Blood

3.6K 70 1
                                    


Blood

Ynette's POV

"Anong gagawin mo kapag bumalik yung ex mo?" Tanong sakin ni Keith.

"Depende." Sagot ko.

"Anong depende?"

"Depende kung gwapo at mayaman."

Bumusangot siya, sarap ngang pagsabitan yung nguso ng kaldero eh. Ang cute tuloy ni Keith. Takte! Ano 'to?! Siya ang pinaglilihian ko?! UTANG NA LOOB. Gusto ko tuloy masuka.

"Abnormal ka na?" Aniya sabay tuktok sakin.

Malakas ko siyang hinampas ng throw pillow. "Gaga ka?! Pag ako nakunan!"

Nanlaki yung mga mata niya atsaka napatayo. "Weh?! Buntis ka?! Omaygad!" Nagtatatalon pa siya.

Napa-facepalm ako. Hindi nga pala nila alam na kaya ako pinakasalan ay dahil buntis ako tanging si Norma lang at si Shyne ang nakakaalam ng totoong dahilan.

Iniwan ko na lang sa sala si Keith at baka magaya pa ako sa pagiging abnormal niya. Mahirap na, buntis ako baka maging psychotic pa ang anak namin ni Seymour.

Kumulo naman tyan ko kaya dumiretso ako sa kusina upang maghanap ng pagkain. Natagpuan ko si Norma na nagluluto.

"Ano pong niluluto niyo?" Tanong ko pagkalapit.

"Ginataang Tulingan." Tipid na sabi niya. As usual masungit pa rin siya sakin.

Ewan ko ba, baka menopause? O baka naman naiinggit sa alindog ko? Napabungisngis ako bigla at agad ko ding tinakpan ang bibig ko. Sumulyap siya sakin kaya nginitian ko siya.

"Paborito ko po iyan." Sabi ko sa kanya at totoo iyon. "Niluluto po sakin ni...Nanay dati 'yan." Napakagat ako sa ibabang labi.

Leche lang, ano? Sa lahat pa ng maiisip ko ay si Nanay. Pero sa totoo lang miss ko na siya kahit na di kami blood-related. At kahit na niloko niya ako.

Kahit naman kasi ganito akong tao—yung may kabalastugan—may 2% pa namang kabaitan sa katawan ko. Kapag nga nakakakita ako ng mga matatanda o buntis na walang mauupuan o nasa hulihan ng pila ay pumipikit agad ako para di sila makita. Hahaha, hindi. Just kidding. Ang totoo kapag nakakakita ako ng ganoon ay ibinibigay ko ang aking upuan o pinapauna sila sa pila.

Hindi lang talaga halata sa mukha ko na mabait ako. Mukha kasi akong mataray na dyosa sa ilalim ng lupa.

"Tapos masarap po iyan kapag may kapeng barako at sinangag." Pagpapatuloy ko.

Sumulyap ulit siya sakin. "Kapag natikman mo 'tong tulingan ko baka makalimutan mo pangalan mo."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Baka nga po."

"Hala sige, iigahin na lang ito at luto na." Nakangiti niyang sabi.

And right there and then nawala yung animosity niya sakin. Pakiramdam ko tuloy ay siya na ang nanay ko ngayon.

"Keith!" Tawag niya, mabilis namang dumating si Keith.

"Po?"

"Handaan mo si Ma'am mo ng pinggan at kubyertos, salinan mo na rin ng kapeng barako. Meron d'yan sa peculator." Utos pa nito.

"Ay! Ako na po!" Sabi ko.

Umiling siya at hinarap ako. "Ay nako itong batang 'to, buntis ka 'di ba? Hala umupo ka dito."

Inalalayan niya akong umupo doon sa dining chair. Pagkatapos ay naglagay si Keith ng pinggan at mga kubyertos, pati na rin ng kape.

Pagbalik ni Norma ay may dala na siyang tupperware na may sinangag, ibinaba niya iyon sa lamesa.

I scrunched my nose. "Hindi po ako sanay na pinagsisilbihan."

"Masanay ka na dito, iha."

Umalis ulit siya. Inabot ko ang mug na may kape at sumimsim. Masarap talaga, at wala ng makakatalo pa sa kapeng barako.

Nang bumalik si Norma ay may dala naman siyang mangkok na may ginataang tulingan, amoy palang ay alam ko ng masarap na iyon. Lalo tuloy kumulo ang tyan ko.

"Kumain ka ha? Magpakabusog ka." Aniya pagkalapag ng mangkok. Nginitian niya ako bago umalis.

Sinimulan ko na ngang kumain. Tangina! Ang sarap magmura sa sarap. At teka, sino nga ba ako? Hahaha.

Naubos ko na yung tulingan doon sa mangkok at dahil gutom pa ako ay pumunta akong kusina upang lagyan ulit iyon. Pagkabukas ko ng kaldero na may lamang tulingan ay sakto namang dumating yung dalawang impakta.

Sino pa ba? Eh di sina Tinay at Lita. Yung dalawang bobita.

Nairita tuloy ako bigla. Shete lang, baka ito pa ang paglihian ko. UTANG NA LOOB, kung ganoon lang din ay kay Keith na lang. Speak of, ayun pumasok nga si Keith. Nagirapan sila nila Lita.

"Ako na maglalagay." Sabi ni Keith sakin.

"Ako na." Kinuha ko yung sandok at naglagay. Naririnig ko pang nagtatawanan yung mga impakta sa background.

Feeling ko tuloy nasa isang fantasy movie kami tapos papasok kami sa bahay ng isang mangkukulam—este dalawang mangkukulam pala.

"Uy, gustong makipagbalikan ni Roy." Aniya.

Ilang beses ko na bang narinig sa kanya 'yan mula ng dumating ako dito? Pang-sampu ata.

"Babalikan ko siya pero last na talaga 'to. Pagod na pagod na rin ako eh." Bumuntunghininga pa siya.

Tinakpan ko ulit yung kaldero tapos tinignan si Keith. "Pagod na rin ako sa'yo. Ilang beses ko na bang narinig 'yan na gusto mong makipagbalikan. Mga 528293036x ata, eh."

Natawa siya. "Grabe siya oh! OA!"

"Oo! Over attractive." Hahampasin niya sana ako kaso pinigilan ko agad. "Geh, tangina mo kapag tumama sakin 'yan, ibubuhos ko sa'yo 'to." Inamba ko sa kanya yung mangkok na may mainit na ginataang tulingan. She laughed awkwardly.

"Joke lang!" Tapos nag-peace sign.

Naglakad na kami at nauna siya. Nang mapadaan kami doon sa dalawang impakta na nagtatawanan bigla ba naman akong tinalapid sa paa!

"Aray!" Sigaw ni Keith dahil nadaganan ko siya at natapon sa likod niya yung ginataang tulingan.

"Takte, Keith. Sorry." Sabi ko at mabilis na tumayo ngunit biglang bumigay yung paa ko. "Aww!" Daing ko.

Hinawakan ko ang tyan ko dahil sumakit iyon. Tapos nakaramdam ako ng likidong dumaloy sa binti. And when I looked down at my legs, I saw blood trailing down on it.

His And Her Circumstances (To Be Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon