SomethingShem's POV
"Bilisan mo, late na tayo!" Hinila ako ni Geline paakyat sa third floor ng building namin.
Binilisan ko naman ng konti, ang hirap kayang umakyat hanggang third floor. Pagpasok namin sa room, late na nga kami kasi andoon na homeroom teacher namin na si Ms. Eliot. At oo, bakla siya.
"Hindi po kami magnanakaw, o artista kaya don't stare too much." I said to everyone. Nagtawanan sila.
Umupo na kami ni Geline sa sarili naming upuan. Teka, nasabi ko na ba sa pinagboboarding-an ni Geline ako lumipat? Oo doon nga tapos yung mga gagastusin ko ay si Kuya Seymour ang magbibigay. Isn't that great? Konti lang. Nahihiya pa rin naman kasi ako kahit papaano.
"So, class ididiscuss natin ang gagawin niyo sa school festival." Panimula ni Ms. Eliot. "Any suggestion?"
"Okonomiyaki!"
"Cosplay Cafe!"
"Jail Booth!"
"Couple manacles!"
Iba't ibang suggestion nila. Nagkagulo na nga eh pero at the end, Cosplay Cafe ang pinagkasunduan ng lahat.
"It's decided, we will be serving handmade sweets so there'll be two groups: people working in the cafe and those inviting people in." Paliwanag ni Ms. Eliot. "Kayo ang mamimili kung sino ang magwowork sa Cafe at sino ang sa magiinvite. Syempre ang mga magiinvite ay naka-cosplay din."
Saan ba ako sasali? "Ge, saan ka sasali?"
Humarap siya sa'kin. "Sa loob ako."
Tumango ako, malamang mas gugustuhin niya ang magluto at gumawa ng sweets kaysa makisalamuha sa mga tao, complete opposite kami, ako hindi marunong magluto. Wala akong talent sa ganoon, kinginang buhay. Hindi tulad ng kay ate, maalam 'yon.
Nagpatuloy si Ms. Eliot. "First, is there anyone who has preference for one of the groups?"
"I want to work in the cafe!"
"Me too!"
"Me three!"
Sigawan nila.
"Keep still, isa-isa kayong lumapit at ililista ko kung saan niyo gusto." Binuklat niya yung lesson plan book niya.
Pa-isa isang lumapit mga kaklase ko, yung mga sa unahan muna ang pumupunta, nagtatawanan pa sila kasi tinatanong ni Ms. Eliot kung sino ang crush. Jeskelerd.
Tapos tumayo na si Seth dahil siya na ang susunod. Tumayo din ako kasi pupuntahan ko si Jhian, 'yung isa kong bestfriend, tatanungin ko kung ano ang sasalihan niya. Malayo pa naman ako eh.
"Ano sasalihan mo?" Tanong ko kay Jhian at tumabi sa kanya.
"Sa cosplay ako, ikaw?"
Nagisip ako. Nagingayan pa 'yung mga kaklase namin sa paligid. Nagtilian.
"Gusto ko sana sa loob, eh."
Natawa si Jhian, nakikinig kasi siya sa unahan. Niyugyog ko naman. "Ha? Haha, bakit?"
"Sabi ko gusto ko sana sa loob."
"Eh di ka naman maalam sa sweets at sa pagluto." Komento niya na natatawa.
Nakarinig ulit ako ng tilian. Tumingin ako sa unahan, andun pa rin si Seth kausap ni Ms. Eliot. Tinaasan ko lang ng kilay at tumingin ulit kay Jhian.
"Sa cosplay na nga lang ako." Tumango lang siya at nagpaalam na ako, sakto namang tapos na rin si Seth. Pero patuloy pa rin silang nagtitilian.
"Bakit? Anmeron?" Tanong ko kay Geline. Nakikisigaw din kasi siya tapos parang kinikilig.
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomansaShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...