Dispute
Ynette's POVNag-quit ako sa Jin Hotel. Sinabi ko ang lahat kay Nathaniel, except doon sa isang kondisyon ni Seymour kung saan gusto niya akong makasama sa kama niya palagi. Nathaniel got mad and he wanted to kill his bestfriend. Hindi ko siya pinigilan, ayokong mapagod pa lalo sa kalokohan nila.
Pagbalik niya kinahapunan ay may black-eye na siya sa dalawang mata at may pasa ang gilid ng labi. Kung hindi nga lang seryoso ang sitwasyon ay baka tinawanan ko na ang itsura niya.
Pagkatapos kong magempake ay namaalam na kami ni Yana sa kaniya, although susunod naman daw siya sa Pilipinas. Kinatagpo namin sa Jin Hotel si Seymour at dinala niya kami sa private jet niya. Halos wala kaming imikan nang buong byahe. Okay lang sa'kin dahil wala naman akong sasabihin sa kaniya at wala rin akong balak ipaaalam sa kaniya na anak niya si Yana.
Napabuga pa ako ng hangin at hindi maiwasang mangilid ang luha pagdating namin sa Pilipinas. I just realized that I miss everything about Philippines. Lalo na sila Merly at Shem.
Sumakay kami sa itim na SUV niya. Hanggang sa makarating kami sa bahay niya ay hindi kami nag-iimikan. Nang bumukas ang automatic gate nila ay napalunok ako.
Shit. It has been two years since I've been in here. Masyado pang fresh sa utak ko ang lahat ng pangyayari.
Pagkababa ko ng sasakyan ay binuhat ko agad si Yana. May nakita pa akong babaeng maliit ang papasok sa loob ng bahay pero napahinto siya bigla at humarap sa'kin. Kinusot kusot niya ang kaniyang mga mata tapos bigla siyang napanganga.
"Ate?!" Bulalas ni Shemang. Nginitian ko siya kaya bigla siyang napasigaw at ngumawa, tumakbo siya papalapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Ate! Miss na kita! Bwisit ka! Bakit ka umaalis na lang bigla!"
A restrained laugh came out of my lips and I sniffed first before answering her, "Sikreto para bibo."
"Baliw ka talaga!"
"Mas baliw ka! Saan na ang salamin mo?"
"Wala na, nagpa-contact lens ako. Tsaka engineering 'yung course na kinuha ko."
Natuwa naman ako sa sinabi niya. Kahit pala papaano ay tinupad ni Seymour ang deal naming dalawa.
May naramdaman akong gumalaw sa pagitan naming dalawa at doon ko lang naalala na naiipit na pala si Yana! Lumayo ng kaunti si Shemang at biglang nanlaki ang mga mata. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa'kin at kay Yana.
"Pamangkin ko?" Hundi makapaniwalang tanong niya. "Ito 'yung anak niyo ni Kuya Seymour?"
Sasagutin ko sana siya pero inunahan na ako ng isang baritonong tinig mula sa likuran ko. Malamig pa sa yelo ang pagkakasabi niya ng, "Oo."
Magpoprotesta sana ako ang kaso hinayaan ko na lamang. What is there to argue? It was actually his daughter, iyon lang ay hindi niya alam.
Pumasok na kami sa loob. Kung ano ang itsura ng bahay niya dati ay ganoon pa rin. Tapos sa sala nakita kong may mga taong naka-kumpol. Sabay sabay silang nag-angat ng ulo at nanlaki ang mga mata pagkakita sa'kin.
Unang naka-recover 'yung babaeng may kaedaran, hindi ko siya kilala dahil ngayon ko pa lang siya nakikita. Tumayo siya at lumapit sa'kin, para bang sinusuri niya ako sa titig niya pagktapos ay matamis siyang ngumiti.
"Ito ba si Marionette?" Tanong niya na nakatingin sa'kin, pero alam kong hindi ako ang kinakausap niya. Which is true because Seymour grunted, "Aba'y ang ganda pala ng napangasawa mo, Seymour. At ang cute rin ng anak niyo." Inabot niya si Yana.
I let go of Yana reluctantly, sumama naman ng walang pag-aalinlangan si Yana doon sa babae. The woman laughed when Yana gave her a toothysmile.
"Ako nga pala ang Mama ni Seymour." Aniya, "Sheila Montecilla."
"Nice to meet you po." I smiled at her sheepishly. "Pasensiya na po kung wala ako—"
"Hush. It's okay, iha." She said softly. "It's in the past now. Kung may hindi kayo pagkakaintindihan ni Seymour, kayo ang magusap at solusyunan niyo."
Nagtatakang tumingin ako kay Seymour. Gusto kong itanong sa kaniya kung bakit hindi alam ng Mama niya ang tungkol sa aming dalawa. Tungkol sa pagiging magkapatid namin. Pero nagkibit balikat lamang siya at dumiretso na sa taas.
Hinila naman ako ni Shyne at inintriga kung saan ako pumunta. Sinabi ko sa kaniyang pumunta akong Japan at doon namalagi pero hindi ko sinabing kasama ko si Nathaniel at ang rason ng pagpunta ko roon.
Kinagabihan ay umakyat na ako sa taas, pinatulog ko si Yana doon sa katabing kwarto namin ni Seymour. Pinaayos kasi 'yon para kay Yana. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto namin.
Napalunok ako nang makita siyang nakasandal sa headboard ng kama at nagbabasa ng mga documents.
"Salamat nga pala. Dahil tinupad mo ang deal natin."
Nilinga niya ako saglit bago ibinalik ang paningin sa binabasa at sinabi sa malamig na tinig, "Tinutupad ko lahat ng pangako ko. Hindi ako katulad mo, Ynette. Na bigla bigla na lang tatakbo, ipapalaglag ang bata at sasama sa ibang lalaki."
Ngali-ngaling sabunutan ko si Seymour dahil sa sinabi niya. Gusto ko pa ngang sigawan siya sa pagmumukha niya dahil sa akusasyon niya. Pero pinigilan ko ang sarili. Ayokong magpaka-bayolente.
Umirap na lang ako at pabalabag na humiga sa kama. Nakatalikod ako sa kaniya. Hindi kami nag-imikan kaya hanggang sa makatulog ako ay nagbabasa pa rin siya.
Seymour's POV
Within these three days, I was like an insatiable demon starving to death. I only wanted to eat her after I got home from work. Although she was cooperating with me, her reaction wasn't enthusiastic at all. Every time we finished, her face wasn't flushed with passion.
Fuck it. I hate it.
She didn't even respond. Katulad noong nasa hotel kami ng Jin Hotel. I felt cold and it seemed as if it was only me that felt pleasure. She always had her eyes closed and brows wrinkled, not making a sound.
I don't know if I made the right decision back then or not. Pero nasasaktan din ako at halos madurog ang puso ko nang marinig ko ang hagulgol niya noong nasa japan pa kami. Was she crying because of the cruel things I will do to Nathaniel?
Fuck it. Fuck him.
Masakit isipin na sobrang mahal ko siya pero iba ang mahal niya. Na sinasakripisyo niya ang sarili para sa iba pero hindi niya nagawang isakripisyo ang sarili para sa akin.
Nakuha ko nga siya pero hindi ako kuntento. Besides sating my lust, I wanted to see her burning with desire just like before. I wanted to see her eyes as if she was saying that I am her fucking world.
BINABASA MO ANG
His And Her Circumstances (To Be Edited)
Любовные романыShe, Marionette Cosias, because she was poor, had to do everything to live. He, Seymour Montecillo, born to a rich family leaping forward in the world of economic. They are world's apart. They had nothing to do with each other's lives and falling i...