You Will Mary Me
Shem's POV
"Hehehe," awkward akong tumawa. "Ano...hinahanap ko yung...yung ballpen ko. At pwede ba? Tanggalin mo yung paa mo sa pwetan ko." Tumawa yung mga kaklase namin. Ganito naman lagi sa room eh, kami lagi ang nagbabangayan tapos tatawa sila.
Hindi niya pa rin tinanggal yung paa niyo. Buset 'to! "Late ka na naman, after the quiz diretso ka sa guidance."
"Ano?!"
Tinanggal niya yung paa niya at dumiretso na sa unahan. Tumayo ako at nanggigil na ginalaw galaw yung kamay sa direksyon niya, yung parang mananakal. Naming higante ka! Gusto kong makapatay. Pasalamat siya bawal pumatay ng hayop ngayon at baka makasuhan ako ng Animal Abuse. =,=
"Anong ginagawa mo?" yung si bwiSeth humarap na pala.
"Ah wala..nag-e-exercise lang." ginalaw galaw ko yung kamay ko na parang sa nag-d-drive, nagsitawanan na naman kaklase namin. Tapos yun umupo na ako sa upuan ako. "Pengeng papel." Hingi ko kay Geline at nagbigay naman. Lintik may quiz pa! Mangongopya na lang ako sa katabi ko. Hindi naman siya hindi ako matalino, oo matalino ako pero dahil late ako di ko alam yung nileksyon nila.
"Cover your paper." Nagsicover naman sila ng paper.
Tumingin ako sa katabi ko. Walangya! OA makacover. Sige ate push mo yan, manghuhula na lang po ako.
After nung quiz, hinila na ako ni bwiSeth papuntang student council room imbes na sa guidance.
"Maglinis ka dyan." Utos niya.
"Watdapak? Got to hell!"
He just smiled and said. "I've already been there, but they kicked me out, because I'm hotter than hell."
"Psh!" inirapan ko siya. "Close mo ba yung bagyo? Ang hangin niyo kasi pareho!"
"Pft. Maglinis ka na, and floorwax."
"Eh kung ayoko?"
"Gusto mong ipagkalat ko yung sa party?"
"Party? Anong party?" painosenteng tanong ko. Inilapit niya yung mukha niya sakin, umatras ako.
Pinaningkitan niya ako ng mata. "Don't play dumb. Gusto mo talagang ipagkalat ko yung sa party?"
"Ow sorry to say, playing dumb is my middle name." I said sarcastically.
Binantaan niya pa rin ako. "Maglilinis ka o ipagkakalat ko yung sa party?" tinignan niya pa ako mula ulo ang paa.
"Pwahahah! Party! Party ka dyan! Anong akala mo sakin? Uto uto?!" tumawa pa ako ng pang-asar. "Pwes ito na oh, maglilinis na." =_=
He chuckled and then, "Magfloorwax ka pati." Sabi niya, sabay alis. Inis much! Sarap pakainin ng floorwax eh! Kung hindi lang dun sa pesteng party na yun e.
Pagbalik niya may kasama na siyang babae, naglalandian pa nga sila eh. Yung totoo? Wala ba silang bahay? =_= Tinignan ako nung babae mula ulo hanggang paa balik ulit sa mukha, nangiinsulto yung ichura niya. Ansama makatingin, first time lang siguro nakakita ng maliit na cute.
Sapakan na lang oh? Psh.
Tinignan ko din siya mula ulo hanggang paa balik ulit sa mukha. Yung babae, ang ganda ng legs! Pagdating sa mukha?....Oh sige balik ulit tayo sa legs. Ahahaha! De joke lang, maganda yung babae kasi naka-make up.
Humarap na ulit siya kay bwiSeth at nagpout pa! Amputek! "Nilalamig ako pa-hug nga." Landi landi naman ne'to, bili na lang siyang plantsa tapos yakapin niya.
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomanceShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...