For The Sake of Money

14.5K 287 36
                                    

For The Sake of Money

Ynette's POV

"Wiwit!" sipol namin ni Merly doon sa babaeng dumaan. Naka peki peki short kasi tapos tank top.

Humarap yung babae. Nyek! Si Fritz pala the bitch. Umasim yung mukha namin. Kumaway siya sa amin at nginitian kami. Tapos umalis na.

Hindi mo alam kung natural o Tupperware siya eh. Ay mali pala orocan pala. Sobrang plastik in short!

"Pigilan mo ako masasapak ko iyon." Sabi ko kay Merly.

"Hay naku!" nagbuntunghininga siya.

Nakatambay kami ngayon sa tindahan at nainom ng hard drinks. Joke! Softdrinks lang.

"Ano ba kasing nagustuhan niyo kay Bryan, eh mukha namang tikbalang." Matangkad kasi at Moreno.

"Makapanglait ka naman wagas." She exclaimed.

Eh sa totoo naman? Hindi naman ako laiterang tao kaso kapag nakita mo talaga si Bryan eh talagang mapapalait ka na lang.

Sumipsip na lang ako ng softdrinks kaysa naman pagsabihan ko siya. Buhay niya yan, matanda na siya. Hindi naman ako ang Nanay niya.

"Gusto mo ba talagang sumama sa racket ko?"

"Oo naman!" I answered proudly. Taas dibdib este noo.

"Bakit?"

Tumingin muna ako sa kaliwa bago tumingin sa kanan at nagsalita ng mahina. "Umutang si ermat kay Mang Dodong." Na ang tinutukoy ko ay ang pinakakilalang tao dito sa squatter namin.

Oo, squatter. Walang magrereklamo, tara sa barangay dun kayo magreklamo, isama na pati yung author para masaya.

Kaya kilala si Mang Dodong ay dahil mapera ito at manyak pa. Sa totoo lang mas gwapo pa nga si Freddy yung sa Nightmare on Elm's Street. Tapos siya pa ang may pinakamagandang bahay dito sa squatter.

"OMG! Magkano?"

"Hinaan mo ang boses mo." Saway ko sa kanya bago nagpatuloy. "One hundred thousand LANG naman ang inutang."

"What?!"

"Nakakaloka, tapos hindi mabayaran ni Nanay dahil pinang sugal."

"Tapos ngayon ikaw ang pineperwisyo ng nanay mo at tataytatayan mong manyak."

Tumango tango ako. "Kaya kailangan ko ang pera upang bayaran si Mang Dodong kung hindi ibibigay nila ako kay Mang Dodong. Shit diba?" nanggigil kong sabi. "EW as in capital letter Y-U-C-K. YUCK! Mas gugustuhin ko pang patira sa aso kaysa doon sa matandang iyon. Ay hindi pala sa aso, doon sa gwapong dancer sa tv." sabay sipsip ng softdrinks pero napatigil din kasi ubos na pala.

She tsked. "Bukas na bukas, isasama kita sa racket ko. Basta huwag kang magsisisi, ha?"

"Bakit naman ako magsisisi, eh pera iyon. Kahit ano gagawin ko para lang magkapera huwag lang maghubad sa maraming tao. Anong say mo?"

Nagpokerface siya, ganda ng sagot niya noh?

Nangyari iyan noong isang linggo. Grabe pala itong racket ni Merly. Sa isang bar! Anyway yung bar na ito ay sa mga pangmayaman naman. Isa siyang waitress sa bar na ito. Pero may pinaka-main job ang bar na ito. Kung gusto mo ng mas malaking pera ay kailangan mong i-entertain ang isang customer sa isang kwarto. I-eentertain lang ha hindi magpapatira agad. Anyway yun nga tapos kapag nagustuhan ka ng customer at ilalabas ka tapos iyon alam na. pero si Merly hanggang waitress lang ang gusto.

His And Her Circumstances (To Be Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon