymour na magkadugo kami. Hindi pa rin niya alam na anak niya si Yana.

And because of that, I started losing my apetite. And my stomach started bloating. Pakiramdam ko ay buntis ako. Tangina lang.

Magkapatid kami ni Seymour at buntis na naman ako. Nakaka-punyeta.

"Mommy, tan tayo punta?" Tanong ni Yana pagkababa namin sa jeep.

Imbis na sumagot ay binuhat ko lang siya at pumasok sa loob ng mall. Makikipagkita kasi ako kay Merly. Na-miss ko na 'yung Merly Bog na 'yon. Parang malibog lang talaga ang pangalan. I snickered at my thoughts.

Buti na lang ay may komunikasyon pa rin sila ni Shemang kahit na nawala ako.

Nakita ko agad si Merly sa labas ng Mcdo. Katabi 'yung estatwa ni Ronald Mcdonald tapos nag-se-selfie. Merong naka-appear pa siya, merong nakayakap. Natatawa tuloy akong lumapit. Muntanga kasi, e. Akala mo naman taong bundok at ngayon lang nakapunta sa mcdo.

"Hoy Merly Bog!" Sabi ko sabay tulak.

Muntikan na siyang matumba, pagalit siyang humarap sa'kin at mukhang bubuga na ng apoy kaso biglang napanganga.

"Ynette?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "Marionette Cosias?!" Tumango ako, "Marionette Cosias?!"

"Ulit ulit? Unli ka?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Oh my, God!" She squealed then hugged me tight.

"Bwisit ka—!" Pilit ko siyang tinutulak dahil halos malagutan ako ng hininga sa pagkakayakap niya.

Punyeta!

"Ikaw ba talaga 'yan?!" Sabi niya makalayo.

"Ay hindi, 'te! Hallucination mo lang ako." I said sarcastically. Hinampas niya ako sa braso at tumawa. Napa-pokerface ako.

"Juice colored, 'te! Gumanda ka."

"Bakit? Panget ba ako dati?" Mataray na tanong ko.

"Parang ganun na nga."

"Hype ka!"

Tumawa siya at nang matapos ay bumaba ang tingin niya. Napanganga na naman siya nang makita niya si Yana.

"Anak niyo ni Seymour?" Tanong niya, tinuro pa talaga si Yana. Tumango ako, nangamot siya ng ulo. "teka, bakit ka nga nawala ng dalawang taon? Sa totoo lang, pinag-alala mo kami. Lalo na si Seymour!" I smiled at her faintly. "Hinanap ka niya sa kung saan saang lupalop ng Pilipinas. Kulang na nga ay baligtarin niya na ang buong Pilipinas mahanap ka lang."

Ngumiti lang ako at hinila siya sa loob ng MCDO. Nag-order na kami ng makakain at nang kumakain na kami ay saka ko kinwento sa kaniya lahat ng nangyari.

"Oh my, God!" OA pa 'yung pagkakasigaw niya, tumingin tuloy sa'min 'yung mga malapit sa mesa namin bago pinagpatuloy ulit ang pagkain.

"Ang ingay mo." Saway ko.

"Nakakagulat talaga, Marianong garapon. You mean, talagang magkapatid kayo?" Sunod sunod akong tumango. "E, paano 'yan?" Sabay turo kay Yana na tahimik lang na kumakain ng fries. "Talagang anak niyo tapos hindi niya alam?" Tumango ulit ako. "Naknamputa, tanga ni Seymour."

"Bakit?"

"Sobrang tanga ni Seymour, hindi nakahalata? Sa loob ng ilang buwan na nasa mansyon ka niya, hindi man lang naisip na magpa-DNA test? Naknamputa, tanga." She shook her head. "So, wala kang balak sabihin kay Seymour?"

His And Her Circumstances (To Be Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon