Wife-to-beYnette's POV
Sabi nga nila, sa hinaba haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Totoo pala yon, dahil sa hinaba haba ng inisip ko magdamag ay pumayag ako na magpakasal kami ni Seymour. I have left no choice, para 'to sa kapatid ko at sa magiging anak ko—namin ni Seymour.
Pero hindi naman ngayon, o bukas o sa isang araw kami ikakasal. Ano yon? Agad agad? Magpe-prepare muna kami ng isa o dalawang buwan.
Hays.
"Omaygad! Omaygad!" Tili ni Shyne. Inalog alog pa ako. Ang bayolente talaga ng babaeng 'to, naalog tuloy utak ko. "Sabi na! Kayo din magkakatuluyan!"
Pinigilan siya ni Shem. "Ate, yung baby naalog."
"Ay sorry! Hihihi!" Bumungisngis pa siya tas si Shem na ang inalog alog. "Kyaaahhh! Magiging Tita na ako! Omaygad! Hihihi! Ako sana paglihian mo para maganda lahi niyo."
Napa-facepalm ako. =_= Bakit ibang iba ugali nito sa kapatid nito?
"Yung utak kooooo!" Reklamo ni Shem, hilong hilo na kasi siya. Busy pa man din siya sa kakakalikot sa laptop na nakapatong sa kitchen table.
Close na sila agad?
"Alam mo may hula din ako, kayo magkakatuluyan ni Seth."
"UTANG NA LOOB." Utas ni Shem.
"Hihihi." Bungisngis niya. "Siya at aalis na ako, bahala na kayo dyan." At ayun umariba na nga.
Umupo ako sa kitchen chair. Tapos biglang may sumigaw, si Keith na mabait. Tumakbo siya samin at niyakap ako.
"Uy buti bumalik ka na! Nagrereyna-reynahan sila Tinay at Lita dito no."
"Keith—ack! Di ako makahinga."
"Maghunusdili ka." Pigil ni Shem.
"Ay sorry." Pinakawalan niya ako. "Magkapatid pala kayo ni Shem?"
Tumaas kilay ko. "Kailan pa kayo nagkakilala?"
"Nagpunta na yan dito dati kasi magkaklase sila ni Seth." Tumango tango ako."So, balik ka na talaga dito for sure?"
"Ikakasal sila ni Seymour." Singit ni Shem.
"Weh?! Sabi na eh! Napapanood ko 'to sa tv eh, yung katulong na babae may gusto doon sa bidang lalaki tapos nagka-inlaban sila. Tapos madaming humahadlang sa kanila! Isa na doon yung Lola nung babae! Omaygad! Ang sweet!"
Napa-facepalm na naman ako. Anong meron ba utak nito.
"May plywood pa ngang humarang sa kanilang pagkikita eh. Kyaaah! Kinikilig talaga ako."
-_- plywood? Humarang? Hanudaw?
"Tapos may kumidnap pa sa kanila! Shaks! Nakakakilig talaga!"
Anong pinagsasabi nito?
Tumawa siya ng tumawa at parang naiihing ewan dahil sa kilig. Maya maya pa ay sumeryoso at bumuntunghininga. "Kung ganyan lang nangyari sakin eh. Lam mo ba wala na kami ni Roy?" Yung boy?
Tangina? Di ko nga nalamang naging sila tapos ngayon wala na agad. Wala talagang poreber.
"Buti pa yung sinaing hindi iniiwan, samantalang ako laging iniiwan." Madrama niyang sabi.
"Edi isaing mo din sarili mo para hindi ka iwan." Kaloka -_-
"Huy grabe siya!"
"Ate Keith." Tawag ni Shem, napatingin kami sa kanya, nagtitipa siya sa laptop na pagmamay-ari siguro ni Seth. Pano ko nalaman? May nakalagay na malaking SETH sa likod ng screen eh. -_-
"Walang permanente sa mundo. Bawat pag-ikot nito may nasasaktan, may iniiwan, may bumabalik at may muling nagmamahal."
"Huwaaa! Binata na kapatid ko." Pang-aasar ko.
She chuckled. "Never say die dapat, and don't cry. Tomorrow is another guy."
Deputa. Akala ko matinong advice na eh.
Sakto namang pumasok sila Lita at Tinay. Napatigil pa sila at nanlalaking mga matang nakatingin sakin.
"Hey bitch, what you working there?" Pagtataray ni Tinay.
Ha? Ano daw?
"Yeah. You here, why? You go away the other day, Nette." Segunda ni Lita.
Haaaa????? Ano daw?!
"Ynette." Pagtatama ko. Isa din 'tong bobo parang si Tinay, no wonder magkasundo sila.
"Ano daw 'teh? Di ko maintindihan lenggwahe nila eh, nabobo na ata ako." Ani Shem.
Huwag kang mag-alala di ka nagiisa, kapatid.
"Utang na loob, huwag na kayong mag-english nasa Pilipinas tayo. You bleeding my nose." Pwe! Tangina, pati ako napapaenglish karabaw eh.
Nang-irap sila. Sarap dukutin ng mga mata, buset.
"Bakit ganyan ichura mo? OMG." Maarteng sabi ni Tinay na para bang mukha akong na-tipus. -_- arte arte kala mo maganda, maitim naman at makapal nguso. Di na-a-apply sa kanya yung black is beauty. Sa kanya kasi black is charcoal.
"Bakit? Feeling mo ba okay lang din ichura mo? Chura neto."
"Che! Panget!"
"Tinatawag mo ba sarili mo? Kakandidato ka ba? Ina-announce mo kasi pangalan mo." Sabi ko. Bumungisngis sila Shem at Keith.
"Tsaka tigil tigilan niyo ko ni Lita, hindi ako salamin." Napalakas na tawanan nila Shem at Keith."Nga pala, magiging asawa na siya ni Sir Seymour, baka gusto niyong magpakabait kahit konti sa kanya?" Singit ni Keith na natatawa pa.
Para tuloy binagsakan ng sampung libro at langit at lupa yung dalawa at nagmartsa palabas.
We burst out laughing. Serves them right?
"Ay." Si Shem. Sinarado niya yung laptop. "Bagal ng net, parang pagong." Tumayo na siya at sinakbit yung bag sa balikat. "Pakibigay na lang kay Seth yan, pasok na ako, ateng." Pagkatapos niyang magmano, abnormal 'to eh, umalis na siya.
Abnormal talaga -_- kinalimutan yung baon.
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomanceShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...