Vexed
Ynette's POV
Bumalik ako doon sa bar para lang kunin yung sahod ko. Binigyan naman ako ni ate Zenny ng limang libo. Kulang talaga yung pera!
Wala na nga pala akong balak magtrabaho doon ulit. Baka kasi DOM ang makakuha sakin. Lagot na!
Ay oo nga pala, natanggal na si Ellaine sa trabaho, and I don't know why. Naawa talaga ako doon sa batang iyon. Kasi siya lang ang bumubuhay sa sarili niya, ulila na kasi. Naku talagang pagnagkapera ako aampunin ko yun.
Kung magkakapera. Shut up mind!
Inabot na nga pala ako ng gabi kakahanap ng trabaho. Pauwi na ko sa amin.
"Psst!" May sumisitsit pero di ko pinansin, baka wala lang magawa sa buhay 'yon. Ganito naman dito sa squatter eh, madaming sabog ang utak. At aminin ko man o hindi, isa na ako doon.
"Maria Ynette....!!!"
Huh? Isang tao lang ang nagtatawag sakin ng ganon.At walang iba kung hindi si...
"Huy! Elmer, bakit?" napatigil ako sa paglalakad. Huminto siya sa tabi ko.
"Sungit. Hahahahah!...umm... gabi na, ah? Bakit naglalakad ka pa?" tanong niya.
Nagsimula na kong maglakad at sumunod siya. "So? Anong gusto mo? Gumapang ako pauwi?"
"...bakit ang sungit mo? Meron ka?"
Siya kasi si Elmer. My ex, I broke up with him because he's a timer. Oo inis talaga ako sa mga two timer! Gwapo nga siya, maganda ang katawan kaso timer at hari ng hambog. Kung si Asiong ang hari ng Tondo, siya naman ang Hari ng Hambog. Tignan niyo babanat yan mamaya. Huwag niyong sabihin ang bitter ko. Bakit? Natikman niyo na ba ako? Eh ang pagkakaalam ko si Seymour(watta name) ang nakakatiki—wait wait...oha hindi pa natutuloy yan..
"Gago!"
Tumawa siya tapos..."Sana manok ka na lang..." sabi ko sa inyo babanat yan eh.
"..." sarap mong banatan.
"...Para naman ikaw ang papatong sa itlog ko..."Wa effect
Masanay na kayo, bastos iyan. Eh kasi nga nakatira sa squatter. Hindi ko naman sinabing bastos nakatira sa squatter, sadyang may mga tao lang na bastos katulad niya. Di ko nga alam bakit ko napagtyagaan 'to kahit gwapo.
"..Hirap kasing maging gwapo..."
Diba? Sa sobrang hambog mapapamura ka na lang talaga.
"..baril ka ba?" Hini ako umimik. "Patira na naman oh. Hanggang sa labasan lang...wahahaha! Ayos ba ang banat ko?"
Huminto ako sa paglalakad tapos humarap sa kanya. "Alam mo iyang banat mo? Hindi umaabot sa puso ko. Pero itong kamao ko abot sa nguso mo." Sabay pasok sa bahay namin.
Astig yung bahay namin kasi walang lock. Wala namang magtatangkang magnakaw eh. Anong kukunin nila? Yung panty ni nanay na butas?
Dumiretso na ako sa kwarto namin ni Shem at nilock yung pintuan. Nagpalit na ako ng damit tapos humarap sa salamin.
May naisip ako bigla. Try lang naman kung totoo, 13 times kong binanggit yung BLOODY MARY na napakalakas.
"TARANTADO! MATULOG KA NA!"
Napaigtad ako. Si nanay yung sumigaw! Makatulog na nga.
Hinahabol daw ako ng prince charming ko. Nasa isang garden daw kami na puro puno at bulaklak. Ang sarap sa tenga ng mga huni ng mga ibon. Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang gaganda ng mga puno at bulaklakers.
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomanceShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...