Revelations

4K 88 6
                                    


This is the last chapter, next is epilogue. :) Thank you for making it here. Tsaka sorry kung puchu puchu lang 'to, tinatapos ko na kasi dahil ilang taon na 'tong tigang. XD kawawa naman.

Revelations

Ynette's POV

I'm currently suffering a terminal ill disease called, "I need to fucking see my daughter!" Shit! Nababaliw na ako. Nababaliw na ako dahil ilang linggo ko nang hindi nakikita ang anak ko. Nababaliw na ako dahil ilang linggo na akong kinukulong dito ni Seymour.

Ang tunog ng pagbukas ng pinto ang nagpaputol ng daloy ng iniisip ko. Iniluwa niyon si Keith na may dalang tray ng pagkain. Hilaw siyang ngumiti sa'kin.

"Ynette, 'yung pagkain mo."

"Keith." Seryoso kong tawag sa pangalan niya.

"Bakit?"

"'Di ba magkaibigan tayo?" Tumango siya. "So kapag magkaibigan, hindi ba dapat ay nagtu-tulungan?"

"Oo naman!" Sagot niyang ngiting ngiti pa.

"Tulungan mo ako, Keith!"

Nawala ngiti niya. "Ha? Wala akong pera, ateng!"

Punyeta! Napa-facepalm ako at tinignan siya na para ba akong tumitingin sa tanga. "Tulungan mo akong makaalis."

"H–Ha! Papagalitan ako ni Sir!"

Inis akong napakamot sa ulo. "Tawagin mo si Shem. Tsaka si Seth." Magjowa na kasi 'yung dalawa at laging magkasama, iisang school pa ang pinasukan.

Nagdalawang isip muna siya. Kung hindi ko pa kukurutin sa singit ay hindi pa siya tatango. Umalis siya at pagbalik ay kasama na ang dalawa.

"You!" Turo ko kay Shem, "And you!" Turo ko naman kay Seth.

"Me?" He pointed at himself. "I'm tall and handsome."

I waved my hand in front of me. "Kayong dalawa! Tulungan niyo akong makatakas."

"Matakas?!" Sabay pang bulalas nila.

Tumango ako, "Tatakasan ko si Seymour. Dadalhin ko si Yana."

"Saan kayo pupunta, ate?" Nakakunot noong tanong ni Shem.

"Tsaka bakit mo sa'kin sinasabi, e kapatid ko si Seymour?" Tanong naman ni Seth.

"Kapatid ko naman si Shem."

Ngumisi siya. "Sabagay, may point ka."

"So." Humalukipkip ako. "Anong plano?"

"Wow, ate! Kami pinapunta mo dito tapos kami pa mag-iisip ng plano? Galing, a!" Sarkastikong sabi ni Shemang. Kung hindi ko lang 'to kapatid ay baka naitapon ko na 'to sa ilog pasig.

Pinukpok ni Seth ang kamao niya sa kaniyang palad. "Wala si kuya ngayon. Nandyan si Yana."

"Oh?"

"Kung gusto mong umalis, this is now your chance. Take Yana and go somewhere else na hindi alam ni Kuya."

"Saan? Wala nga akong maisip, e."

Nagkatingin sila ng Shem. Maya maya pa'y bumalik ang paningin nila sa akin at sabay na nag-kibit balikat. Puta! Muntikan na akong bumagsak sa sahig dahil sa dalawang 'to.

Tangina, beh! Umasa akong may matino silang isasagot. In the very first place, bakit pa pala ako umasa, eh dapat inalala ko munang mongoloid nga pala ang kapatid ko.

His And Her Circumstances (To Be Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon