NamesYnette's POV
"Oh my god!" Bulalas ko.
"Hala! Ynette—Ma'am!" Boses 'yun ni Keith na hindi ata alam kung anong itatawag sakin. Halatang natataranta siya, mukhang nakita rin niya yung dugo.
Napauklo ako ng gumuhit muli ang sakit sa aking tiyan then whimphered.
Takteng 'yan, ang sakit!
"Aling Norma!" Sigaw niya.
Naramdaman kong may humawak sa braso ko pagtingin ko ay si Keith iyon.
"Tangina niyo, Lita at Tinay! Kapag nakunan si Ynette! Papapatay ko kayo kay Dugong! Yung presidente natin ngayon!" Sigaw niya. Galit at pagaalala ang nakikita ko sa mukha niya.
Hindi ko alam kung anong expression nila Lita pero wala akong pake, sobrang sakit ng tyan ko!
My vision blurred. I could see black spots before my eyes, and there's a ringing in my ears. Tapos parang nag-slow motion ang lahat. May bumuhat sakin—hindi ko alam kung sino at hindi ko na rin alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Then everything went black.
•••••
"Ynette." Rinig kong bulong ng isang baritong tinig. Pamilyar iyon sakin kaya nagmulat ako ng mga mata.
Tumambad ang mukha ni Seymour, as usual ang gwapo niya pa rin. Makalaglag-panty ang kagwapuhan. Hays, feeling ko di ako magsasawang tignan siya palagi.
Umupo siya sa gilid ng kama at doon ko lamang napansin na nakasuot siya ng kulay dark blue na sweater at ang sleeves ay tinupi sa siko.
"How are you feeling?"
"I overslept." I croaked.
Hinawi niya yung hibla ng buhok na nakatakas sa pagkakatali pagkatapos ay nginitian ako.
Pinagdikit ko ang dalawang palad ko and tucked it under my cheeks. I smiled back at him. "Wala kang pasok?"
"Inumin mo na yung antibiotics." Aniya. Inabot niya sa night stand yung gamot at ang baso ng tubig.
Itinukod ko ang kamay sa kama upang maka-upo ng maayos, tinulungan naman niya ako. Binigay niya sakin yung gamot at baso. Sinunod ko naman yung sinabi niya pagkatapos noon ay inilayo niya na. Muli akong humiga sa kama.
"Take a bath." Aniya pagkaharap.
"Pinuno-an ko na ng tubig ang tub."I sighed at bumangon na nga. May magagawa pa ba ako? Baka mag-amoy dugyot ako, kakahiya naman sa kanya, ang bango bango niya yung tipong ang sarap niyang i-bote.
"Nagpahanda na ako kay Keith ng makakakain mo sa baba." Sabi pa niya bago ako makapasok sa loob ng cr.
Sinarado ko iyon at naghubad na. Tapos nagbabad na sa bath tub. Thirty minutes ata ako doon bago umahon. I dried my hair using a towel then wrapped it around my body.
Lumabas ako ng banyo, nakita ko siya sa ibabaw ng kama at nanonood ng tv. Saglit siyang sumulyap sakin bago ibinalik ang paningin sa pinapanood.
Pumasok ako sa walk-in closet at kumuha ng dress. Di na ako pwedeng mag-jeans, medyo halata na kasi yung baby bumps ko.
Yes, hindi ako nakunan. Thank God.
One week ago pa nangyari iyon pero hanggang ngayon malaki pa rin ang pasasalamat ko kanila Keith, Norma at Roy. Kung hindi dahil sa kanila ay baka nakunan na ako. Buti na lang at naagapan. Buti na lang at nabuhat ako agad ni Keith. Kung hindi nga lang seryoso ang kaganapan ay baka natawa na ako. Ang liit kasi ni Keith tapos nakayanan akong buhatin. Dahil siguro sa Adrenaline.
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
RomanceShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...